Chapter 20: Classroom fight

1021 Words
Nagrambolan na ang dalawang grupo. Sapakan at tadyakan. Samantalang ang black rose g**g naman, nakatingin ngayon sa pinakarason kung bakit nagrarambolan ngayon ang dalawang grupo. Ang sasama ng tingin ng mga ito sa kay Hyemie. Kasi ba naman, pangiti-ngiti pa habang nanonood ng movie sa cellphone habang nagheheadset. Tumayo si Ayumi, lider ng black rose g**g. Kinuha ang eraser at binato kay Hyemie. Nagkataon ding nangati ang paa ni Hyemie kaya yumuko ito upang kamutin ang paa. Dumiretso ang eraser sa mukha ng isa sa kagrupo ni Kimura kaya inis itong tumingin sa gawi ni Ayumi. "Di ikaw ang sadya ko. Ang babaeng yan." Sabay turo kay Hyemie. "Kapag di marunong umiwas wag sa iba isisi." Sabi pa ni Hyemie at isinandal ang likod sa upuan niya at nagpatuloy sa panonood. "Huy! Babae!" Tawag pa ni Samantha makitang galit na galit na ang lider nila na si Ayumi. Nilapitan si Hyemie at sinipa ang paa ng inuupuan nito. Siya ring pagtayo ni Hyemie para makapag-unat at humikab pa. "Hay, nangangalay na ako." Sambit niya habang inuunat ang mga kamay saka inikot-ikot ang leeg. Sinipa siya ni Samantha habang nakatalikod siya sa gawi nito. Humakbang naman siya ng isang hakbang kaya iba ang natamaan. Natigilan siya mapansing nakatuon ang atensyon ng lahat sa kanya. "Eh? Tapos na ang laban?" Tanong pa niya na parang nagtatanong lang kung tapos na ba ang palabas. Napagawi ang tingin niya kina Nizu at Kiyo na parehong nakasandal sa pader at parehong may mga pasa sa mukha. Tinawanan pa ang dalawa. "Hahaha! Ang panget nyo talaga kapag may pasa sa mukha." Sabi niya bago lapitan ang mga ito. Hindi pinansin ang nagngingit-ngit na si Ayumi at ang grupo nito. Susugod sanang muli si Samantha nang pigilan siya ni Ayumi at inilingan.  "Hyemie! Ang sakit ng pisngi ko." Sumbong ni Kiyo na parang bata. Hinimas naman ito ng dalaga at hinipan. "Ako din. Masakit ang lips ko. Hipan mo din." Sumbong din ni Nizu, kaso may tumamang notebook sa mukha niya. "Masakit pa ba o paduduguin ko pa?" Banta ni Clyden kay Nizu. Sinamaan lang siya ng tingin ni Nizu. "Panira talaga tong Clyden na to o." Angal ni Nizu at napanguso na lang. "Hyemie, ako ang best friend mo bakit ibang tao ang inuuna mo?" Reklamo ni Clyden. "Bakit natamaan ka ba?" Tanong ni Hyemie at tiningnan ang kaibigan. "Wala ka namang pasa o sugat." Sabi niya pa. "Meron kaya." "At saan naman?" "Sa puso." Nakapout nitong sagot. "Mga isipbata. Tsk!" Sambit ni Kenjie at inikot ang mata. Si Keith na hindi sumali sa rambol kanina ay tahimik na tumayo at umalis. Sinundan na lamang siya ng tingin ni Kenjie. "Aray! Dahan-dahan naman." Reklamo ni Kiyo habang nilalagyan ni Hyemie ng band aid ang putok niya sa labi. "Ayan kasi. Nasasaktan naman pala kayo pero ang bilis nyong makapanuntok. Hindi naman dapat lahat dinadaan sa suntukan. Kunting pagtatalo lang suntukan na agad. Pwede namang pag-usapan nalang di ba?" Sabi ng dalaga. Yumuko lang si Kiyo na isa sa natamaan sa mga sinabi niya. Bumalik na ang dalaga sa kanyang upuan matapos lagyan ng band-aid ang mga bruises ng dalawa. "Hindi sa labanan o suntukan napapatunayan ang lakas ng bawat isa. Ang tunay na malakas ay ang kayang protektahan ang sarili at ang sinumang nakapaligid sa kanila. Kung kaya niyang protektahan ang ibang tao, kaibigan o kahit sino at anupaman sa kahit anong paraan, don mapapatunayang malakas siya.  Maari kang makaligtas o maari mong protektahan ang mga bagay o tao sa paligid mo sa pamamagitan ng pakikiusap o mahinahong salita, pagpapakumbaba, pagpapasensya at pwede ring sa kilos at hindi sa mga tulad ng mga ginagawa niyong walang kwentang labanan.  Ano naman kung sabihan kang mahina? May mawawala ba sayo? Ano naman kung tawagin kang talunan? Kailangan pa bang magsuntukan para mapatunayan lang na di ka mahina, duwag o talunan? Mapapatunayan nyo naman iyun sa ibang paraan. Ang katapangan ay di sinasabi, nakikita ito at nararamdaman. Protect yourself and someone who are important to you. The one who can protect is the real brave and strong." Humikab pa siya sa napakahaba niyang speech. "Kung makapagsalita ka, kala mo naman kung sino kang magaling." Sagot naman ni Zature. "Para ginaya ko lang yung sinabi ni Yankumi kina Ogata at Ren sa gokusen 3." Nakanguso niyang sagot bago balingan ng tingin sina Nizu at Kiyo. "Ano? Kuhang-kuha ko na ba si Yankumi?" Tanong pa niya sa mga ito. "Akala ko pa naman tumalino ka na kahit kunti." Dismayadong sagot ni Kiyo. "Nanggagaya lang ako sa mga napapanood ko o nababasa. Don din naman kasi ako minsan kumukuha ng mga aral. Saka wala naman akong karapatang husgahan kayo. Hindi ko naman alam ang puno't-dulo ng alitan niyo at kung bakit nagkakaganyan kayo. Higit sa lahat, hindi nga rin naman ako sigurado kung tama ba ako o mali sa mga paniniwala ko. Kaya hindi rin ako dapat nanghuhusga ng kapwa ko tao. Kung bakit ganyan kayo, kayo lang din ang nakakaalam. Basta ako, kahit tawagin man akong mahina o talunan, hindi ko responsibilidad na baguhin ang tingin sa akin ng sinuman. Dahil may mga pagkakataon talagang kahit ano pa ang gawin at sabihin mo, kung iyon na talaga ang tingin sayo ng mga tao ganon parin. Walang magbabago. Pero hangga't kaya ko, hindi ko pababayaan ang sinumang malalapit sa puso ko. At kung sakaling napabayaan ko man siya, ibig sabihin non, hindi ko sinasadya." "Kay Yankumi din ba yan?" Tanong ni Kiyo. "Ah, narinig lang ni author sa kapitbahay nila. Nishare niya sa akin. Ginaya ko naman." Sagot ni Hyemie at nag-peace sign saka dinampot ang bag para makaalis na. "Saka kung may paraan pang mailigtas siya gagawin ko na. Hindi ko hahayaang makita siyang pinapahirapan ng iba kung talagang mahalaga siya." Dagdag pa ni Hyemie saka lumabas na ng classroom. Agad namang sumunod si Clyden maging sina Kiyo at Nizu. Si Kenjie naman paulit-ulit na bumabalik sa isip ang sinabi ni Hyemie na ("kung sakaling napabayaan ko man siya, ibig sabihin hindi ko sinasadya.") Si Maxine naman na tahimik lang sa sulok naalala ang huling sinabi ni Hyemie. ("Saka kung may paraan pang mailigtas siya gagawin ko na. Hindi ko hahayaang makita siyang pinapahirapan siya ng iba kung talagang mahalaga siya.") Kung ganon, wala talaga akong halaga sa kanya." Sambit ni Maxine habang pinagmamasdan ang pigura ng lalaking nakasunod kay Hyemie. Nakayuko lamang siyang lumabas ng classroom. ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD