Chapter 15: Upcoming class battle

1004 Words
Third person's p.o v "Sa susunod Xin, siguraduhin mo palaging nakasara ang bintana kasi may akyat bahay dito. Mauubusan tayo palage ng pagkain." Paalala ni Hyemie kay Maxine. Nilagay na niya sa pinggan ang pinirito niyang itlog. Saka naghanda ng mauupuan nila. Napalingon siya sa kasama makitang nakayuko lang ito pero panay nakaw ng tingin kay Clyden. "Mag-iingat ka sa mukhang yan. Playboy yan." Sabi niya at nakita pa ang pamumula ng mukha ng kasama. Nataranta pa si Maxine sa paghahanap ng mauupuan. Si Clyden naman pumagitna sa kanilang dalawa na lalong ikinapula ng mukha ni Maxine. "Hyemie, kailan mo ba ako lulutuan ng paborito ko?" Parang batang tanong nito. "Lahat naman paborito mo? Bakit? Ano bang di mo gusto?" Sagot ni Hyemie at inikot pa ang mata. "Ikaw!" Dahil don nahampas ng kutsara. Nahihiya namang kumain si Maxine kaya nilagyan na lamang ni Hyemie ng pagkain ang plato niya. "Bakit siya nilagyan mo? Ako hindi?" Pagtatampo ni Clyden. "Bakit? Cute ka ba?" Bara ni Hyemie rito. "Gwapo ako." Mayabang niyang sagot. "Gwapo nalang." Sagot ni Hyemie na nagsimula na sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain si Clyden ang pinahugas ni Hyemie ng plato. "Ako ang bisita bakit ako ang maghuhugas? Ganyan ka ba magtrato ng bisita?" Reklamo pa nito. "Akyat bahay ka lang at nagnanakaw pa ng pagkain kaya maghugas ka don. Bilis." Nginuso pa ang mga pinagkainan nila. "Ako na ang maghuhugas." Presinta naman ni Maxine. "O tingnan mo. Di ka na mahiya? Chic pinapahugas mo? Naku! Di ka magkakagirlfriend pag ganyan ka." Iiling-iling na sambit ni Hyemie. "Ito na nga o. Maghuhugas na." Sagot ni Clyden at tinupi ang mahabang sleeves para di mabasa. "Isusumbong talaga kita kay mama. Sasabihin kong inaalila mo ang gwapo at nag-iisa nilang anak." Sabi ni Clyden habang naghuhugas ng kanilang pinagkainan. "Mabuti pa nga. Para mabigyan nila ulit ako ng gantimpala." Sagot ni Hyemie na lalong ikinasimangot ni Clyden. Minsan talaga natanong niya kung ampon ba siya at si Hyemie ang tunay na anak dahil mas ini-spoiled ng mga magulang niya si Hyemie kaysa sa kanya na anak nila. Umalis na din si Clyden pagkatapos maghugas at maglinis sa kusina. Si Hyemie naman napapailing makita ang nakatulalang si Maxine. Mukhang nagde-daydream na naman yata sa kababata niya. Hinayaan na lamang niya ito at nagshower na siya. Pagkatapos ay nanood ng TV. Kinabukasan maaga siyang pumasok sa paaralan. Nakasabay niya ang Dark Angels g**g. "Kasalanan mo to." Paninisi ni Vinz sa kanya. May putok na ito sa labi mukhang dahil sa pakikipaglaban kahapon. "Sinabi ko bang magpatama ka? Hindi kaya?" Sagot din niya. "Aba to o. Kung di dahil sayo di kami mapapalaban!" Galit na sigaw niya pa. "Ang grupong yon ang bumugbog kay Kenjie kaya natin sila kinalaban dahil para makaganti. Kaya wag mo ngang sisihin si Hyemie." Sagot naman ni Kiyo. "Sila pala ang bumugbog kay Kenjie? Bakit di mo sinabi agad para maturuan ko sila ng leksyon." Sagot naman ni Vinz. "Maturuan ka diyan. Ikaw nga tong nabugbog kahapon. Mag-ensayo ka nga palage para lumakas ka." Sagot naman ni Alviy na ikinanguso ni Vinz. Si Kenjie naman tinapon ang dalang bag kay Hyemie na ipinagtataka ng lahat. Saka kailan pa nagdala ng bag si Kenjie? Bakit di nila maalalang nagdadala ito ng bag sa paaralan? "Slave kita kaya ikaw ang magdala niyan." Nakapamulsang sabi ni Kenjie. "Slave?" Panabay na tanong ng grupo. Di ba ayaw ng boss nila ang slave slave thingy na yan? Saka kailan pa pwedeng may humawak sa bakit niya? Nakulam kaya siya ng babaing ito? Di kaya ginayuma niya? "Kaya naman pala nagdala na ng bag at libro si Kenjie dahil may gusto yatang pahirapan." Sabi naman ni Jinxiu. "Kapag ako gagawa ng slave yung maganda naman. Di yung kasing panget niyan." Sabi ng kagrupo nilang si Zature. "Wag mo na ngang pakialaman si boss." Bulong naman ng katabi. Si Hyemie naman di na umangal at binitbit na rin ang bag saka nauna na sa kanila. Wala pang mga estudyante pagdating niya. Pinatong niya ang bag ni Kenjie sa desk nito at siya naman umupo na sa kanyang upuan. Ibang sandali pa'y nagsidatingan na rin ang mga kaklase niya kasunod ang kanilang guro. "By the way class, magsisimula na ang class battle. Kaya magpraktis na kayo magmula ngayon." Sabi ni teacher Fumie. Ano kaya iyang class battle na yan? Iyan na kaya ang sinasabi ni Maxine? "Teacher, ano po ba iyang class battle?" Tanong ni Hyemie nakakunot ang noo.  "Ano pong paglalabanan ng mga estudyante?" Dagdag niya pa. Tiningnan naman siya ng mga kaklase niya. Hindi naman kasi niya alam kung anong uri ng battle ba iyang paglalabanan nila? "Wag ka ng magtanong. Wala karin namang maiitutulong sa klase natin eh." Singit ni Ayumi. Hindi na lamang siya pinansin ni Hyemie. "Ang class battle, ay ang tinaguriang annual class battle sa akademiyang ito. Maglalaban-laban ang mga estudyante sa larangan ng sports, talents and skills. Walang limit sa mga magiging representatives sa bawat classroom. The more representatives, the higher the chance to win the game. Gaya ng dati. Ang magiging kampiyon ay ang siyang magiging leader ng campus. At ang class na may maraming wins ay ang siyang magiging kasama ng winner sa pamamahala ng paaralang ito." Paliwanag ni teacher Fumie. "Pero teacher paano pag sa ibang class ang champion tapos ibang class din ang may maraming wins?" Tanong ni Hyemie. "Tulad parin ng dati. Kagaya ni Daezel na dating overall champion dahil mas lamang ang score niya sa overall score pero mas lamang ang Class D sa dami ng wins, si Daezel ang leader at pangalawa ang class na to na maaring magbigay ng desisyon sa paaralan." Paliwanag ulit ni Teacher Fumie. "Ano pong mga privileges ng mga mananalo?" "May allowance na ibigay sa kanila every month. Maari din silang pumili ng personal maid or slave. Maari silang mag-expel ng mga estudyanteng hindi nila gusto. Marami silang pwedeng gawin na hindi nagagawa ng ibang mga estudyante." Si Hyemie naman napaisip. Ang dami daw kasing pauso ang school na to. May pagka-OA pa raw. Tapos may g**g at fraternity pa sila. Na dapat ipinababawal sa mga paaralan. Pagkatapos ng klase, masyadong naging abala ang lahat. May nagpapraktis ng sayaw, kanta, basketball at kung ano-ano pang laro. Halatang pinaghahandaan ang paparating na class battle. Habang si Hyemie naman parelaks-relaks lang. Wala siyang pakialam sa battle-battle na ito. Hindi siya intresado. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD