Chapter 12: Protective na kaibigan

1246 Words
Ilang sandali pa'y nagsibalikan na rin ang mga estudyante na sobrang sama ng mga tingin kay Hyemie. "Kaya naman pala malakas ang loob, bestfriend lang pala ng isang Clyden." Sabi ni Nazuki at nagtsk pa. "Sa dami ba naman ng gawin mong kaibigan isang mangkukulam pa. Kaya naman pala ang lakas mo sa labanan dahil may kaibigan ka palang mangkukulam." Sabi naman ni Deturi na halatang ginagalit lang si Clyden. At nakuha nga ang gusto dahil galit na napatayo si Clyden. Pinigilan naman agad siya ni Hyemie kaya napalingon siya sa dalaga na nakahawak na ngayon sa kanyang siko. "Ang mga tao hindi pumapatol sa mga hayop. So don't lower yourself to their level." Sagot ni Hyemie na nakataas-baba na naman ang isang kilay. "Pero minamaliit ka nila." "Mukha naman talaga akong mangkukulam, bakit ka nagagalit dahil don? Inaamin ko naman na may pagkamangkukulam ako e sila inaamin ba nilang may pagka-asal hayop sila?" Umupo naman ulit si Clyden at sina Nazuki at Deturi na naman ang namula sa galit. "Ano yung sabi mo? Bawiin mo yon." Galit na angal ni Nazuki at akmang lapitan si Hyemie pero humarang si Kiyo. "Babae lang ba pinapatulan niyo? Palibhasa mga duwag kayo. Bakit di nalang tayo pumunta sa battle arena kung gusto niyo ng away?" Sabi pa ni Kiyo. "Wow! Nakulam na nga kayo sa witch na yan at pinoprotektahan niyo pa." Sabad naman ni Ayumi na umupo sa ibabaw ng mesa ng guro at nagcross-legs. "Tsk! Clyden, sikapin mo lang na mabantayan mong mabuti iyang witch mong kaibigan baka magiging slave o pet din yan ng iba. Tandaan mo hindi lang kami ang dapat mong pagtuonan ng pansin." Sabi pa ni Deturi. "Baka matulad lang siya sa girlfriend ng talunan niyong boss." Dagdag naman ni Nazuki na tumawa pa. Kinuha ang bag at aalis na sana pero kinuwelyuhan siya ni Kiyo. "Hindi talunan ang boss namin." Galit na sigaw ni Kiyo sa mukha ni Nazuki. "Kundi pa bakit nagiging slave ng Fire dragon g**g ang girlfriend niya?" Nazuki said mockingly. Na lalong ikinagalit nina Kiyo at ng iba pang miyembro ng Dark Angels. Itinaas ni Kiyo ang kamao para sana sapakin ang lalaking nanglait sa lider nila nang may nagsalita. "Tama na yan." Cold na sabi ng bagong dating. Kaya napalingon sila sa may pintuan at nakita si Kenjie na may putok sa labi. "Tama na daw yan Kiyo. Wag mo na masyadong pinapababa ang sarili mo sa level ng mga manok na walang ibang alam kundi ang pumutak." Sabi naman ni Hyemie. "Kaya bitiwan mo na yan at magrelaks ka." Dagdag niya pa na parang nagpapaamo ng batang nagtatantrum. "Oo nga no? Bakit ko ba pinapatulan ang isang manok lang na katulad mo?" Tumango-tango pang sabi ni Kiyo at binitiwan agad si Nazuki. Umasim namang lalo ang mukha ni Nazuki. Si Jinxiu at ang ibang miyembro ng Dark Angels g**g na nagsipasukan ng muli sa loob, ay nagpipigil naman ng tawa. "Ano nga ulit tawag sa taong putak ng putak?" Tanong pa ni Jinxiu sa mga kagrupo. "Manok tol. Manok!" Sabay-sabay pa nilang sabi at nagsitawanan. Si Nazuki naman hindi na mahitsura ang mukha sa tindi ng galit. Tiningnan ng masama si Hyemie at tinuro pa ang dalaga. "Ikaw!" "Tama na yan." Pampakalma ni Deturi at hinila na ang kaibigan palabas. Babanggaan sana nila si Kenjie pero nang makita ang matalim nitong tingin bumalik sila at dumaan sa kabilang pintuan. "Tatapang-tapangan pa, takot din naman." Sabi pa ni Kiyo at tiningnan si Nizu na katabi niya. "At ikaw! Bakit di ka pa sumama sa kagrupo mo? Alis na nga!" Taboy pa nito kay Nizu. "Sinong may gustong magpaiwan kasama ang tulad mo?" Marahas na naglakad si Nizu sa kanyang upuan at kinuha ang bag saka padabog na lumabas. "Kagrupo pala ni Nizu yung mga yon?" Tanong ni Hyemie. "Akala ko bestfriend mo siya Kiyo?" "Sinong kaibigan ng panget na yon? Hinding-hindi yon mangyayari." Galit na sagot ni Kiyo. "Palaging magkaaway ang dalawang yan. Parang mga aso't-pusa kung magkasama pero di naman naghihiwalay. Wag mo ng pansinin ang dalawang yan. May bromance love quarrel lang sila." Tukso naman ni Clyden na lalong ikinapula sa galit ni Kiyo. "Anong bromance pinagsasabi mo ha. Putik! Hindi ako bakla." Sinipa ang upuan ni Clyden. Tinawanan lamang siya ni Clyden na lalong ikinagalit niya. "Kenjie, napano yang labi mo? May laban ba? Bakit di mo pinaalam sa amin?" Tanong naman ni Alviy makita ang lider nilang may putok sa labi. Dito napansin ng grupo ang putok sa labi ng lider nila. Kaya naman pala hindi ito pumasok. Inaakala pa naman nila na natutulog na naman sa kung saan o ba kaya'y sinundan na naman ang gf niya. Si Kenjie naman nakatuon ang tingin sa papaalis na si Hyemie kaya napatingin ang buong grupo sa dalagang dahan-dahang naglakad patungo sa kabilang pintuan. "At saan ka naman pupunta ha?" Cold na tanong ni Kenjie kay Hyemie. Si Hyemie naman nag-freeze bigla. Lumunok muna ng laway saka dahan-dahang lumingon at ngumiti ng matamis. "Boss, nandiyan ka pala? Di kita nakita." Nakangiti niyang sabi na halatang pilit. "Boss?" Nagtatakang tanong ng bawat-isa sa Dark Angels g**g. Nakapamulsang nilapitan ni Kenjie si Hyemie. Agad lamang humarang si Clyden mapansing galit ang lider nila sa kababata niya. "Kei! Ako na ang humihingi ng paumanhin kung may nagawa mang kasalanan si Hyemie." Sabi niya na hinarang ang sarili para di makalapit si Kenjie sa dalaga. "Umalis ka diyan." Utos ni Kenjie pero hindi kumilos si Clyden. "Ipangako mo munang hindi mo sasaktan si Hyemie." Napakunot ang noo ni Kenjie. "Sinong maysabing sasaktan ko siya?" "E di ba? Bakit kung makatingin ka kasi parang gusto mo ng kumain ng tao." Sagot ni Clyden. "Isusuli ko lang yung pera ko. Di naman niya ako binilhan ng pagkain kanina." Sagot niya na ikinanganga ng mga kaibigan. Inaakala pa naman nila na sasaktan nito si Hyemie dahil sa sobrang sama ng tingin nito. Pumagilid naman agad si Clyden pero pagkaalis niya wala na don ang dalaga at may iniwan lang na pera sa sahig. "Nasaan na yon?" Napatingin sila sa labas ng bintana mapansing may kumakaway sa labas. At nakita nila si Hyemie na kumakaway sa gawi nila bago muling tumakbo palayo. Nagkatinginan tuloy ang magkakaibigan. "Clyden. May anting-anting ba ang kaibigan mo? Pwede makahingi?" Tanong agad ni Alviy pero nasapok sa ulo. "Anong anting-anting iyang pinagsasabi mo?" Nandidilat ang matang tanong ni Clyden. "Baka may lahi nga silang mangkuku—" di natuloy ang sinasabi makitang tumalim ang tingin ni Clyden. "Biro lang naman. Ito naman di na mabiro." Sabi ni Alviy at agad ng nagpaalam na umalis. Takot lang masapak. Sa isang sulok naman nanonood lamang ang black rose g**g sa grupo nina Kenjie. "Alamin niyo ang background ng witch na yon. Sumasama talaga ang kutob ko kapag nakikita ko siya." Sabi ni Ayumi. "Nakita niyo ba ang mga mata niya? Blue. Tapos ang buhok parang walis, kundi siya mangkukulam e ano?" Sabi naman ni Luna. "Naka-desguise!" Sagot ni Samantha. "Ako na ang aalam. Forte ko yon e. Saka marami akong koneksyon kaya ako na ang bahala." Sabi naman ni Sheena. "Kaibigan ni Clyden si Kenjie at best friend ni Clyden ang witch na yon. Kaya maaaring may koneksyon ang witch o si Clyden sa hinahanap ko." Sabi pa ni Ayumi. Tinapunan saglit ng tingin ang grupo nina Kenjie bago lumabas ng classroom kasama ang kagrupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD