Naglakad siya palapit sa counter at umorder "pabili nga lahat ng paninda niyo sa cafeteria na ito. Ako nalang ang magbibinta para siguradong first come first serve."
"Saka itataboy ang nagsasayang lang ng oras. Kung walang perang pambili di na magkunwaring bibili." Sabi pa niya sa tindera na halatang pinaparinggan din ang babaeng sumingit sa pila.
Namula ang mukha ni Jona dahil sa ginawa at sinabi ni Hyemie.
Ang gusto lang niya ay pahirapan si Ashiera at di inisip ang iba pang mga estudyanteng nakapila. Para sa kanya isa lamang sila sa mga slave ng ibang mga estudyante.
Hindi niya inaasahang may maglakas ng loob sa mga aliping ito na kalabanin siya. Siya na isa sa campus princess ng Yoji Academy at ang present fling ng leader ng campus na si Daezel.
"At sino ka namang witch ka?" Galit niyang tanong, pero mas lalong nagalit dahil di siya pinansin ni Hyemie.
Kapag pinikon ka ng isang tao. Pikonin mo rin. Isa sa pinakamabisang pampikon niya ay ang kausapin ito pero kapag kinausap na niya kunwari hangin na lang siya.
"Di ba sabi ko bibilhin ko na lahat ng paninda rito? Bakit di niyo pa nirepack?" Sabi ni Hyemie sa mga tinderang hindi kumikilos.
Nilapag ni Hyemie ang black card ni Kenjie na may seal ng Yoji Academy at ang perang pinadala ni Kiyo.
"Kapag kulang pa yan, sabihin niyo lang." Sabi pa niya na di pinansin ang namumutlang mukha ng mga tindera.
"Huy! Kinakausap kita!" Hihilahin sana ni Jona ang buhok ni Hyemie pero nakaiwas ang dalaga.
"Ang mga tao hindi dapat kimakausap ang mga hayop." Sagot ni Hyemie na lalong ikinapikon ni Jona.
Tiningnan naman siya ni Hyemie at dito nagtagpo ang kanilang mga mata.
"You?" Gulat nitong sambit.
Si Hyemie naman napataas ulit ng kilay saka naalala na ito pala ang babaing kasama ni Daezel sa likod ng puno noon.
"Yes? Gusto mo pasisikatin kita?" Pananakot niya na ikinaputla ni Jona.
Kinausap na niya si Daezel na ipa- expell ang babaing to pero bakit nandito parin siya?
"Aalis ka ngayon din o sisikat ka ngayon din?" Banta pa ni Hyemie. Hanggang banta lang naman. Wala naman siya ng balak sirain ang reputasyon ng iba. Gusto lang talaga niyang tapusin na ang drama ngayon dahil gusto na niyang bumalik. Wala na siya ng balak mag-aksaya pa ng laway sa babaeng ito.
Galit man ay napilitang umalis si Jona. Nagbanta pa ito sa kanya.
"Bilhin mo ba talaga ang lahat ng paninda dito? Pero sa kanya din naman dapat to. I-dedeliver pa ba namin?" Tanong ng tindera na pinagpapawisan at wala ring balak kunin ang black card ni Kenjie. Alam nila kung paano magalit ang Kenjie na yon. Ang hindi nila maintindihan kung bakit ang babaeng ito ang may hawak sa black card niya.
Kaibigan ba siya ni Kenjie? Hindi naman kasi ito pumapatol sa slave thingy ng school na to. Saka ang panget kaya ng babaeng to bakit hawak niya ang black card ng anak ng may-ari sa paaralang ito?
Kinuha nalang ulit ni Hyemie ang black card at ang perang nilapag niya kanina. Inorder nalang ang mga pinabili sa kanya at iyon lang ang kinuha.
"Miss, ikaw na." Sabi niya kay Ashiera.
Nagliwanag naman agad ang mga mata ni Ashiera at agad ng umorder.
Paalis na si Hyemie bitbit ang mga nakasupot na mga pinamili nang tawagin siya ni Ashiera.
"Sandali!"
"Bakit?"
"Am... Salamat."
"Wag mong isipin na tinulungan kita. Ginawa ko yon dahil sa nangangalay na ako sa kakahintay. Kaya wala kang dapat ipagpasalamat." Umiling-iling pa siya habang sinasabi ang mga katagang yon.
Wala naman kasi talaga siyang balak tumulong kung hindi lang siya nadamay. Hindi niya ugaling tumulong sa mga taong ayaw tulungan ang sarili. Pero hindi niya yon masasabi sa babaing ito baka kasi maoffend pa.
Yung mga may kasalanan lang sa kanya at mga may masasamang ugali ang ginagalit niya hindi ang mga sa tingin niya'y mababait naman.
"Sige mauuna na ako sayo. Bumili ka na. Baka maunahan ka na naman ng iba." Sabi pa niya rito bago siya tuluyang umalis.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa natapos ang praktis namin." Reklamo ni Vinz na makihingi lang sa snacks ni Kiyo.
"Kung gusto mo nang mas mabilis ikaw ang pumunta." Sagot naman ng dalaga.
Napanguso naman si Vinz, gusto lang naman nitong i-intimidate ang babaeng to kaya nagbobossy-han siya. Pero gaya ng inaasahan, lumalaban parin naman.
"Hyemie!" Tawag ni Clyden at inabot sa kanya ang isang panyo.
Kinuha naman ito ni Hyemie at nagsimula agad punasan ang pawis ng kaibigan.
Nagkatinginan tuloy ang kagrupo ni Clyden.
"Magkababata ba kayo o magsyota na?" Di mapigilang tanong ni Kiyo.
"Sabihin mong inggit ka lang. Kasi may maalaga akong kaibigan." Proud na sagot ni Clyden na abot tainga ang ngiti.
"Hyemie, paano ba makapag-apply para magiging kaibigan ka na katulad kay Clyden ang pagtrato?" Tanong agad ni Jinxiu.
"Pakamatay ka muna bago mangyari yon." Sagot ni Clyden.
Si Hyemie naman napatigil sa ginagawa makita ang kakaibang tingin ng mga nakapaligid sa kanya. Lalo na si Kenjie na nakatitig sa kanya.
"Kaibigan ka ba talaga o yaya?" Tanong naman ni Alviy.
"Both. May dagdag pang nanay. Kaibigan, yaya, at nanay." Sagot ni Hyemie.
Sa ibang grupo naman, mapapansin mo ang mga matatalim na tingin ng mga kababaihan.
"Ang landi-landi niya. Siguro ginayuma niya si Clyden." Sabi ni Sheena na matagal ng may gusto kay Clyden.
"Di pa ba natin siya tuturuan ng leksyon?" Tanong pa niya kay Ayumi.
"Wag na muna sa ngayon. Magmasid na muna tayo. Saka marami pa tayong dapat gawin bakit sa iba na nakatuon ang atensyon niyo?" Sagot naman ni Ayumi.
"Tama! Kapag ikaw ang nanalo Ayumi gagawin nating slave ang babaeng yan at makikita niya kung paano ko siya pahihirapan." Masiglang sambit ni Sheena maalalang may gagawin pa pala sila.
"Wag mo na kasing pansinin ang insignificant character tulad ng babaeng yon. Magpokus na muna tayo sa praktis natin dahil kapag mananalo tayo iparamdam natin sa kanya ang buhay na parang nasa impyerno." Sabi naman ni Luna saka sila umalis na.
Si Hyemie naman napanguso. Kahit kasi malayo sina Ayumi nabasa niya sa galaw ng mga labi nila ang kanilang pinag-uusapan.
"Bakit ba sila galit na galit sa akin? Di ko naman sila inaano a." Napailing na lamang siya.
Kung magkaproblema siya sa paaralang ito pwede naman siyang umalis. Di naman siya tulad ng mga estudyante rito na nahihirapan na nga ayaw paring umalis.
....