Chapter 9: Fighting in the battle arena

1078 Words
Hyemie's p.o.v Ilang oras din at natapos na rin ang klase ni teacher Fumie. Pero wala parin ang Clyden na yon. Napasilip ako sa may bintana at nakitang nagsitakbuhan ang mga estudyante sa kung saan. Nakakapagtataka lang. Ano kayang meron? Nilingon ko ang lima kong mga kaklase kaso nagsilabasan na pala. Lumabas nalang din akong at nakita si Maxine na roommate kong ayaw akong pansinin at isa sa tatlong babaeng palaging pinagtitripan ng aming mga kaklase. Nilapitan ko siya na ikunagulat niya. Nong tinanong ko, bahagya pang umawang ang kanyang bibig. Problema ba nito? "Anong meron at parang pupunta sa kung saan ang mga estudyante?" Tanong ko. Tinitigan muna ako. Ilang minuto rin ang lumipas bago nagsalita. "Ah.... Uhmmm... Ma-may laban yung mga estudyanteng lumabag sa batas nitong academy. Ramble fight daw ang gagawin nila." Ramble fight? Para saan naman yon? Kakaiba din ang school na to a. Parang maraming live fighting action akong makikita nito kung ganon. "Ang mananalo at mananatiling nakatayo sa loob ng tatlong oras, hindi na sila paparusahan. At ang di na makatayo ay makapagcommunity service daw sa loob ng dalawang buwan." Ganito pala ang rules dito. Akala ko wala na silang rules dahil palage nalang akong nakakakita ng live fighting scenes ng mga estudyante lalong-lalo na sa mga taga-class D. "Ganon ba? Saan naman gaganapin ang laban?" Tanong ko naman. Parang gusto ko kasing manood. "Sa school's battle arena. May battle arena kasi ang paaralang ito." May ganon pala rito? Ngayon lang akong nakarinig na isang paaralan na may battle arena. Nakapagtataka at pinayagan sila ng gobyernong magpatayo ng ganito.  Nagpasalamat ako kay Maxine bago sumunod sa mga estudyanteng patungo sa arena daw. Nakarating din ako sa tinatawag nilang battle arena. Square yung battle arena nila rito. Akala ko katulad don sa mga napapanood ko sa TV o movie tulad nong gladiator. Hindi pala. Pataas naman yung arrangement ng mga upuan. May malawak na space sa gitna at sa pinakagitna naman ay isang stage. Transparent glass naman yung ceiling ng battle area, para diretso ang sinag ng araw o buwan. Mukhang kakaiba din ang may-ari ng paaralang ito a. Magpatayo ba naman ng malaking battle arena? Nakapagtataka tuloy. Paaralan pa ba to o battle area ng mga basagulerong mga estudyante? Naghanap agad ako ng mauupuan. Umupo ako sa pinakamalapit sa battle area kaya naman kitang-kita ko ang mga estudanteng naglalaban. Isa na don ang kababata kong basagulero. Kanina pa pala nagsisimula ang laban at si Clyden ayaw talagang pagasgas. Iilan nalang sa kanila ang walang gasgas.  Napatingin siya sa gawi ko at bahagyang natigilan. Hindi tuloy niya namalayan ang kamaong papunta sa mukha niya. Muntik pa siyang matumba pero agad din naman siyang nakabawi. Nang mapatingin ulit siya sa gawi ko, nilabasan ko siya ng dila saying that buti nga sa kanya. Inirapan lang ako bago sinapak ang lalaking kaharap niya. Napapalunok ako ng laway, makita iyung Kenjie na nakipagbalian ng buto. Mukhang ang daming napipilayan ngayon dahil sa kanya. Paa lang naman ang pinuntirya niya para di na makatayo ang sinumang makakalaban niya. Pati yung guy na may kawrestling noon. Napapahiyaw ang bawat tamaan ng kanyang kamao. Ayan tuloy napapangiwi ako sa sakit. Mukhang ako itong nasaktan sa laban ng mga to. Ginalit ko pa naman ang mga to. Lagot ako nito. Para na akong naiihi na natatae kapag naisip na Isa ako sa mga binabalian nila ng buto.  