******** Hyemie's point of view Weh? Totoo ba to? Hindi ako nananaginip? Kinuso kong muli ang aking mga mata. Si Kenjie ba talaga yan? Hawak niya si Ayumi sa braso. Baka nananyansing lang yan. Si Ayumi pa. Kahit masama ang ugali niyan, bawi naman sa hitsura. Buti at ayos na siya. Hindi siguro pinuruhan ni Keith kaya ang bilis gumaling. "Aray! Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Sigaw ni Ayumi na napapangiwi pa sa sakit. Hindi pala siya tsinatsansingan, sinasaktan pala. "Hyemie, ayos ka lang?" Tanong naman sa akin ni Daezel. Ako naman ito, medyo nabingi ako ng kunti. Seryosohan na ba to? Hindi ba nagjojoke si otor este sila? Talaga bang nag-alala sila sa akin? Binitiwan ako ng mga babaitang may hawak sa braso ko kaya malaya kong kinurot ang pisngi ni Daezel. "Hey! What was that for?" Inis

