Chapter 5

1629 Words
Chapter 5 Napaigtad Juno Juseo 'Junjun' Hermana "Higa ka. " At tinapik ni kuya Marc ang malambot na kama na may puting kobre kama. Tila napalunok naman ako sa mga bagay na naiisip ko. Tiwala lang, gigising pa ako ng buo bukas. Cross fingers. Ganoon nga ang aking ginawa. Naupo na ako sa tabi ni kuya Marc kahit labag sa makatao kong dignidad, kasi naman bakit ang tanging suot lang niya ay ang manipis na tela na tinatakpan ang kayang Junjun. Actually ay hindi pa halos nito matakpan ang bagay na 'iyon'. "Naiilang ka ba? Pasensya na Jun, hindi kasi ako makatulog kapag may suot akong damit. Madali kasi akong pagpawisan. " Proven and tested na palaging pawisin itong si kuya Marc , sadyang mabango lang ito at macho kaya hindi halata. " Ayos lang iyon Kuya. Matulog na po tayo." Sabay higa ko. Ipinikit ko ang aking mata. Narinig ko ang pag click ng isang buton at kasabay no'n ay ang pagkawala ng ilaw na ang tanging natitirang liwanag na lamang ay ang ilaw na nagmumula sa lampshade. Tumalikod ako ng harap mula sa bulto ng makasalanang anyo ng Kuya nitong si Walter. 'Conceal don't feel, don't let him know Junjun!' Kinakabahan akong napalunok. Kahit na malamig ang daloy ng hangin mula sa aircon ay halos tumagaktak pababa mula sa aking noo patungong leeg ang aking pawis. Limang minuto ang lumipas. Mukhang tulog na siya kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Pero tila natuod na naman ako ng maramdaman kong pumalupot ang dalawang braso ni kuya Marc sa akin at hilahin ako upang yakapin. "I need to cuddle you, please?" bulong niya sa aking tenga dahilan upang manghilakbot ako sa malaki at bilugin niyang boses. Tumango na lang ako at humarap sa kanya. Tumambad sa akin ang kanyang matigas na, dibdib. Tila agad na pumasok sa aking ilong ang lalaking lalaki niyang samyo. Ang makintab niyang dibdib, ang kanyang nakatayong mga n****e. Nilalamig siguro siya. Hinawakan niya ang ulo ko at idinikit ang aking mukha sa kanyang dibdib. "Tulog na tayo." Oo naman kuya Marc. Matutulog ako ng mapayapa habang ramdam ko po ang inyong makabag damdamin na p*********i sa aking hita. Ang galing. Kinaumagahan ay halos hindi ko na maimulat ang aking mata sa sarap ng aking pagkakahimbing. Nang tingnan ko ang orasan sa isang banda ay halos alas singko pa lang ng madaling araw, at katulad ko ay mahimbing ding natutulog ang mala anghel dela guardia na katauhan ni kuya Marc. The way he snore is both cute and very manly. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong nakapatong ang hita niya sa aking tiyan. At ang kanyang matigas na 'ano' sa umaga na ramdam na ramdam ko ay hindi nakakatulong sa sitwasyong ito. "Kuya Marc, gumising ka na. Umaga na." Pinanuod ko kung paano magmulat ang kanyang mga mata. Kung sino man ang maswerteng babae na mamahalin ni Kuya ay siguradong pagpapalain. Kung ganito ba naman ang masaksihang kakisigan sa pagsisimula pa lamang ng umaga, bawing bawi. " O, sorry napasarap ang tulog ko lalo na at ang cute ng human pillow ko." Nag-iwas naman ako ng tingin at ramdam ko na parang sinisilaban sa init ang aking pisngi. Aga naman nito Lord. Ang agang tukso. "Iyung hita mo po." nag-aalangan na sabi ko sa mahinang boses. " Pasensya na." Inalis na nito ang pagkakayupos ng kanyang hita. Sabay na kaming tumayo at lumabas. "Good morning!" Bungad sa amin ni Walter na tila ba sobrang saya ng umaga. Nakaluto na rin ang pagkain. "Kain na kayo. How's the honeymoon. Lovey dovey? Naka ilang round kayo besty?" Tila ba nais ko ng maglaho sa isang pitik sa walang habas at prenong pagsasalita nitong si Walter. Minsan talaga, minsan talaga nakakagigil. "Masarap. Sobrang sarap." Tila pilyo ang tinig ng nakakatandang kuya. "Mesherep?" gatong pa ng isa. "Masarap ang luto mo kako Bunso." At sabay silang tumawa. Saan nga kasi ako lulugar? Umupo na kami sa hapag kainan at pinagsaluhan ang chicken soup, masarap na hotdog at egg. Gamit ang isang tinidor upang tuhugin ang isang pulang jumbo na hotdog. Mayroon akong mannerism na sa tuwing titikman ko ang isang pagkain, kailangan ko muna itong dilaan. Labis ko ng nakasanayan ito at hindi ko na matanggal pa sa sistema ko ang kaugalian na 'to. Inilabas ko mula sa aking bibig ang aking dila at pinasadahan ko ang matabang hotdog upang tikman. Nabalik na lamang ako sa reyalidad ng marinig kong may nahulog na kutsara o tinidor. Doon ay nahuli kong nakatulalang nakatitig sa akin si kuya Marc na tila bahagya pang nakaawang ang kanyang mapupulang labi, at sa kabilang dako ay ngising malisyoso naman ang nasa labi ni Walter. Anong mayroon? Mabuti na lamang at umabot pa kami bago isara ng tuluyan ang tarangkahan ng Centre Pisces High, subalit sa kasamaang palad ay tapos na ang Flag Ceremony. Ang ibig sabihin nito? Nangangamoy punishment. Nakatayo kami sa isang gilid, nakalinya kaming mga nasa tatlong tigsa-sampong mga estudyante na papatawan ng kaparusahan. Doon ay nakita ko ang mga officer ng school, lalo na ang kilala at gwapong masungit na vice president na si Garron Bentley. Mestiso at halos kulay bughaw ang mata ng gwapong masungit. Isa ito sa mga hinahangaan kong tao sa school. "Each of you must know that being late in this school is a very insulting and indolent act. We can't just let it slipped off. And the punishment would be being a whole week cleaners from different appointed places on you." madiin ang boses nito, katabi lang niya si Nia na presidente naman ng School government organisation. "Okay po," mahina kong bulong. Tila nakuha ko ang atensyon ni Sir. Garron. Itinaasan niya ako ng kilay kaya ako napaiwas ng tingin. "I assign you to our office. You Mr.-" Nilapitan niya ako at tila may kumabog sa aking puso. Hindi ako makahinga. "Mr. Hermana. I assign you to our office. You'll going to clean there from five to six. No excuses or additional punishment would be given." Ma-otoridad ang kanyang tono at saka niya ako tinalikuran. Kanya-kanyang assigned ang nangyari. "Nakakainis! Bakit doon ako sa faculty ng mga Math teacher na assign. Susme, ang daming mga terorista roon." Sabay hawi nito ng gahiblang bangs. Baliw. "Ganyan talaga ang buhay Walter." Tila nasatinig ko na lamang. Umismid naman ito. "Don't me. Isusumbong kita kay Kuya. Baka naman kinekerengkeng mo iyang si Garron. Naku ha? Huwag tutuwad. Tularan ang puso kong loyal." Nahampas ko na lang siya. "Sira ka talaga. Anong tuwad? " Sarkastiko itong ngumiti. "Gusto mong i-demonstrate ko pa? Talaga lang Junjun? Hay naku! Tara na at sa kakalinis lang ay naabutan na tayo ng recess." Ganoon nga ang nangyari. Tinungo namin ang Cafeteria. Kaagad kaming pumila. Ngunit tila nahawi ang lahat ng lupon ng mga adonis ng dumating ang tatlong gang leader, kasama si King na tila naglalaro ang kakaibang angas sa labi niya. "Follow me." wika niya, ni King sa akin at agaran akong tinalikuran. Anong- "Sumama ka na besty. " Naging seryoso ang tono ni Walter." Hindi pinaghihintay ang hari." Doon ay kumabog ng todo ang aking puso. Tila tatalon paalis mula sa aking katawan ang aking kaluluwa. Sumunod na nga ako sa tatlong pigura ng kalalakihang labis na hinahangaan ng mga babae at binabae, at labis namang kinatatakutan ng mga kapwa adonis ng mga ito. Patungo kami sa opisina ng Punong Guro. Doon ay nakita ko na nakaupo na si Mr. Kilbarchan o ang Ama ni King na prenteng nakaupo sa tabi ng Head. "I need your decision Mr. Hermana." Agad na nagtama ang abo niyang mata sa akin. "Ano po kasi." Naramdaman ko na lang ang presensya ni King sa aking likod. Dama ko na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa aking leeg sa presensya ng binatang gangster. Tila nagbabadya ng daluyong ang kanyang aura. "Decline and death will be your last resort." Doon ay tuluyan ng napigtas ang aking hininga. Kapit lang. "T...Tinatanggap ko na po." Sumilay ang ngiti sa labi ng nakakatandang Kilbarchan. Tila nahihiwagan pa rin ang aking damdamin. Pero isa lang ang patutunguhan nito. At hindi ko ito labis na magugustuhan. Tumayo si Mr. Kilbarchan at dali dali akong kinamayan habang nasa labi nito ang kasiyahan sa aking pinili na desisyon. "Hindi mo pagsisihan ito Mr. Hermana." Kung alam niyo lamang po. "Mauna na po akong lumabas. May mga bagay pa po kasi akong aasyusin. Sir. Principal, Mr. Kilbarchan." "You may excuse yourself," anang Punong Guro. Nang lumabas na ako sa silid ay agad akong tumakbo. Tinungo ko ang hindi gaanong pinupuntahan ng mga estudyante rito. Ang Botanical Garden. Doon ay naupo ako. Kita ang malawak na espasyo ng buong paaralan. Mabuti pa sa lugar na ito ay tahimik at walang istorbo. Matatanaw sa kabilang dako ang Lostè Infernosá. Ang pinakamadilim na bahagi at tila kabaligtaran ng aking kinasasadlakan. Kung ako ngayon ay nasa paraiso. Doon naman ay ang tinatawag na impyerno ng pagpaparusa. Tila naramdaman ko ang uhaw at gutom ng sandaling umihip ang hangin na amoy ang samyo ng mga bulaklak sa hardin. Mula sa aking back pack ay kinuha ko ang isang bote ng tubig at sandwich na ipina baon sa amin ni kuya Marc. Tanda ko pa ang sinabi niya. 'Kumain ka kung saan walang tao. Ayaw kong may nakakakita sa'yong kumain. I am just the one who had the rights to see that sinful act' Tandang tanda ko pa kung gaano kalalim at ka seryoso ang kanyang tono. Tunay na ma otoridad at mahihimigan na tila isa itong nobyo na napaka possessive. Wala namang tao rito. Inalis ko na ang tissue na nakabalot sa piraso ng pagkain. Inilabas ko ang aking dila at saka pinasadahan muli ang pagkain. Napapikit ako habang bahagyang umuungol. "f**k it." Napaigtad ako. Sino 'yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD