Chapter 22: Ang dating Aleya

1247 Words
==== "Mukha yatang gustong-gusto mong hawakan ang kamay ko." Tukso naman ni Hyemie na di pinasin ang malamig na ekpresyon ni Daezel. Para namang nakuryenteng binitiwan ni Daezel ang kamay ni Hyemie na hawak parin pala niya. "Bakit pinahaba mo ang yung bangs? Mas bagay sayong nakikita ang iyung mga mata. Mas attractive yun." Sabi pa niya. Nagtsk lang ang lalake at cold na tumingin sa kanya. "Pasalamat ka dahil mag— babae ka. Dahil kung di pa binugbog na sana kita." Cold nitong sabi. "E di thank you." Sagot niya at napanguso. "At mas mandiri ako kapag lalake pa ako." Dagdag pa ni Hyemie. "Ikaw pa ang mandiri? Dapat ako. Panget na nga nakahalik sa akin mukha pang galing sa bundok." "Lumayo-layo ka kaya. Ang init-init kaya rito." Pinaypayan pa ni Hyemie ang sarili gamit ang kamay. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo. At para mabayaran yun, you will be my slave. Gagawin mo lahat ng iuutos ko." Mariing sabi nito na ikinasimangot ng dalaga. "Slave? No problem!" Nakangiti niyang sagot. Naghalf-smile naman ang lalake. Pero napawi rin dahil sa idinugtong ng dalaga. "Pero wan tawsan per utos. Ano deal?" "What!" Pasigaw nitong sagot. "No way!" "Di bahala ka. May kasalanan karin naman sa akin ah. Ninakaw mo ang first kiss ko." Sagot ng dalaga na pasigaw din. Uso nga daw kasi ang gumanti. "Ako na nga tong nalugi dahil nahalikan ako ng kasing panget mo. Magpasalamat ka nga at nakahalik ka sa katulad ko. Dahil walang papatol sa ganyang hitsurang yan!" Dinuro pa ang mukha ng dalaga. "Ako panget? Duling lang ang mapapangetan sa katulad ko noh." Matapang niyang sagot. Kanina pa siya pinagpapawisan. Kakagaling nga kasing makipagtakbuhan kanina tapos sumabog pa ang buhok sa mukha at sobrang init pa ng silid kung saan sila ngayon. Dinukot niya ang isa sa rubber bond sa bulsa ng palda bago yumuko ng bahaya at tinalian ang buhok. Saka hinarap ang lalake. Nginitian pa niya ang nakatulalang lalake. "Alis na tayo rito. Ang init-init kaya." Sabi niya at inakbayan pa ito. Kunwari katropa lang. "Huy!" Pukaw niya ng di ito kumikilos. Natauhan naman agad ang lalake at kumurap-kurap. Saka niya naalala ni Hyemie na kitang-kita nga pala ang kabuuan ng hitsura niya. Walang fake na ngipin, walang eyeglass at wala ng buhok na nakatakip sa mukha. Agad niyang itinakip ang mga palad sa kanyang mukha. "Aleya?" Sambit ni Daezel na ipinagtataka ni Hyemie. Bakit kasi siya tinawag sa dating palayaw niya? Kilala ba siya ng lalaking ito? At kilala ba niya ito? "Kilala-" "Daezel!" Tawag ni Herrel dito pero agad ding napatigil makita si Hyemie. Nagsidatingan na rin ang mga kagrupo ni Daezel na hinanap kung saan nito dinala si Hyemie. "Ikaw?" Gulat nitong tanong na ikinakunot ng noo ng dalaga. Inalis narin ang mga kamay sa mukha. "Ikaw yung nakasabay naming magjogging di ba? At last! I found you!" "Uy! Di ako yun!" Tanggi niya at kumaripas na ng takbo. Tinulak pa ang isa sa mga kasama nina Daezel para lang makadaan siya. Si Daezel naman nakatulala. "Daezel. Nangyari sayo?" Taking tanong ni Carten. Tumingin na lamang siya kay Herrel. "Aba, Malay ko kung ano ang ginawa ng babaeng yon sa kanya?" Sabi pa ni Herrel at nagkibit balikat. Nakita nilang malungkot na nakayuko ang kanilang kaibigan. "Aleya. Nagbalik ka na ba?" Rinig pa nilang sambit ng nakayukong si Daezel. Narinig na naman nila ang pangalang yon. Ang pangalang alam nilang may malaking bahagi sa buhay ng lider at kaibigan nila. Si Hyemie naman nagmamadaling bumalik sa dorm niya na halos liparin na ang daan pabalik sa dorm nila. Pagdating niya sa kanilang kwarto ni Maxine agad siyang humarap sa salamin. Nakita niya ang kulay blue na mga matang nakatingin sa kanya. Namumula rin ang kanyang mukha na patuloy na umaagos ang mga pawis mula rito. "Aleya daw. Kilala ko ba siya?" "Isa ba siya sa mga nakaaway ko dati o isa sa mga nagiging kaibigan ko?" Tatanggalin na sana niya ang kanyang wig nang magvibrate ang kanyang cellphone. Dinukot niya ito mula sa loob ng bulsa at binasa ang mensaheng naroroon. ("Anak, ipagpatuloy mo lang ang pagdedesguise mo. At kung maari maglagay ka pa ng mga pimples sa iyong mukha. O ba kaya magpapadala ako ng taong mag-aayos sayo.") "What?" Mukhang alam ng ama ang pagdedesguise niya at mukhang alam din niyang gusto na niyang alisin ang desguise niya dahil ang init-init na nga nakakapagod pa. Iisa lang ang ibig sabihin kung bakit alam ng ama ang mga ginagawa niya. Kung di kinuwento ni Clyden, ibig sabihin may palaging nakabantay sa kanya. Pwede ring may camera sa kanyang paligid. Ilang sandali pa'y tumunog ang kanyang cellphone. Agad naman niyang sinagot ang tawag. "Hello pa." Bungad agad niya. Rinig niya ang buntong-hininga ng ama bago ito nagsalita. "Nasa campus na yan ang gustong pumatay sayo." Muntik na niyang mabitiwan ang kanyang cellphone dahil sa narinig. "Sikapin mong hindi ka nila makilala bilang Zhairra o ang dating Aleya. Ipagpatuloy mo lang ang desguise mo at kami ng bahala sa iba." "Bakit di nalang ako lumipat papa?" Kung nandito pala ang killer bakit siya hinayaang manatili sa lugar na ito? "Kahit saan ka pa magpunta hahanap at hahanapin ka parin nila. Kaya mas mabuti na yung malapit ka sa kanila para mas mabantayan silang mabuti." "May mga nagbabantay sayo diyan kaya wag kang mag-alala." "Ngayon lang ito Hyemie. Pag matapos na ang kasong to, maibabalik na rin sa dati ang lahat." Matagal ding nakatitig si Hyemie sa kanyang cellphone kahit kanina pa naputol ang tawag ng ama. "Ano bang hindi ipinaalam nina papa sa akin? Wag mong sabihin na hanggang ngayon hinahanap pa parin nila ang mga taong bumaril sa akin noon?" Sa pagkakatanda niya dati, wala siyang mga nagalit na tao. Maliban sa dala niya ang apelyido ng lolo niya galing sa side ng ina dahil inampon siya ng mga ito, wala ng ibang extraordinary sa kanya. Siya ang pinakapaboritong apo ni Mr. McCartney. At gusto nitong siya ang magmamana sa ipinatayo nitong secret detective organization. At apelyido niya ang ipinagamit kay Hyemie pero nagbago ang lahat nang madiskubre ng organization na ito ang isang secret hide-out ng mga underground assassin. Dahil nakilala ng boss ng mga assassin ang namumuno sa pag-raid sa secret hide-out nila, ipinahanap niya ang mga pamilya nito at sa sinumang malalapit sa buhay ni Mr. McCartney. At dito nagbago ang buhay ni Hyemie. Inilayo siya sa mga kaibigan niya para di sila madamay sa mga panganib na magiging dala niya. Inilayo siya kay Clyden at sa lahat ng mga malalapit sa kanya. Itinago siyang muli sa probinsya. Pinalitan ang pangalan. At di hinayaang magpost sa anumang uri ng social media. Gumawa pa ang mga magulang niya noon ng fake funeral para sa dati niyang pangalan kung saan ang nasa loob ay ibang katawan. Wala siyang naiintindihan dati pero ang alam niya ito ang tanging paraan para sa kanyang kaligtasan. Napahimas si Hyemie sa kanyang mukha. Marami ng nagbago sa hitsura niya dati. Dati kasi bilugan pa ang mukha niya na parang dalawang siopao at madalas na kinukurot ng mga kapatid. May baby fat parin siya sa pisngi pero ngayon wala na ang baby fat na yon. Namumula na rin ang balat niya dahil sa palaging pagkabilad sa araw sa probinsya pero ngayon unti-unti ng bumabalik ang maputing balat niya. Unti-unti na ring bumalik ang dating kinis at kinang ng kanyang kutis. Marami mang nagbago sa kanya four years ago pero may mga part parin namang hindi nagbago di ba? Kaya imposibleng hindi siya makilala. "Sino din kaya ang nagbabantay sa akin dito? Di kaya si teacher Fumie?" Maliban kay teacher Fumie wala na siyang ibang maisip na taong pwedeng pagkatiwalaan sa lugar na ito. Higit sa lahat si teacher Fumie lang ang nakakapagpasunod sa Class D. Ang classroom na tinaguriang hell classroom ng mga guro dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD