Chapter 16: Tagabili at tagahatid ng meryenda

951 Words
Busy ang lahat dahil sa paparating na annual battle class. Lahat pursigidong mananalo dahil sa mga pribilihiyong matatanggap ng sinumang maturingang leader at sinumang magiging best class of the year. "May praktis kami mamaya kaya maghanda ka ng tubig at meryenda." Sabi naman ni Kenjie. "Bakit mo uutusan si Hyemie?" Nakakunot ang noong tanong ni Clyden. "Slave ko siya." Sagot naman ni Kenjie. "Slave?" Di makapaniwalang tanong ni Clyden at tiningnan si Hyemie. Ang mga kaibigan naman nila ayan nag-alala na baka magalit si Clyden at mag-away sila ni Kenjie dahil kay Hyemie. "Weh! Di nga. Buti nauutusan mo yan." Sagot naman ni Clyden. Napanganga na lamang sina Kiyo, Jinxiu at Alviy. Iba kasi ang expectations nila. "Paano mo siya nagiging slave? Share mo nga sa akin nang magaya ko?" Tanong ni Clyden. Nagtataka naman sila sa biglang pagbabago ng mukha ni Kenjie na parang nasusuka na ewan. "Kung gusto mong tularan ang ginawa niya, isubsob mo rin ang mukha mo sa—" di natapos ni Hyemie ang sinasabi dahil sinamaan siya ng tingin ni Kenjie. "Talunin mo daw ako sa laban at magiging slave mo siya." Pagbawi ni Kenjie sa ninais sabihin ni Hyemie. Ayaw niyang maalala na dahil sa pagkabagsak niya sa nakakadiring bagay na yon kaya pumayag si Hyemie na maging slave. Pangalawa ay ang magiging protector siya nito. Nagtungo na sila sa basketball court para makapag-praktis. At gaya ng napag-usapan, dinalhan ni Hyemie ng tubig at meryenda si Kenjie. Pero dinalhan din niya ang kababata niya. "Hyemie, bakit sila lang dalawa? Bakit ako wala?" Reklamo naman ni Kiyo. "Akin na pera mo. Bibilhan kita. 50-70." "Anong 50-70?" "Kung magkano ang pinabili mo mas malaki dito ang ibabayad mo sa akin. Kapag nagpapabili ka ng 100 pesos, may suhol akong 150 bale 250 ang ibibigay mo. Kasama na don ang labor at delivery. Ano? Deal?" Napangiti pa siya maisip na makakaipon siya ng extrang pera. "Ano? E bakit sila libre mo?" Sagot ni Kiyo. "Sila din wallet ko kapag nauubusan ako ng pera. Iba ako kapag gusmastos. Lilinisin ko ang mga wallet ng kahit sino. Gusto mo ba yon?" Tinaas baba pa ni Hyemie ang kilay. Napaisip sandali si Kiyo pero ilang sandali pa'y naglabas ng pera at inabot kay Hyemie. Wala siyang pakialam kung mukhang peneperahan siya. Ang mahalaga may magdadala sa kanya ng meryenda ayos na. Umangal pa ang mga kaibigan niya dahil sa ginawa niya pero hindi na siya nakinig. Magmula non, si Hyemie na ang tagahatid ng tubig at meryenda sa tatlo kapag magpapraktis sila. Nakapila ngayon si Hyemie sa cafeteria upang bumili ng softdrinks sa cafeteria. Nakasunod siya sa babaeng blonde ang buhok. Ito na sana ang bibili pero may sumingit na galing sa class B. "Isang coke at sandwich nga!" Sabi ng babaeng sumingit sa tindera. "Nandito na naman si Jona. Matatagalan na naman tayong makabili nito." Sabi ng isang estudyante. "Bakit kasi nakasabay na naman nating bumili si Ashiera? Ayan tuloy madadamay pa tayo." Sagot naman ng isa. "Kasalanan to ni Ashiera e. Bakit kasi hinayaan niyong mas mauna siya sa atin?" Sabi din ng isa. "May mga sumingit pa pano tayo makasingit sa kanya?"  Mga dalawang oras na rin sa pila si Ashiera at dahil palageng may sumisingit sa kanya hindi parin siya nakabili hanggang ngayon. Hanggang sa dumating si Hyemie at pumila na rin sa likuran niya. Dinadasal niya na sana wala ng manulak sa kanya para makasingit pero bumalik ang nakabili na sanang si Jona. Isa si Jona sa pinakamagandang babae sa Yoji Academy pero dahil natalo siya ni Ashiera sa search for the campus beauty queen noong nakaraang taon, ayan palaging pinagtitripan at pinapahirapan si Ashiera. Nong una hindi niya ito magalaw dahil pinoprotektahan siya nina Kenjie at Keith pero ngayong slave na siya ng class B malaya na siyang gawin ang anumang gusto niyang gawin. Ipinagbabawal man sa kanila na saktan si Ashiera physically may ibang paraan naman sila upang pahirapan ito. Tulad nalang ng ilock siya sa CR. Lagyan ng ipis ang locker niya. Buhusan ng tubig ang kanyang pagkain o ba kaya katulad nito ngayon na kanina pa siya nakapila. "Ay! Cake nalang pala." Sabi ulit ni Jona at tiningnan pa si Ashiera. "Nagbago na ang isip ko juice nalang." Si Hyemie na nagtitimpi lang kanina unti-unti ng nauubusan ng pasensya. Mangtrip na nga lang daw ba naman kasi sila sa mga tao pang di naman sila inaano. At saka idadamay pa daw siya? Siya na ayaw naapi at ayaw makakitang may inaapi na di man lang lumalaban. Naiinis siya kay Jona kasi halatang gusto lang nitong pahirapan si Ashiera pero naiinis din siya kay Ashiera dahil nakayuko lang na di man lang lumaban? Para kasi sa kanya walang mang-aapi kung walang nagpapaapi. Di bale ng mahina ka at talunan ang mahalaga sinubukan mong lumaban? Paano mo nasisigurong talo ka sa laban ni di mo pa nga sinubukan? "Ah, salad nalang." "Kasalanan mo to! Umalis ka na nga. Natagalan pa kami dahil sayo!" Paninisi ng isang estudyante kay Ashiera. Napataas naman ng kilay si Hyemie. "Dahil sa naduduwag kayong kalabanin ang kala niyo'y malakas yung tingin niyong kaya niyong apakan pa ang sisihin niyo. Bakit di nalang ang babaeng yon ang sigawan niyo dahil siya naman ang nag-aaksaya ng oras niyo?" Cold na Sabi ni Hyemie. "Anong sabi mo?" Galit na sigaw ng lalaki at akmang sugurin si Hyemie. "Come on. Nangangalay na rin naman ang paa't kamay ko sa kakapila dito bakit di natin subukang iunat ang mga muscles ko sa mukha mo?" Nag-hand gesture pa na nagsasabing pumunta ka dito. "Siya yung witch na sinalo lang ang pinggang papunta sa kanya di ba? Saka takot din sa kanya si Clyden." Bulong ng kasama nito na ikinaputla ng lalaki. Napalunok laway ito at nagmamadaling umatras palayo. Naalala kasi niyang ito rin ang transferee na tumalo kay Jio. Pinagpawisan tuloy siya ng malamig. Si Hyemie naman tinalikuran na ang mga duwag na mga estudyanteng sinisisi si Ashiera sa halip na si Jona. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD