Chapter 8: Bagong guro

1022 Words
third person's point of view Pagbalik ni Hyemie sa kwarto niya naratnan niya si Maxine na nakahiga sa isang kama. Kakausapin sana niya ang karoommate na ito kaso nagtalukbong agad ng kumot nang makita siya. "Sobrang panget na nga siguro nitong ayos ko kasi pati ang babaing to, takot na sa akin." Iiling-iling na sambit ni Hyemie. Tatanggalin na sana ang wig nang may naisip. "Kapag may makikipag-kaibigan parin sa akin kahit ganito ako kapanget, ibig sabihin tunay siyang kaibigan. Tama! Di ko nalang babaguhin itong panget na wig na ito, para makatagpo ako ng kaibigang tanggap kahit ano man ang hitsura ko." Napangiti pa siya sa naisip. "Kung sina Ate Shy at Ate Shem nagdesguise para di makilala nina lolo, ako naman magdedesguise kasi wala lang, trip ko lang." Kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang nasimulan. Pangatlong araw, ganon parin. Bugbog ang bagong guro na pumalit sa mga nagresign. Dahil takot na ang mga gurong magturo sa Class 11-D, ayan wala na naman silang pasok. Binigyan na lamang sila ng principal ng mga assignments at magseself study nalang daw muna. Kawawa yung mga babaeng matatalino sa room ng Class 11-D at sa mga matatalino sa ibang seksyon dahil sa kanila pinapagawa ang mga assignments ng mga estudyanteng mga siga, mababae man o lalake. Ang masaklap pati si Hyemie napagtripan. "Gawin mo itong assignments ko, kundi patay ka!" Gorilla said. Sa akin din. Siguraduhin mong tama ang sagot." Sabi din ng chimpanzee. "Ito din." Bakulaw. "Ito pa." Unggoy. Saka lang narealize na sinulatan na pala ni Hyemie ang mga assignments notebook nila isa-isa ng mga pangalan. Unggoy, gorilla, bakulaw, chimpanzee, kingkong, uranggutan, bulldog, azkal, buwaya, tigre, leon, halimaw, diablo, at iba pa. Pag-angat ng kanyang paningin, nakita niya na sobrang sama na ng kanilang tingin sa kanya. Bago pa man nila masugod, gumapang na ito sa ilalim ng upuan para makadaan at kumaripas ng takbo palabas. "Saan ba ako magtatago nito para magpalamig?" Sambit niya nang makalabas. Nagtung siya sa likod ng school kung saan wala namang gaanong mga pumupuntang mga estudyante.  Natanaw sa di kalayuan ang kumpulan ng mga estudyante. Dahil may pagkatsismosa itong si Hyemie, ayan, naglakad palapit. Nakita niyang iilan to sa mga kaklase niya sa class 11-D. Kalaban nila ang ilan sa class 11-B. Hindi pa man siya nagtatagal nang may dumating at inawat ang mga naglalaban na mga estudyante. "Sayang talaga. Iyun na yun eh. Gusto ko pa namang manood eh. Panira naman tong mga gurong to." Maktol pa niya. "At mukhang natuwa ka pa." Sabi ng isang guy sa kanyang gilid. Pinakulayan ng dilaw ang buhok nito na one inch ang haba. Habulin ng chicks ang hitsura. "Uy, teka, bakit di ka kasali doon? Class D karin di ba?" Nagtatakang tanong ni Hyemie Tinitigan lamang siya ni Nizu na nakakunot ang noo. "Di ba rabbit teeth ka?" Takang tanong niya na nakatingin sa bibig ng dalaga. Napahawak si Hyemie sa bibig at nanlaki ang  mga mata ng mapagtantong wala na sa bibig niya ang pekeng ngipin. Nalaglag siguro sa klasrom kanina. "Eh, ano naman ngayon? Saka paano mo nalaman?" "Pantay naman ang ngipin mo eh. Bakit kahapon may dalawang malalaki sa harap?" Sagot naman niya. "Kayo! Anong ginagawa nyo dyan?" Tawag ng headteacher nang makita sila na nakaturo pa ang sa kanila ang hintuturo.  "Ah, hello po headteacher big eye balls." Bati agad ni Hyemie rito. Dahil don namula ang head teacher sa galit. "Ano ang tinawag mo sa akin ha?" Tanong pa nito nang makalapit at sobrang sama rin ng tingin. "Sabi ko po, gumagwapo po kayo ngayon. Ang cute nyo po pala sa malapitan. Hehehe!" Kamot-ulo. "Ah, ganon ba?" Sabay suklay ng buhok nito gamit ang daliri pero muli ring sumama ang tingin kay Hyemie. "Aba't wag mo akong inuuto!" Sigaw nitong muli at dinuro pa ang dalaga na ikinagulat nito. "Muntik na tuloy mapatalon ang aking espiritu." Sambit niya na napadukdok pa sa dibdib. Naghanap agad ng pampalubag loob. "Woah! Kung ganon, panget pala ang tingin nyo sa inyong sarili? Kaya di kayo makapaniwala sa akin?" Tanong niya pa sa headteacher at tinakpan pa ang bibig kunwari nagulat. Mukhang umamo ulit ang mukha ng headteacher pero nagsusungit-sungitan parin. "Ba-balik na nga kayo sa room nyo." Taboy niya. "Wag nyong ginagaya ang mga yun." Sabay turo sa mga papalayong mga estudyanteng nag-aaway kanina. "Lunch break pa po kaya." Nakanguso sagot ng dalaga. "Ah, basta. Wag din kayong gumawa ng g**o katulad ng mga basurang iyun!" Sagot naman niya. "Alam nyo po ba? Na ang pagtawag ng basura sa kapwa ay nakakabawas ng kagwapuhan? Sige kayo, lalo kayong magmukhang tipaklong niyan." Syempre, binulong niya lang yung tipaklong part. "Ganon ba? Sige alis na ako."  At tumalikod na nga. Tumawa naman ng mahina itong katabi ang kanina pang tahimik na katabi niyang si Nizu. "I'd never thought na nang-uuto ka pala. Tsk!" Sabi pa ng lalake. Di na sumagot si Hyemie at naglakad na paalis. "Wait!" Tawag nito na ikinatigil niya. "What's your name?" "Hyemie." Sagot niya. "I'm Nizu." "Okay." Sagot lang niya at naglakad na paalis. "Saan ka nga pala pupunta?" Tanong ni Nizu habang sumasabay ng lakad kay Hyemie. Hindi na siya umimik at nagpatuloy lamang sa paglakad. *** Nang magbell na'y bumalik na si Hyemie sa kanilang classroom. "Bakit iilan lang sila? Nagbell na kaya. Takang Tanong niya mapansing iilan lang ang mga estuyante sa loob ng classroom nila. "May mga punishment ang nakikipaglaban ng walang pahintulot sa mga school council. At ang mga estudyanteng lumalabag sa mga school rules. Ang class natin ang nangunguna sa mga rulebreaker. Kaya madalang lang ang nakakapasok sa klase." Paliwanag ni Nizu na nakabuntot parin sa kanya. Ang nandito lang ay ang tatlong babaeng binubully nila, isang lalake at silang dalawa ni Nizu. Wala naman ang buong grupo ni Clyden. Ilang sandali pa'y pumasok na ang bago nilang guro. At nagpakilala bilang kapatid ng principal. Babae at mukhang may alam sa martial arts. Kasi nong batuin siya ni Nizu ng bola, nasalo niya ito kahit nakatalikod siya. Mukhang may panlaban na sa mga estudyante dito. Siya si teacher Fumie. Twenty five years old at single. Sa halip na nakaskirt ang mga gurong babae, siya naman ay nakajersey. Yung PE uniform. Iniisip ni Hyemie na buti ngang ganon ang sout niya, para kung sisipain niya ang mga estudyanteng matitigas ang ulo, hindi makikita ang kanyang underwear. Nong una akala nila na strict siya, pero mabait naman pala at na isip na baka siguro kapag nagalit lang sumusungit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD