Hyemie's point of view
Salamat nalang at masyadong busy ang lahat para sa class battle daw nila. Kaya di gaanong napapansin ang beauty ko ngayon.
Makatambay na nga muna sa likod nitong napakalawak na school. Tinungo ko talaga yung lugar na madalang puntahan ng mga estudyante. Kaya lang may narinig akong boses at dahil curious na naman tung si ako, ayan hinanap ko na.
"Tama na! Ano ba!" Boses babae yun ah.
Sumilip ako sa likod ng isang puno at nakita sa di kalayuan ang dalawang grupo ng Class D. Ang Dark Angels at Black Flame.
Nasa gitna nila ang dalawang lider na sina Kenjie ng Dark Angels at nakalimutan ko ang pangalan ng isa na nasa Black flame. Inaapakan nong lider ng Black Flame si kenjie na di man lang lumalaban? Bakit nagpabugbog ang supladong to?
"Tama na Keith! Please." Ang umiiyak na sabi ni Ashiera habang yakap ang bugbog na si Kenjie.
Ah, Keith nga pala ang pangalan nong guy na yon.
"Ngayon sabihin mo! Ito ba ang rason kung bakit nakipagbreak ka sa akin? Ito din ba ang rason kung bakit mas pinili mong maging slave kaysa ang makipagbalikan sa akin?" Sabi pa nito at muling sinipa si Kenjie.
"I'm sorry!" Iyun lang ang lumalabas sa bibig ni Ashiera habang patuloy sa pag-iyak.
Bakit sobrang tahimik ng mga kagrupo nila? Ni wala man lang nagtanggol kay Kenjie? Di na nga mahitsura ang lider nila wala man lang silang ginawa?
Tingin ko di na rin siya makalayo. Ang dami ngang bruises sa katawan o at punit-punit narin ang suot na uniform. Natural namang nagkakasala ang mga tao eh. Pero di naman na siguro makatarungan iyung halos patayin na siya sa bugbog. O hahayaan mo nalang na mapahamak ang kaibigan mo dahil kasalanan niya o nagkasala siya.
Pwede naman sigurong paluin nalang sa p***t o pingotin sa tainga para magtanda. Parang ako lang. Ay oo nga pala, nagtatanda nga ako pero inuulit ko naman.
Kung iuntog nalang kaya nila ang ulo nito para maalog at magtanda na, ay baka mamatay pa. Bugbog nalang. Lumapit ako para makisali sa pangbubugbog kay Kenjie. Kawawa naman kasi si Keith, nanakit na ang mga kamao at paa sa pagbugbog kay Kenjie kaya tutulungan ko na.
"Tama na yan! Hindi patas ang laban ninyo." Sabi ko. Napatingin tuloy silang lahat sa akin. Sabi ko makikisali ako di ba? Kaya ito na.
"Huy! Witch! Wag ka ngang makialam dito?" Sigaw ni Keith na tinuro pa ako.
"At least ako na witch na may pusong mamon. Di tulad mo na mukhang anghel pero may pusong bato." Sagot ko at inirapan siya kaya ayan nanlilisik pang lalo ang mga mata.
Humigpit ang pagkuyom ng kanyang kamao. Sabi ko na sayo Hyemie eh, makibugbog ka lang, di magpabugbog.
"Hehe! Relaks lang naman mister. Nandito lang ako para manood ng show. Sige tuloy mo na." Sabi ko pa habang umaatras-atras.
Ayaw kong masapak noh! Makikinood na lamang ako sa drama ng mga to.
Muli na sanang sipain si Kenjie nang magsalitang muli si... Si ako syempre.
"Gusto mo ba talaga siyang tuluyan? O gusto mong mas pahirapan at maramdaman niya kung gaano kasakit ang nararamdaman mo? Pero tol, kahit mapatay mo man siya di maghihilom ang sugat na naiwan dyan sa puso. Move-on lang ang solusyon dyan." Pinanlisikan ulit ako ng mata. Pulang-pula na kaya ang mga mata niya sa galit.
Ang sugat maghihilom man pero mag-iiwan parin ng peklat. Magsorry man si Kenjie pero nasaktan na si Keith. Katulad lang din kung mapatay man ni Keith si Kenjie nandon parin ang sakit hangga't di parin siya nakaka-move on.
Moving on is the only way to ease the pain and to forget the painful past. But killing someone can't solve the problem. Dadagdag lang yan sa problema dahil ang isang pagkakasala ay tinumbasan mo ng higit pang pagkakasala.
Bakit napunta na ako sa killing? E kasi kapag hindi tinigilan ni Keith ang Kenjie na to kundi mapipilayan, Patsy talaga ang punta. Hindi lumalaban e.
"Pag napatay mo siya dahil sa galit mo hinding-hindi ka na magawang mahalin ng taong rason kung ba't mo iyun nagawa. Kamuhian ka ng mga taong malalapit sayo at tawaging kriminal. Gagantihan ka ng pamilya niya at gagantihan mo rin siya. Ang resulta walang hanggang gantihan. Paano ka magiging masaya kung pawang galit nalang ang nasa puso mo? Marami namang paraan para makamove-on, nasa tao lang yan. At sa tingin ko naman enough na tong sinapit niya." Ano ba yan! Pano ba kasi mag-advice ng pang mature? Palibhasa kalokohan lang ang alam ko eh.
"Kulang pa yan!" Sigaw na sagot niya.
"Mapatay mo man siya di ka parin makukuntento. Hindi ka rin magiging masaya. Pero kung gusto mo talaga siyang patayin ano pa bang magagawa ko? Di naman ako ang makakarma. Para di na manakit iyang kamao mo may suggestion ako." Sabay kuha ng kutsilyo sa loob ng aking sapatos.
Nagdadala ako niyan pang self-protection lang. Alam niyo na, wanted ang beauty ko. Nagulat pa siya at napasinghap naman yung iba. Nanlaki pa nga ang mga mata nila eh.
"Ano ba iyang ginagawa mo!" Sigaw sa akin ni Jinxiu.
"Hyemie! Hibang ka na ba?" I heard Nizu said that. Kaya sila ang tiningnan ko.
Hindi pa kailanman na galit si Nizu sa akin ng ganito, ngayon lang. Ngayon alam ko na, badboy lang sila at hindi wicked. Kasi makatao parin pala sila kahit papano.
"Alam nyo, kayo ang dapat kong tanungin ng ganyan? Ano iyang ginagawa nyo? Panoorin lang na mabugbog ang kasamahan nyo hanggang sa malagutan ng hininga? Anong klaseng kaibigan at grupo kayo?"
May kaibigan ba kasing papanoorin lang na nahihirapan ang kaibigan? Na hahayaan lang itong bugbugin ng iba sa harapan mismo nila?
" Grupong walang ibang iniisip kundi ang sarili? Ni di magawang tulungan ang kaibigan? Grupo bang matatawag ang walang pagkakaisa at pagmamalasakit sa kasama? Binugbog na nga ang lider nyo, pero anong ginawa nyo? Manood right? You are all useless and weak. You can't even protect your leader. You were all nothing but a useless group." I said. Sensya na masakit akong magsalita. Honest lang naman ako.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" Sigaw ni Vinz at sinugod ako ng suntok na naiwasan ko naman agad.
"See! Kapag sarili nyo o iyang pride niyo ang nasaktan ang bilis niyong magreak. Pero kapag kaibigan nyo hanggang sorry at alala lang kayo. Kung talagang nag-alala kayo you can find a way to help your friend but you didn't." Sabi ko pa na ikinatigil naman ni Vinz.
"And you!" Sabay turo kay Keith.
"Hindi mo dapat ipagpipilitan ang sarili mo sa taong ayaw na sayo. Pag kasi dinadaan mo sa dahas ay lalo lamang niyang maisipang tumakas. Pag magmahal wag bigay todo para kung sakaling mabigo hindi rin sagad at todo ang sakit. Wag din sobrang higpit baka masakal pa na ikakamatay ng puso nito."
"If you really love someone, gagawin mo ang lahat para sa ikaliligaya niya. You are willing to sacrifice everything. But if you can't do that ibig sabihin, sarili mo lang ang iniisip mo. It is not called love, it is selfishness." Okay na ba? Bagay na ba akong maging si Yankumi? Teka lang. Wala naman sigurong sinabing ganon si Yankumi ah?
Well, mukhang nagiging judgemental na yata ako. Gusto ko lang talagang tumigil ang Keith na to. Wala lang akong maisip na sasabihin. Malay ko ba sa true love na yan? Di ako nakakarelate. Yung paniniwala ko lang ang sinasabi ko ni di ko din alam kung tama ba ako.
Ikinuyom lang ni Keith ang kamao at inis na naglakad palapit sa puno at iyun ang pinagsusuntok. Mahal talaga siguro nito si Ashiera. Sa ganda ba naman ng babaeng to. Mabait na mukha pang anghel. Pero kung anghel nga siya bakit nagawa niyang lokohin ang isa?
Haist! Problema na nila yon. Atleast tumigil na si Keith.
Itutuloy........