Bakit pakiramdam ko nakakatakot ang paaralang ito? Kaya naman pala dorm school, iyon pala para hindi magtataka ang mga tao kung bakit bugbog palage ang mga estudyante rito. "Araaay! Kapag ang braso kong ito nabali, patay ka sa akin." Natigilan ako sa sigaw ng katabi ko. Saka napatingin sa braso niya at biglang napabitaw. Nakahawak pala ako sa kanyang braso at di lang yun. Pulang-pula na ito sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. Napalakas ata. Bakit di din kasi nagreklamo? Ngayon pa nagsalita kung kailan namumula na ang braso? Nagtaka ako at napakunot ang aking noo kung bakit nakatitig siya sa akin sa halip na sigawan ulit ako. Si Kiyo nga pala to na isa sa mga kaklase ko. Nagulat na lamang ako nang may mabigat na brasong umakbay sa akin na ikinakunot ng noo ni Kiyo at umasim ang mukha. "Problema mo ha?" Maangas na tanong ni Nizu kay Kiyo. Siya kasi ang umakbay sa akin. "Ikaw. Sino pa nga ba." Pabalang ding sagot ni Kiyo. "Hinahamon mo ba ako?" Sabay tayo ni Nizu.  Tumayo din si Kiyo. Ngumise naman ako. Nag-aamoy away eh. "Gusto niyong maglaban? Punta na kayo sa arena o. Don't worry, ichecheer ko kayo." Pang-encourage ko pa. Napatigil naman sila at sabay-sabay pang tumingin sa akin na nagtataka. "Di mo kami aawatin?" Tanong ni Nizu na parang di makapaniwala. "Bakit naman? Di naman ako ang mabubugbog." Sagot ko din. Nagtaka na lamang ako at umupo silang muli. Sayang naman, yun na yun eh. Akala ko sasali na sila doon sa baba. Nanood nalang kaming muli na walang imikan. Napapangiwi ako tuwing may nakikita akong nababalian ng kamay. Ganito ba talaga sa school na to? Buti di sinasampahan ng kaso ang mga guro at may-ari ng school na to? Di kaya to gangster school? Pero mukha namang hindi eh. Hindi lang siguro bawal ang mga gangster o mga fraternity. Buti nalang at wala pa akong napansing p*****n dito. Palagi lang basagan ng mukha. Tatlong oras din ang lumipas bago matapos ang rambol sa battle arena. Kukunti nalang ang nanatiling nakatayo at kabilang na roon sina Clyden at yung lider ng Dark angels g**g daw. "Bakit parang di ka nag-alala para sa kababata mo?" Tanong bigla ni Kiyo. "Nino? Ni Clyden? Hindi na kailangan. Gustong-gusto ko ngang makitang may black eye yun. Ang panget siguro niyang tingnan." Sagot ko naman. "Magkababata nga sila. Walang pinagkaiba sa ugali." Singit naman ni Nizu. "Magkaiba kami ng ugali noh. Siya basagulero samantalang ako matigas lang ang ulo." Sagot ko din. "E kayo? Bakit di kayo nasali sa laban?" Mga kasamahan din kaya nila ang mga to. "Bawal sumali ang hindi kasali sa parusa." Sagot ni Kiyo. "Saka hindi naman ako nakasali sa laban don sa cafeteria kasi nahuli na ako ng dating. Ikaw kasi e, umeksena ka. Ayan tuloy di na ako nakasali sa laban." Aba't ako pa ang sinisi? Sinabi ko bang tumigil sila sa paglalaban sa cafeteria? Bakit din kasi nila ako dinamay e kumakain lang naman sana ako. Nakita kong patapos na ang laban kaya tumayo na para makaalis na sa lugar na to. "Aalis ka na? Di mo man lang icheer ang kaibigan mo?" Tanong ni Kiyo. Nilingon ko naman si Clyden. Napairap lang ako makita siya. Ba't ko siya ichecheer? Iniiwasan niya ako e. Hummmpp.. Kung mangcheer ako hindi sa kanya. Umalis nalang ako dahil one sided fight lang kasi ang laban. Boring masyado. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD