Chapter 18: Meeting the Class A

841 Words
:  Maagang nagising si Hyemie upang makapagjogging. Matagal-tagal na kasi itong hindi nakapag-ehersisyo. Sinuot ang jogging pants at sweat shirt. Nagsuot ng cap at di na muna nagsuot ng wig dahil madilim pa naman daw. Saka babalik din naman agad siya sa dorm bago magliwanag. Nakailang lap na siya sa field nang mapansin ang mga presensyang papalapit sa kanyang likuran kaya binilisan na lamang niya ang takbo. "Wow, tol. First time may kasabay tayong chics." Sabi ng isang lalake. "Miss! Sandali!" Tawag ng kung sino sa kanya. Ilang sandali pa'y napaikutan na siya ng mga lalaking ito. "Mukhang kailangan ko na naman yatang iunat ang mga muscles ko nito." Sambit pa niya. Iniisip na lalaban kapag balak siyang pagtripan ng mga to. "Hi miss." Bati nong kasabay lalaking nakaharap sa kanya habang tumatakbo na patalikod.  Dumaan siya sa kabilang side para makaiwas. "Miss! May nalaglag oh." Sabay turo ng lalake sa likuran niya. "Saan? Yung puso mo o yung mata mo?" Sagot naman niya habang patuloy parin sa pagtakbo. Bahagya ng lumiwanag ang paligid kaya medyo nakikita na niya ang mukha nila. Muntik pa siyang matapilok mapansing ang fire dragon g**g pala ang mga to. Gusto na niyang makaalis baka maabutan pa siya ng liwanag dito. "Pare, inlove na ata ako." Sabi nito sa katabi niya. Binatukan lang siya ng kasama. "Miss, date tayo maya ha. Herrel nga pala." Pagpakilala niya. "Di pwede. May asawa na kasi ako." Sagot naman ni Hyemie. Napahawak naman sa dibdib si Herrel na kunwari nasaktan. "Unang beses pa nga lang ako nagkakagusto wala na agad pag-asa?" Nag-anyo pa itong iiyak. Napangiwi naman si Hyemie sa inasal ni Herrel. "Pang labindalawa na to Herrel." Kontra ng kasama. Sinamaan naman ito ng tingin ni Herrel pero ngumiti ulit bang mapatingin kay Hyemie. "Don't worry, payag naman akong maging kabit." "Di pwede. Baka mahulog ka. Di pa naman ako marunong sumalo. Baka masagasaan ka pa ng iba, konsensya ko pa." Sagot ng dalaga at nagpatuloy parin sa pagtakbo. "Basta date tayo. I won't take no as an answer." Napahinto naman si Hyemie. Tumigil si Herrel sa tapat niya. Nagsitigilan din ang mga kasama nito na hinihingal na sa pagtakbo. Di pa nga siya kilala date na agad? Napakunot tuloy ang noo ni Hyemie habang tinatanong kung may saltik ba sa utak ang lalaking ito. "Wag nyo nga akong pagitnaan. Lalong naglalaho ang skin ko sa kaputian nyo." Nakanguso niyang sabi mapansing nakapaikot ang grupong ito sa kanya. "Ha!ha!ha! You are really funny. I'm Herrel again." Pakilala niyang muli at nilahad ang kamay sa tapat ni Hyemie para shake hand. Hinawakan naman agad ni Hyemie ang right hand niya. Kunwari pinipigilan ni left hand si right hand. "Yah! Ahmm. Ayaw talaga ni left hand oh. Pinipigilan niya si right hand. Kaya wag na shake hands." Sagot niya pa. "Eh di both hands." Sabi ni Herrel at hinila ang dalawa niyang kamay at sabay na kinamusta. Napaawang tuloy ang bibig ni Hyemie. Hihilahin sanang muli ang mga kamay pero hinila ito ni Herrel palapit sa labi nito at hinalikan. "Woah? Hinalikan mo ang kamay ko? Kakagaling ko lang laruin yung itlog ng aso sa dog house eh." Nanlalaki ang mga matang sambit niya. Napaubo tuloy ang iba at napatikhim upang pigilan ang mga tawa. Si Herrel naman tumawa lang. Napansin ni lalo ng lumiwanag ang paligid kaya sinamantala niya ang pagkakataong distracted pa sila saka siya tumakbo ng sobrang bilis. "Miss wait!" Tawag pa ni Herrel sa kanya pero di na niya pinansin. May madadaanan ibang grupo ng mga estudyante mukhang galing ding magjogging mula sa ibang direksyon. Saka natanaw ang isang lalake na nakaupo sa isang bench. Mapapadaan siya sa gawi nito. May binuksan siyang mineral water at akma ng iinumin. Mabilis na hinablot ni Hyemie ang bottled water habang tumatakbo parin. Nabigla pa ang lalake sa ginawa niya na sinabihan lang niya ng "thank you!" Sabay taas ng bote at uminom bago kumaripas ulit ng takbo. Hinihingal siyang bumalik sa dorm at nagpasalamat na di siya nasundan ng mga ito. Nakuha niyang bukas na ang ilaw sa shower room at wala na din si Maxine sa kama nito. Nagvibrate ang phone niya kaya dinampot niya ito at nakita ang message ni Clyden. From: putik Galit na galit sayo si Kei. Inagaw mo kasi ang tubig niya. "Kei? Sino yun? Kakambal ni Kenjie? Kamukha yun ni Kenjie eh. Baka Kei ang tawag ni Clyden sa masungit na yun. Mareplyan nga." Sambit niya pa at nakangiting nagtype ng reply. 'Ano na ba'ng fes nya? Para nbng natatae? O ngkawrinkles n s asar? Sna pla tiningnn q muna ang reaksyon niya. Sent to: putik "Saka di ako nakilala non." Dagdag niya pa. Ang bilis makareply. "Yung boses mo, alam niyang ikaw yon. Tingin mo don bobo?" Iyon naman ang reply ni Clyden. "Hahaha! Di bale na. Pero sa susunod videohin mo kapag gusto na niyang sumabog sa asar." Hindi agad nagreply si Clyden. Papunta na siya sa kusina nang mag-vibrate ulit ang cellphone niya. 'So it's u! Patay ka sa akin pag makita kita.' Nanlaki ang mata niya dahil mukhang kinuha ni Kenjie ang phone ni Clyden at ito ang nareply sa kanya. Pero ibang sandali pa'y ngumiti lang at nagreply ng... 'Bleeeh!' Sent to: putik Nagreply din sa kabila ng 'grrrr!' "Maya ka lang s kin." Dagdag na reply nito. Hindi na nagreply si Hyemie at naghanda na lang ng lulutuin.  .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD