Nasa campus field ngayon ang mga kaibigan ni Clyden. Pinagmamasdan ang mga estudyanteng busy sa kani-kanilang ginagawa sa iba't-ibang sulok ng campus.
Clyden, may alam ba yun sa self defense?" Tanong ni Kiyo kay Clyden.
Nakahiga silang tatlo nina Clyden at Jinxiu samantalang nakaupo naman sa may gilid nila sina Kenjie, Alviy, Vinz at Nizu.
Hindi sumagot ang tinatanong. Snob talaga yun basta si Hyemie na ang pinag-uusapan. Mananahimik lang talaga iyun sa tabi.
"Di kaya Mafia rin siya tulad ni Yankumi?" Sabi ni Kiyo na suminghap pa.
"Tapos tagapagmana rin ng Yakuza! Bwahaha!" Gatong naman ni Alviy sabay halakhak.
Pero napadura dahil tinapunan ni Kenje ng d**o ang kanyang bunganga.
"Pwe! Yak! Kadiri to!" Reklamo niya habang tinatanggal ang damong dumikit sa kanyang mga labi.
Napalingon sila kay Clyden nang bigla itong tumayo. "Hay! Anong g**o na naman ang pinasok niya!" Sambit pa nitong napasabunot sa buhok. Sinundan nila ng tingin ang tinitingnan nito.
Nakita nila si Hyemie na parang may tinatakbuhan na naman. Makakasalubong nito ang grupo ng Black rose g**g na naglalakad sa hallway at ukupado ng grupong ito ang daan. Pansin nilang sadyang humarang talaga ito para harangin ang dalaga.
Napawoah na lamang sila makitang dirediretsong tumakbo ang dalaga na mas binilisan pa at binanggaan ang lider ng nasabing grupo at tinulak pa yung ibang nakatayo at tuloy-tuloy na sa pagtakbo. Tumigil pa ito saglit sabay labas ng dila at tapik sa pwetan bago muling tumakbo. Naiwan namang nakahiga sa sahig ang anim na Black rose g**g.
"Pasaway talaga." Sambit pa ni Clyden na tumigil na sa paglakad at hinintay na lamang kung ano ang susunod na mangyayari.
Biglang lumiko ang dalaga at di inaasahang mabubunggo nito ang grupo ng Fire dragon g**g. Dahil parehong di inaasahan ang mga pangyayari, pareho silang natumba.
Napasinghap ang lahat ng nakasaksi. Maging si Clyden ay napaawang ang bibig. Nagkaface-bumped kasi ang dalawa. Face to face, eyes to eyes, nose to nose at lips to lips.
Napakurap-kurap ang dalaga samantalang nakatulala parin ang lider ng fire dragon g**g. Sabay nilang naitulak ang bawat isa marealized ang posisyon nila.
"Waaah!" Ang umalingawngaw na sigaw ni Hyemie sabay takip ng bibig.
"Yung first kiss ko! Ibalik mo yun! Para kay Kenjie lang yun!" Inis niyang sigaw habang niyuyugyog pa ang balikat ni Daezel.
Napatingin tuloy ang grupo ng Dark Angels kay Kenjie. "Para sayo pala ang first kiss niya? Hahaha!" Sabi ni Vinz sabay tawa ng malakas.
"Mandiri ka nga!" Kinikilabutang sabi ni Kenjie.
Nakita nilang hinila ni Daezel si Hyemie papunta sa kung saan susundan na sana ito nina Kiyo at Nizu kaso nagsalita si Clyden.
"Hayaan nyo siya!" Cool lang nitong sabi.
Kanina lang na-alala siya nang makasalubong nito ay Black rose g**g pero ngayong ang Fire dragon g**g ang nakasalubong nito hindi na siya na-alala e mas mapanganib pa nga raw ang fire dragon g**g kaysa sa black rose.
"Nahihibang ka na ba? Si Daezel yun. Tiyak na papahirapan nila si Hyemie." Kiyo said anxiously.
"Si Hyemie? Psh! Hahaha! Imposible yun. Tingnan nyo nalang." Nakangiting sagot ni Clyden at nakapamulsa pang naglakad palayo.
"Alam mo minsan talaga hindi kita maintindihan Clyden." Iiling-iling na sabi pa ni Kiyo.
"Hindi niyo pa nakikita ang tunay na anyo ng black rose gang." Sabi pa ni Clyden at umalis na.
Naguguluhan namang sumunod sa kanya ang buong barkada. Para sa kanila mas mapanganib si Daezel pero bakit mas guarded si Clyden sa black Rose g**g?
Nagdiwang naman sa tuwa ang kalooban ng black rose g**g.
"Sigurado akong papahirapan siya nina Daezel. Hahaha!" Sabi ni Ayumi sabay tawa ng pacute. Ayaw niyang tumawa ng pangkontrabida dahil di daw bagay sa beauty niya.
"Buti nga sa kanya. Para naman alam niya kung saan siya dapat lumugar." Sagot ni Rexa. Isa sa kagrupo nilang kababalik lang. Nag-apply kasi ito ng leave of absence 3 weeks ago.
"Ano na kayang nangyayari sa kanya ngayon? Ang sarap lang marinig na namimilipit siya sa sakit." Sagot naman ng Samantha. Nakangiti silang muling naglakad sa hallway kahit paika-ika.
=========
Tinulak ni Daezel si Hyemie sa isang bakanteng silid. Muntik ng matumba ang dalaga, buti nalang nakahawak agad ito sa gilid ng mesa.
Marahas siyang hinawakan ni Daezel sa kuwelyo at isinandal sa pader. Napaungol pa siya maramdaman ang matigas na bagay na tumama sa likod niya.
"Aray naman! Masakit yun." Angal niya at tiningnan ng masama ang lalake na sobrang sama rin ng tingin sa kanya.
Ramdam niya ang pawis na tumutulo mula sa kanyang noo pababa sa ilong. Kaya hinawi niya ang buhok at pinunas ang likod ng kamay sa noo. Saka hinipan ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mga mata.
Napansin niyang nakatitig sa kanya ang lalake kaya napatitig narin siya rito. Napatingin siya sa magagandang pares ng mga mata nito. Pababa sa ilong na cute na matulis hanggang sa makita ang tikom nitong namumulang mga labi.
"Woah! Ang cute naman ng ilong mo. Pati mata mo ang sarap titigan. Yung lips mo mamula-mula at parang ang lambot kagatin." Masigla niyang sambit habang wala sa sariling ni-trace ang kilay ng lalake pababa sa ilong at tumigil sa tungki nito.
Hinawakan naman agad ni Deazel ang kamay niya para tumigil na sa ginagawa.
"Ang lakas ng loob mong halikan ako babae ka." Cold na sabi ni Daezel na kala mo magyeyelo na ang buong paligid sa lamig ng boses nito.
"Hinalikan ba kita? Nabunggo lang kita no. Saka ang swerte mo ngang nakakuha sa first kiss ko. Sa lahat ba naman ng makakakuha nito iyong mga second hand pa?"
"Second hand? Ako? Second hand? Imported to. Pinag-aagawan." Hindi matanggap-tanggap ni Daezel na tawagin siyang second hand.
"Siguro sinadya mo yon para kunwari mahalikan mo ako. At palalabasing aksidente ang nangyari di ba?" Tanong pa ni Daezel.
Napatitig siyang muli sa mga mata ni Hyemie na halatang hinahanapan niya ng takot ang mga mata nito. Kaya lang kapag sa mga mata lang siya nakatingin parang nakatawa ang dalaga. Naiisip tuloy niyang pinagtatawanan siya nito.
Pero kapag ibinaba niya ang tingin sa labi nito kita niya na mariing nakatikom ang bibig nito.
Dahil nakatitig sa labi niya si Daezel agad na tinakpan ni Hyemie ang bibig. Nagsisi pa siya kung bakit di na siya nagsuot ng pekeng rabbit teeth. Nag-alala kasi siya na baka malunok niya ito kaya di na siya naglalagay ulit ng pekeng ngipin sa front teeth niya.
"Hays! Sayang naman. Gusto ko sanang makita ang reaksyon niya kapag nalaman niyang nakahalikan niya ang panget na tulad kong mayroon pang malalaking ngipin sa harap." Nanghihinayang na sambit pa niya sa isip.
....