Kinabukasan......
Sa dorm ng blazing g**g. Magkakasama ang buong grupo at pinag-uusapan ng mga ito ang nangyari noong nakaraang gabi.
"Inis na inis si Chino dahil nasyot ang balde sa ulo niya. Natumba pa siya eh tapos nagantihan mo pa. Pinahanap na niya ang may gawa non para papagbayarin." Kwento ni Netri.
"Muntik na akong mabulag dahil sa gagong yun. Buti nalang may naglakas ng loob na gawin ang mga bagay na iyun kagabi. Hindi sana ako makaganti." Sagot naman ni Zahiro habang nilalagyan ng bimpo ang pasa sa may mata.
"Nga pala Mizhu. Lumabas daw kayo ni Witch kagabi. Ano, nakaiskor ka na ba?" Tanong bigla ng isa sa kagrupo nila na may nang-aasar na tingin.
"Malapit na." Sagot lang niya.
Pero ang totoo naguguluhan siya. Sasaktan at paglalaruan ba niya ang feelings ng babaeng nagligtas sa kanyang pamilya at sa kanyang matalik na kaibigan?
Inaamin niyang may kasalanan nga ito sa kanila. Kasi nagalit sila rito nong una nilang pagkikita. May napagtripan kasi ang grupo niya na isang babae sa Class C. Tinulungan ni Hyemie ang babae at pinaalis saka sila inangasan. Nang susugod na ang isa sa kagrupo niya ay kumaripas na ito ng takbo. Binato pa ang isa sa kanila na ikinadugo ng ulo nito. Tapos ng habulin nila nakabanggaan ni Hyemie si Daezel. Iniisip nilang papahirapan ito ng g**g na iyun pero mukhang ang grupo pang iyun ang pinapahirapan niya.
Isa iyon sa dahilan kung bakit galit sila kay Hyemie.
Kung si Mizhu kausap ang grupo, si Hyemie naman ay may napagtripan na naman.
Isa sa mga Class A na kagrupo ni Daezel. "Kung malakas ka nga, sapakin mo nga yun." Sabay turo nito sa isang lalakeng galing class C na kagrupo ni Chino.
"Huy!" Tawag pa niya sa lalakeng nakatalikod. Lumingon naman ito na nakakunot ang noo.
"What!" Matapang nitong sabi.
"Suntukan daw kayo, one on one. Isang sapak lang daw niya mahimatay ka na." Sabi ni Hyemie na tinuro pa ang kasamang lalake.
"Tsk! Di ko sinabi yun." Tanggi nito at akmang aalis.
"So, takot ka sa kanya." Paghamon pa ng dalaga.
"Yun lang katakutan ko?" Mayabang nitong sagot.
"Ang yabang mo ah!" Sagot naman ng class C student at sinugod yung kasama ni Hyemie.
Dahil don, nagsuntukan na ang dalawa. Siya naman nakicheer pa. Hanggang sa parami ng parami ang mga estudyanteng nanonood. Nakipagpustahan pa siya sa mga estudyante. Ganon siya makapagsimula ng away. Dahil ganon siya kapasaway.........
***********"
Hyemie's p.o.v
Dumating ang principal kaya tumakbo na ako palayo. Ayaw kong masali sa punishment noh. Bahala sila don. Nakapamulsa akong pumasok sa room ko.
"Nasan si Drin? Siya ang pinasundo ko sayo di ba?" Bungad agad sa akin ni Daezel.
"Ayun, nakipagsuntukan pa." Sagot ko at inilapag ang bag sa aking desk saka umupo.
"Alam kong ikaw na naman ang nagpasimula non." Di ko siya pinansin.
Di ko naman kasi hiniling na hatid sundo niya ako. Hindi ko na kasalanang palage kong pinagtitripan ang mga pinapadala niya para bantayan ako. Ewan ko sa trip ng lalakeng to.
Pagkatapos ng klase nauna na akong lumabas. Para matakasan ang grupong ito. Uutusan lang naman ako eh. Slave nga daw kasi ako.
Habang naglalakad sa corridor napansin kong may bagay na pabagsak sa gawi ko kaya agad akong umiwas. Bumagsak ang isang paso sa sahig at nabasag. Tumingala ako at wala naman akong nakita na tao sa may rooftop o ba kaya sa may bintana. I know, sinadya yun.
Kaya lang, sa dinami-rami ng nagawan ko ng atraso sa skul na to, di ko na matukoy kung sino sa kanila. Pero may pinakapinaghihinalaan ako. Nagpatuloy na lamang ako sa paglakad na parang walang nangyari. Sanay na ako sa mga ganyang mga pranks. Kaya di na yan bago para sa akin.
Pumasok ako sa cafeteria. Oorder na sana ako ng pagkain pero bigla nalang nagsilabasan ang mga estudyante. Anong meron? Ang weweird nila ngayon ah. Saka ko nalang napansin na ako na lamang mag-isa.
Nang tingnan ko ang pintuan ng cafeteria nakasarado. Wala narin yung mga nagseserve, mukhang nagsilabasan din. Isa ba to sa pangbubully nila sa akin? Hmmmp! Bahala sila. May mga pagkain naman dito e di magpakabusog ako.
Mabuti nalang at tinuruan kami ni papa kung paano malaman kung may lason ba sa isang pagkain. Malalaman namin iyun sa amoy ng pagkain kahit unscented pa yung inilagay nila. Hindi ko ginalaw yung pizza pie. May nilagay sila don. Maging sa tubig mula sa dispenser. Kaya ang kinuha ko ay ang mga in can na di pa nabubuksan.
Kain lang ako ng kain. At dito narin nagpalipas ng oras. Baka inaakala nilang nangingisay na ako dito. Pagkatapos kong magkalat tinungo ko na ang pintuan. Sinubukan kong itulak pero ayaw. Tumingala ako sa kesame. Saka napangiti.
***********
Third person's p.o.v
"Ano! Nagawa nyo na?" Tanong ni Ayumi sa kagrupo.
"Sinisiguro naming hinding-hindi siya makakalabas." Sagot naman ni Ada.
Nagtawanan naman silang lahat. Nilagyan pa nila na not available ang cafeteria para wala ng magtangkang buksan ito.
Pabalik na sila ng room nang matanaw ang kani-kanina lang na pinag-uusapan. Napasinghap pa ang buong black Rose g**g at may napapatakip pa sa bibig na may kasamang pamimilog ng mga mata.
"How could she get out?" Halos pasigaw na tanong ni Ayumi. Naguguluhan namang nagtinginan ang mga miyembro niya.
"Get her!" Utos niya sa mga kagrupo.
*********
Hyemie's p.o.v
Nakangiti ko pang kinawayan ang grupo ni Ayumi. Sila lang naman ang pinakanaiinggit sa beauty kong to.
"Get her!" Sigaw niya sa mga kagrupo kaya tumakbo na ako. Ayokong makalmot at magasgasan itong pinakmamahal kong balat. Limited edition pa naman to.
"Tumigil ka!" Sigaw nila.
Ano ako tanga? Ang dami kaya nila. Ang lalakas pa naman ng mga to, parang mga lalake. Kapag talaga ako naabutan, gagawin ko na silang babaeng babae. Hindi amasona.
Hanap ng mahihingan ng tulong. Kaya lang, kahit saan ako lumingon wala akong makitang maaring makatulong sa akin. Halos ang madadaanan ko ay ang mga estudyanteng takot din sa mga bruhildang to.
Bigla akong napapreno na parang kotseng biglang napabreak kasi may nakaharang na mga mukhang kotse sa daraanan. Nakahalukipkip pa.
Hinihingal pa naman ako. Kapagod kayang tumakbo lalo pa't kakatapos mo lang kumain.
"Ano bang kailangan nyo sa akin? Di ko kayo type kaya wag nyo kong pipilitin. Di tayo talo." Hinihingal kong sabi na nakataas pa ang isang palad. Sabay naman silang nagyak sa sinabi ko. May nag-anyo pang nasusuka habang yung iba diring-diri.
Naglakad palapit sa akin si Ayumi na halatang excited na excited na saktan ako. "You will taste my wrath witch whore." Witch na nga w***e pa.
"Ayoko kaya sa taste mo, ang baho!" Sabi ko pa. Sa inis niya mabilis niyang itinaas ang kamay para sampalin ako. Kaya lang iba ang natamaan.
"Ayan kasi di marunong umiwas." Asar ko pa sa kagrupo niyang natamaan at napabagsak pa sa lupa. Mangiyak-ngiyak na nga eh.
Dumugo pa ang labi. Ang lakas nga siguro non. Halata naman eh, ang lakas nga ng tunog.
Galit na galit na nakatingin sa akin si Ayumi, ako naman nginingitian lang siya. Yung ngiting nang-aasar? Sinuntok niya ako kaya agad akong umiwas. Kaya lang bigla nila akong dinumog. May humila sa buhok ko. Maging sa mga braso ko. Uwaaah! Katapusan ko na ba?
"Itigil nyo yan!"
Bigla silang nafreeze sa boses na iyun. Maging ako man.
"Gusto niyo bang mamatay?" Mas nakakatakot ang boses na yun ah. Oh em gee! Dalawa ang Knight with shining armor ko. Ang ganda ko talaga!
"Anong ginawa nyo kay Hyemie!" Mayron pa?
May tatlo na! Sino-sino kaya sila? Dahan-dahan kong inangat ang aking paningin. Natapilok pa ako sa nakita. Ginagawa nila dito? Napasimangot akong bigla.
....