Chapter 6

1561 Words
Chapter 6 Bulgar Juno Juseo 'Junjun' Hermana Napakamot naman ako ng ulo. Sino naman kaya iyon? Anong ginagawa niya rito at nakita kaya niya ang wirdong istilo ko ng pagkain? Tila nawalan ng gana ang tiyan ko sa nangyari at sa pang-i-istorbo ng tao'ng iyun. Hindi ko pa pala nalilinis ang SSG Office. Habang may oras pa ay pupunta na rin siguro ako roon ng mabilis ding lumipas ang oras. Kumatok ako ng makailang ulit. Hinintay ko muna ang ilang minuto bago buksan ng sino man ang pinto. Doon ko na bungaran ang pawis na pawis na si Sir. Garron na naka sando lamang, kita na parang nilukot ang damit niya at may basa pang parte sa pinaka ilalim na parte ng kanyang puting damit. "Pasok ka," sabi niya. Nahimigan ko ang nauutal niyang tono. Nang tuluyan na akong makapasok ay bumungad sa akin ang lamig ng aircon. Amoy ko rin ang malansang amoy ng chlorox sa loob ng silid. Baka naglinis itong si Sir. Garron dahil hindi agad ako nakarating dito. Nakakahiya naman sa kanya. Alam ko namang busy rin bilang Senior itong si Sir Garron. "Maglilinis na po ako," paalam ko sa kanya. Tumango naman siya. "Sige, simulan mo diyan sa banyo," mando pa niya. Tila ramdam ko na ang panglalagkit ko nang dahil sa ilang oras ko nang paglilinis. Ang aking ginawa ay hinubad ko na ang aking suot na uniporme at slacks. Ngayon, ang tanging saplot ko na lamang ay ang aking pang volleyball na short at sandong itim. Tila ramdam ko ang pares ng dalawang mata na nakatingin sa akin. At doon ko nga nahuli na nakatitig sa akin ang SSG Vice President. Agad na nag-iwas ito ng tingin. Ako'y nagkibit balikat na lamang at hindi na ito pinansin pa. Matapos ang paglilinis ay nakigamit na rin ako ng bayo upang makaligo na rin ako at makapaglinis na ng katawan. Hindi ko na kinaya ang init. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagligo at masayang dinadama ang malamig na agos ng tubig ay may kumatok sa pinto. "Matagal ka pa ba diyan Mr. Hermana?" tanong ng tinig ni Sir. Garron. Sumigaw naman ako bilang sagot. "Oho!" " Naiihi na kasi ako. Magtapis ka muna at lalabas na talaga ito. Hindi ko na kaya pa. " Itinapis ko muna ang baon kong tuwalya sa aking bewang. Ipinihit ko ang saraduhan at kusang pumasok ang binata. Tumalikod na ako upang hindi makasaksi ng kung ano 'man. Sa sumunod na segundo ay dinig ko ang pag-agos ng kanyang 'ano'. "Bakit hindi ka makaharap?" May halong kalokohan ang tinig niya. Maski ako ay nagulat dahil. Kilalang seryoso at tahimik na tao ang Bise Presidente. "Wala lang po," aniko naman. "Bakla ka ba?" Tila nagregedon ang puso ko sa sinabi niya. "Ganoon na nga po." Mahina kong bigkas. "Kung ganoon ay tapusin mo na ang pagligo mo at maaari ka nang umalis." Nakahinga naman ako nang maluwag. "Bukas muli. Kailangan mong linisin ang buong silid. Nakakaintindihan ba tayo?" tanong niya. "Opo," sagot ko. Mabilis ko ng tinapos ang aking pagligo 'tsaka na nagbihis upang makalisan na sa silid. Napaka-awkward kasi ng atmospera at ayaw ko ng ganito. Nagpaalam na ako sa kanya at tanging tango lang ang kanyang isinagot. Ngayong araw ay napagpasyahan ko na umuwi muna ako sa aking mumunting tahanan. Matapos na makapagbihis ay kinuha ko na sa isang gilid ang matagal ko ng pinag-ipunan na bisikleta. Mabilis akong nagtungo sa pinagta-trabahuan kong kainan. "Nandito na ho ako!" Pumasok na ako sa loob ng kusina ng karinderya. Nakita kong abala sa pagluluto si Mina ng mga putahe, palibhasa'y napakaraming mga kostumer sa ganitong mga oras. "Nandiyan ba si Lola Mama at Lolo Papa?" tanong ko habang nagsisimula na sa paghuhugas ng plato. "Hmm," maikli nitong sagot. Hindi kasi ito mahilig makipag-usap. Siya at si Moru ang apo ng mag asawang umampon sa akin at binihisan ako. Kusang loob nila akong nais kupkupin at sa kanila na manirahan ngunit ayaw ko naman sa magulang ni Mina, anak ni Lola Mama at Lolo Papa na siyang may kaunting kapangitan ng ugali. Tumango na lamang ako. Pasigaw naman'g dumating ang kuya ni Mina. Si Moru. "Hey, mga chikababes!" masigla niyang pagbati. Sanayan na lang. Gwapo ito, sadyang makapal nga lang ang mukha. "Ingay." wika ni Mina. "KJ." Pabalik na gatong naman ng nakatatanda. Tumahimik na lang ako at tinapos na ang hugasin. Lumipas ang dalawang oras at saka na kumaunti ang mga parokyano sa kainan na pinagtatrabahuan ko. Habang nililinis ko ang mga lamesa ay tumambad sa akin ang grupo na hinding hindi ko nais makita sa oras na ito. Ang mga lider ng Lostè Infernosá. Nang magtama ang mata ko at ang mata ni King ay at saka naghurementado ang aking kalooban, tila nanlambot din ang aking mga tuhod. Kung maaari lamang akong mawala na tila isang bula sa oras na ito ay gagawin ko. Umupo ang tatlo sa mismong lamesa na nililinisan ko. Nagtama pa ang braso namin ni King nang umupo siya sa aking tabi. "Pabileeeee!" Masiglang wika ng mukhang singkit, sa pagkakaalam ko ay si Ridge ito. "H'wag ka ngang maingay." Naalibadbaran naman ang tono ng seryosong lalaki na si Hein. "Isang order ng espesyal na sisig, kanin at manok." Walang emosyon na wika nitong si King habang hawak ang aming Menu. "Same! Pero dagdagan mo ng papaitan sa akin." Pa cute na wika ni Ridge. "Ang cute nga ng kulay gray na mata mo!" dagdag pa nito. Ramdam ko ang matatalim na titig ni King sa kanyang kaibigan, pero ngisi lang ang isinagot ng isa. "Gulay lang sa akin at kaunting kanin," ani Hein. Kinuha ko na sa kusina ang order nila at is-in-erve ko na ito sa kanila. Agad din akong umalis dahil hindi ako komportable sa pagtitig sa akin ni King. "See you tomorrow Little. Marami pa tayong gagawin." Ngisi nito matapos na umalis kasama ang dalawa pa. Nakahinga naman ako ng kaunti, mabuti at umalis na sila. Pasara na ang karinderya at akmang sasakay na ako sa aking bisikleta ng may makita akong papel na nakadikit dito. 'I can't wait to ravish you honey. I wonder if you taste like how a forbidden fruit can be so delicate.' Tila nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Tinupi ko ito at ibinulsa bago lumisan. Maaga pa lamang ay nagising na ako upang makapag saing at maligo na sa katabing poso para sa paghahanda sa pagpasok ko sa paaralan. Tulad ng aking inaasahan ay nakita ko agad ang kotse ni kuya Marc at ni Walter sa may kanto. Pumasok na ako sa shotgun seat dahil maraming mga bagahe ang nasa likod katabi ni Walter. "Ano 'yang mga 'yan kuya Marc? " tanong ko. "Ah, aalis ako patungong Italy. Kikitaan ko kasi iyung asawa ni Ate. Magbubukas kasi kami ng bagong restawran doon. Kaya medyo matatagalan ako sa pag-uwi, mga isa o dalawang araw," saad niya. Aaminin ko na may parte sa akin ang nalungkot sa balita niya. Ilang linggo rin ko itong hindi makikita. "Ganoon ho ba," mahina kong bigkas. Bigla namang umeksena si Walter. "May malulungkot kuya. Ikaw rin, baka makahanap siya ng iba." Dinig ko ang ngisi sa labi niya. Tila matalim namang tumitig ang Kuya nito. "Kaya nga pinapa bantayan ko sa'yo Walter, ikaw muna ang bumakod." Humagalpak naman ang bakla. "Osiya, para sa'yo my dearest Bro!" Wala akong mintindihan sa kanila? Anong babakuran nila? May pinagagawa ba silang bahay? Bago pa umalis si kuya Marc ay nakiusap ito na habang wala siya ay sa mansyon muna ako tumira para may makasama si Walter. Hindi naman ako makatanggi sa mala adonis nitong kagwapuhan. Ayaw ko talagang ginagamitan ako ng ganoong mukha! Nanghihina ako. "Magi-ingat kayo. No boys." mando niya. "Oo na dear brother. Shupe na! Go! Missing in action na." Pagtataboy ni Walter. Tumawa na lang ako ng mahina sa kanilang magkakapatid. Dumaan ang oras at tapos na kami sa asignatura naming Basic Calculus. May isang estudyante ang tumawag sa akin mula sa labas ng aming silid aralan. "Bakit po?" Nangangatog naman niya akong tiningnan, mukha siyang nerd. "Ipinapatawag po kayo ni Master King. Ako po ang mananagot kapag hindi kayo pumunta sa Damn Slaughter." Ako naman ngayon ang nangatog sa ibinalita niya. Damn Slaughter. Iyung Torture Chamber? "Sumunod po kayo sa akin. Excuse na kayo sa inyong klase." Malalim na lamang akong bumuntong hininga at sinundan na ang lalaki sa kung saan pa man. Hindi pala sa mismong Damn Slaughter kami nagtungo. Kumbaga ay sa bahay aliwan ng mga lider-sa likod ng Damn Slaughter mismo. Tila namamangha kong inilibot ang aking paningin sa mahabang pasilyo ng bahay aliwan. Animo'y nasa makaluma kaming panahon sa Inglatera. May mga estatwa pa ng mga mandirigma at mga paintings na mamahalin sa pader. "King, nandito na po siya." nauutal na banggit ng nerd. "Maaari ka ng umalis." Patakbong umalis ang lalaki at tanging ako at si King na lamang ang nasa isang silid. Pinagpapawisan ako ng malamig. Humulma sa labi niya ang naglalarong ngisi. Bagay na ayaw kong makita dahil pilit ko man na itanggi ay mukha itong mapang akit at labis na nababagay sa perpektong pagkakahulma ng kanyang mukha. "Ano pang hinihintay mo? Pasukin ko iyang pwerta mo? Kumilos ka na. Kunin mo iyung Matematika na libro. f**k. " Napapitlag ako, napaka... Bulgar niyang magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD