Chapter 32: secret admirer

1343 Words
Nilapitan ko si Kenjie kasi tong kagrupo niya nakatulala lang. Wala rito si Kiyo at Clyden. Di pa kasi nakakabalik si Clyden pero si Kiyo ewan kung ano ang nangyari don. Di na kasi ako updated sa kanila kasi sa class A na ako pumapasok di ba? Bahagyang lumayo si Ashiera kay Kenjie para siguro masolo ko rin tong bf niya. Yakapin ko din kaya? Ang sarap talagang sapukin nitong kokote ko. Kahit ano-ano ang iniisip eh.     "W—why d-did you help me?" Nahihirapang bigkas ni Kenjie.     "Nahihirapan ka na nga, nagsasalita ka pa. Kung malapit ka ng mahilo, mahilo ka nalang Uy! Wag ka ng paasa." Sagot ko naman na ikinaikot ng eyeballs niya.     "Tsk! Stupid!" Sagot niya at akmang tatayo pero natutumba parin.      "Di ba dapat masaya ka dahil nahihirapan ako ngayon? I deserved all of this right?" Dahil sa sinabi niya ayun nasapok ko na! Pangdagdag sa bugbog niya.      Kailan ko ba hiniling na mahirapan siya? Oo, inaamin kong nambubugbog din ako pero kapag pinoprotektahan ko lang ang akong sarili.      "At bakit ko naman gagawin yon?" Tanong ko naman.     "Dahil di kita naipagtanggol gayong nangako akong magiging tagapagtanggol mo. At naging substitute ka sa girlfriend ko. Instead na magpasalamat ako sa pagligtas mo sa akin, ginawa pa kitang alipin. Wala akong kwenta di ba? At traydor din ako." Saan ba niya napulot ang drama niyang ito?    Di pa naman ako marunong magpapagaan ng kalooban ng mga nag-eemote? Pag sa sapakan aba't magaling ako diyan. Pero ang magpaamo o magpatahan ay ewan ko lang.    "Kaya dapat matuwa ka makitang nahihirapan ako dahil para ka naring nakaganti." Saan ba niya galing ang logic niyang to?    "Bakit, ako ba ikaw? Siguro kapag ako ang nasa kalagayan mo ngayon baka magtatalon ka pa sa tuwa. Pero sorry dahil ako si Hyemie. Mahilig ngang mampikon pero hindi nagtatanim ng galit." Kaya nga pag inapi ako, agad akong lumalablayf para di ko na kailangan pang magtanim sa galit kasi naman nakaganti na ako e.     "Saka di ako mabilis magalit dahil para sa akin, talo ang galit. At saka kilala man kita o hindi, may kasalanan ka man sa akin o wala. Basta't alam kong may magagawa ako bakit di ko gagawin kung alam kung iyon ang nakakabuti? Mahilig akong tumakbo kapag nag-iisa pero hindi ko iiwan ang kaibigan ko kung alam kung mapapahamak siya kapag iniwan ko siya." Tiningnan ko si Nizu para magpatulong. Lumapit naman siya at inalalayan si Kenjie. At umalis na sila kasama ang iba pa."     "Why did you help someone who betrayed and abandoned you?" Tanong ni Vinz sa akin. "Who never cared for you?" Kagrupo siya ni Kenjie. Kami nalang dalawa ang naiwan dito dahil sumunod sila kina Nizu.    "Bakit? May ginawa ba siya sa akin?" Tanong ko pabalik.    "Maari ka naman niyang alisin sa pagiging slave dahil siya parin ang lider ng Class D. Pero nang makitang nakalaya na si Ashiera hindi niya magawang ibalik ito dahil mahalaga sa kanya ang girlfriend niya. Nagiging alipin ka dahil sa dalawang taong tinulungan mo. Alam mo bang ang pagtulong mo sa isang slave tulad ni Ashiera ay ang siyang pinakadahilan kung bakit ka nagiging slave kapalit niya?" So anong gusto niyang palabasin? Na dapat matuwa akong makita silang nahihirapan?     Tumulong ako hindi para maghirap ang mga taong tinulungan ko. Aanhin pa ba ang pagtulong kung nakakasama naman pala sa kanila?     "I understand why he did that. Gusto lang niyang iligtas ang babaeng minahal niya. Kahit na may naaapakan siyang iba. May kasalanan man siya sa akin pero ayokong magtanim ng sama ng loob sa aking puso. Saka maliit na bagay lang yon. Bakit ko palalakihin?" Saka ako kaya ang kusang sumama.     "Saka ang motto ko kasi, di bale ng maraming may galit sa akin kaysa ako ang maraming kinakagalitan. Kapag kasi puro sama ng loob lang ang nilalaman ng puso, hindi mo magagawang maging masaya. At tandaan mo, talo ang pikon. Talo ang galit. At ayaw kong matalo dahil lang sa galit."     "Wag mong sabihin hindi ka magtatanim ng galit sa mga taong nakakagawa ng kasalanan sayo?"     "Alam mo, hindi na mahalaga kung may nagawa bang kabutihan o kasamaan ang ibang tao sayo. Ang pagtulong sa taong nakagawa ng mali sa atin ay katulad lang din sa pagtulong sa taong ngayon mo lang nakita at nakilala." Sabi ko.     "Kasi yung isa tapos ng gumawa ng mali at nangyari na. Pero yung isa hindi mo alam kung gagawa ba, kung kailan gagawa at kung gaano kalaki ng maling gagawin niya sayo sa hinaharap. Kaya sa mga nagkakamali at di pa nagkakamali wag na nating ijudge base sa mali o tama nila kundi sa kung paano sila nagbago sa bawat pagkakamaling nagawa nila. Kung paano nila ito kinuhanan ng leksyon."     Pansin ko kasi e, guilty masyado yung Kenjie pero mukhang di nila mapatawad at sinisisi pa nila. Siguro may mabigat na dahilan kung bakit mukhang naglaho ang tiwala ng mga ito kay Kenjie. At kung ano man yon, ayaw ko ng makitsismis pa. Baka kasi tungkol sa love yan. Hindi ako makakarelate.    Tinitigan lang ako ni Vinz kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya bago ako umalis. Kapag kasi pinapakalma ako ng mga brothers ko tinapik-tapik lang ang likod ko, braso ba o kaya'y ulo. Kaya ganon din ako sa iba.    Nagtungo nalang ako sa locker ko para magpalit ng damit. Pinagpapawisan kasi ako sa kakalakad kanina. Binuksan ko ang locker at may nakita akong note. I'm your mysterious admirer. If you want to know me, meet me at the garden. "    Napangiti na lamang ako at tinapon ang note sa basurahan. Makapangtrip na nga lang sa tulad ko pang eksperto narin sa mga ganyang kalokohan. Utuin ba daw ang tulad ko?     Third person's p.o.v     Maghapong naghintay sa may garden si Mizhu pero walang Hyemie ang dumating.     "Siguro, di niya nabasa." He said to himself. Kaya naisipan niyang magpakilala na sa isa pang note na inilagay sa locker ng dalaga.     Naghintay ulit siya sa may garden pero wala paring dumating. Kaya naisipan niyang maghintay nalang sa may gate.    "Pakipot din ang babaeng yun eh." Sabi pa niya sa isip.     Napangiti siya nang matanaw ang dalaga. Ang buong akala niya magpapansin na naman ito pero nilagpasan lang siya.    "Di ka lang nakita Mizhu." Kumbensi pa niya sa sarili.    "Miss!" Tawag niya rito pero di parin lumingon.    "Kunwari pa to oh! Lumingon ka na! Nakakahiya na kayang ang daming nakatingin sa akin?" He thought kaya tumigil muna siya sa pagtawag.    Nang mapansing wala ng gaanong mga estudyante saka pa hinabol si Hyemie.   "Miss!" Deadma parin siya. "Miss Olivar wait!" Tawag niyang muli.   Inalam talaga niya ang buong pangalan nito para sa plano niya. Tumigil naman si Hyemie at bored na lumingon sa kanya. "Ang panget talaga niya." He whispered pero ngumiti ng pilit.   "Hindi ba uso sa kanya ang suklay? Anak ata to ni Sadako eh? O baka naman pinaglihi sa walis tambo?" Pinilit niyang ngumiti ng matamis sabay kindat habang naglalakad ito palapit sa dalaga.   "Musta?" Nakangiti niyang tanong sa nakasimangot na dalaga.   "Hindi ako okay ngayon dahil wala akong maasar." Honest nitong sagot.   "Pwede kitang ipasyal para maging okay ka?"   "Pasyal?" Nagniningning ang mga matang tanong ng dalaga. "Gusto ko yun!" Excited nitong sagot.   "Kita mo na, bibigay agad?" Bulong ni Mizhu sa sarili.   "Ano deal?" Nakangiting tanong niya.   "Basta ba may pagkain. Go ako dyan! Pero ikaw ang taya."   "Kapal talaga ng mukha ng babaeng to. Ako na nga ang gwapo ako pa ang manlilibre? Ano siya sinuswerte?" Sambit niya sa isip.   "Of course! " masiglang sagot niya. Pero sa kaloob-looban gusto ng tumakbo palayo.    Nagpalit muna ng damit si Hyemie habang naghihintay naman sa labas ng kanilang dorm si Mizhu. Paglabas niya'y napahinga ng maluwag ang lalake dahil nakahood si Hyemie. At least di siya mamamatay sa hiya.    "Bakit ka nakahood? Ayaw mo bang may makakita sa ating magkasama?" Kunwari nalulungkot niyang tanong.    "Ayaw ko lang may mapahiya dahil sa ayos ko." Sagot lang ni Hyemie at nauna ng maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD