Hyemie's point of view
Kahit saan ako lumingon, may nagsusuntukan o ba kaya nagkakainitan. Kunting bagay lang nauuwi na agad sa bugbugan. Tapos yung ibang mga babae naman, binabastos.
Iyung mga babaeng mga bully, syempre may pinagtitripan din.
Napatingin ako sa babaeng takot na takot at hinihipuan pa nila. Kung di naman pala nila kayang ipagtanggol ang sarili bakit pinipilit pa nila ang sariling manatili sa katulad nitong klase ng paaralan?
Baka may mga mabibigat silang mga dahilan. Kapag ako talaga sa lugar nila, matagal na akong nagdrop-out.
Nakita kong umiyak na yung babae. Kung ayaw niyang mabastos, di sana ay tumakbo na siya kanina, bago pa man siya makorner. Minsan kasi sa sobrang takot, di na nakakapag-isip ng tama ang utak.
At dahil ayaw kong masangkot sa g**o at madamay, nagpatuloy na lamang ako sa paglakad. Hindi naman ako hero na nangliligtas ng beauty. Saka hindi ako nagliligtas ng beauty'ng kaya naman sanang lumaban pero di man sumubok na manlaban.
"Huy! Panget!" Tawag nong lalakeng lider ng mga bastos.
At dahil hindi ako panget, di ko siya pinansin. Lalagpasan ko na nga sana sila kaso humarang ito sa daraanan ko. Dadaan na sana ako sa kabilang gilid kaso humarang ulit siya.
"Tinatawag kita!" Sigaw niya.
"Ah, ganon ba? Pasensya na po. Akala ko po kasi....." Napakagat ako sa labi.
Baka kasi masapak pa ako kapag di niya magustuhan ang sagot ko. Nag-alala lang ako na baka mabugbog ko siya.
"Ano!" Sigaw niya. Napaigtad pa ako sa lakas ng kanyang boses.
"Ahmmm.... Akala ko po kasi- a-ang ti-tinatawag niyo ay..." Paused muna. "Sarili nyo." Kinakagat ko na ang ibabang labi ko dahil sa sobrang sama na ng kanyang tingin sa akin.
Napayuko pa ako na kunwari takot. Kasi yung totoo, tawang-tawa ang kalooban ko.. Bwahahaha!
"Ginagalit mo ba ako?" Tanong niya at hinawakan ng sobrang higpit ang magkabila kong balikat. Yung skin ko.
"Uwaaah! Huhuhu!" Pagngawa ko. Nilakasan ko talaga ang iyak ko. Iyak na walang luha. Para ba akong bata? Actually isip-bata talaga ako.
"Tumigil ka! Kung ayaw mong papatayin kita ngayon mismo." Banta niya.
Ngayon ko lang naalala ang hitsura nito. Siya yung lalakeng nagtutok ng b***l kay Kenjie. Buti di siya pinakulong ng Kenjie na yon. Agad naman akong tumigil sa pagngawa. Ayaw kong mabaril noh.
"Di na kailangan. Hininga mo palang nakakamatay na nga eh. Ayaw ko pang mamatay sa baho ng bunganga mo." Sagot ko din. Ang baho kasi ng bunganga niya.
Lalong namula sa galit ang kanyang mukha at nanlilisik rin ang mga matang nakatingin sa akin.
Tinaas niya ang isang kamao para sapakin ako. Kaya inangat ko rin ang isang binti at pinatama sa balls niya. Isa sa rules ko. Kapag hindi nakatakbo eh di makipagbuno.
Napahawak siya sa balls niya at napatalon-talon pa sa sakit. Naalarma namang bigla ang kanyang mga kasamahan.
Ako naman, kumuha pa ng tissue sa bag at pinunas kunyari sa aking luha at pinunasan rin ang ilong bago tinapon sa mukha niya. Yumuko ako ng bahagya at tinapik-tapik ang may puwetan tapos kumimbot-kimbot saka pa kumaripas ng takbo. Hinabol naman ako ng kanyang mga kagrupo.
Nakasalubong ko ang grupo nina Kenjie kasama nila sina Kiyo at Nizu. Si Clyden, wag nyo ng itanong. Nambabae pa siguro iyun.
"HEEELP!" Sigaw ko at nagtago sa likuran ni Nizu. Siya ring pagdating ng mga humahabol sa akin. Tumigil sila sa pagtakbo at kaharap na ngayon sina Kenjie.
"Nizu, tulong. Hinahabol ako ng mga patay. Patay na hininga, pati buhok at mukha." Sabi ko pa.
Kung napapansin nyo, simple lang ako kapag nagsalita. Pero tagos sa puso di ba? Nakakatouch siguro. Honest lang naman ako, bakit ba sila nagagalit?
"Ibigay nyo ang panget na babaeng yan para wala ng gulo." Sabi ng isa. Mga nasa sampu silang lahat. Samantalang anim lang ang nandiritong kagrupo ni Kenjie.
"Bakit? Irerecruit nyo ba ako kasi kasingpanget nyo ako?" Sagot ko naman.
Nagtawanan tuloy ang grupo ni Kenjie sa narinig na ikinainis pang lalo ng mga m******s na to.
Lalapit na sana yung isa pero humarang si Kiyo. Since galit din ang grupo ni Kenjie sa grupong ito, kaya ayan, nagsuntukan na sila.
Bahala silang magsuntukan dyan. Basta ako makaalis na. Ayaw kong masira ang beauty ko no. Saka pagkakataon na nong Kenjie para makaganti.
Umuwi na sa dorm ko. Nadaanan ko ulit si Girl na hinihila na palayo nong isa sa kagrupo ng humabol sa akin.
Aba! Nangongorner kanina ayos pa yon kunti. Pero hihilahin na at dadalhin sa liblib na lugar hindi na pwede kasi masama na ang ibig sabihin niyan. May masamang binabalak ang taong yan.
Bakit kaya hindi humihingi ng tulong sa ibang estudyante si Girl? Napatingin ako sa ibang estudyante na mabilis dumadaan sa ibang direksyon kapag nakikita ang lalaking ito.
Ah, isa lang ang ibig sabihin nito. Takot sila sa tulad niya. O baka naman takot sa mabaho niyang hininga?
Sinundan ko sila at mukhang nakita ako ni guy. Tumigil siya at tiningnan ako na may nagbabantang tingin.
"Hi!" Bati ko naman na nakangiti.
"Umalis ka na! Wag kang makialam dito." Sagot niya.
Tumingin naman si Girl at dito ko napansin na ang cute na lolita pala to. Natakpan kasi ang mukha niya sa mahaba at nagkagulo niyang buhok kaya di ko nakita.
"Bakit hindi? Kaibigan ko iyang hawak mo." Makatawag na kaibigan feel na feel? Ni di nga niya ako pinapansin sa dorm at nilalayuan pa niya ako palage kapag napapalapit ako sa kanya.
"Kaibigan?" Tanong niya sabay tawa.
"Alam mo ba na pet ko siya?"
"Pet? Manika siya tol. Manika. Hindi siya hayop kaya wag mo siyang tawaging pet mo. Sa ganda niyang yan. Mukha ka nga aso niya e." Sagot ko na ikinamula ng kanyang mukha sa galit.
"Ang sinumang makipagkaibigan sa pet ng isang estudyante ay magiging slave ng pet owner kaya kung kaibigan mo siya magiging slave kita." Sabi pa niya.
May ganitong rules ba sa paaralang ito? Wala akong alam. Ibig sabihin gawa-gawa lang ito ng mga estudyanteng lumalabag sa batas ng paaralan.
"Hindi ko siya kaibigan. Kaya wag mo siyang idamay." For the first time narinig ko rin ang boses niyang ang lambot at parang hinaplos ang puso ko a. Bakit di siya palasalita? Ang ganda kaya ng boses niya.
Kita ko rin ang pag-alala sa mga mata ni Maxine.
"Sasama na ako sayo." Sabi niya pa.
"Gusto mo talagang sumama sa kanya? Pano kung rereypin ka niyan. Naku! Baka magkakalahi ka ng half mukhang anghel at half mukhang diablo. Gusto mo ba yon. Tapos paglaki r****t din. Sige ka. Ikaw din. Di mo na makakasama ang love of your life." Mukhang may naalala siyang bigla saka pa muling nanlaban.
Kaya lang ni-chop ng lalaki ang batok niya at agad naman siyang nawalan ng malay. Lumapit naman ako sa kanila.
"Dalhin mo siya sa dorm namin." Utos ko.
"Sino kang utusan ako?" He sneered.
"At sa palagay mo palalampasin ko ang ginawa mo?" Dagdag niya pa.
"Gagawin kitang slave at siyang paglalaruan ng mga kagrupo ko. Kahit panget ka ayos naman ang katawan mo. Pwede paring pagtiyagaan." Sabi niya pa na nasa tapat ko na.
Hinayaan lamang si Maxine na nakahiga sa lupa.
"Ihahatid mo siya o bubugbugin kita?" Kalmado ko naman tanong.
Pinagtawanan lang ako.
"Matapang ka rin a. Gusto mo yatang maturuan ng leksyon." Akma niyang hawakan ang kuwelyo ko kaya naman iniwas ko ang aking katawan na hindi ginagalaw ang mga paa.
Saka hinawakan ang wrist niya at inikot ang kanyang braso. Sinipa ang isa niyang tuhod na ikinaluhod niya at ikinahiyaw sa sakit.
"Dadalhin mo siya sa dorm o babalian kita ng braso?" Nidislocate ko lang talaga ang braso niya. Ayoko namang pilayan siya habang buhay.
Umikot siya at ginamit ang isang paa para sipain ang binti ko. Binitiwan ko agad ang braso niya at umiwas sabay ikot ko at sinipa siya patalikod. Lumiad siya para di matamaan pero hindi niya naiwasan ang nakasunod kong kamao at tumama sa kanyang tiyan.
Tumilapon siya palayo at bumangga sa bulaklak sa pathway. Nilapitan ko siya at kinuwelyuhan saka hinila palapit kay Maxine.
"Dadalhin mo siya sa dorm o pitpitin ko ang kayamanan mo? Sabihin mo lang." Sabi ko at tinaas ang aking paa na handang tadyakan ang yamang pinakainiingatan niya.
"Iyan ang rason kung bakit ka nambabastos di ba? Kaya mas maganda sigurong pitpitin nalang para di na makatayo pa."
Agad naman siyang napatakip ng yaman.
"Oo na! Ihahatid ko na siya sa dorm niyo." Sabi niya agad.
"Okay. Dalhin mo na. Wag ka ng mag-isip ng paraan para gantihan ako ngayon. Kung gusto mong gumanti magpalakas ka muna." Sabi ko at tinapik-tapik pa ang kanyang ulo na parang nagpapaamo ng tuta.
Nagulat naman siya pero tinampal din ang kamay ko marealize ang ginawa ko.
Pinilit niyang tumayo at binuhat si Maxine pa-bridal style saka paika-ikang naglakad.
"Ops! Ingatan mong di siya masaktan. Dahil kapag nangyari yon ipapakasal kita sa aso kong si Killua. Nangangagat pa naman yon." Sabi ko pa.
Natapilok naman siya sa narinig. Grabe namang reaksyon to. Natawa nalang ako at sumabay ng lakad sa kanya.
Mahirap na kung maisipan niyang itapon ang babaeng to. Baka di ko pa masalo pag nangyari yon.