Chapter 11: Best weapons

1524 Words
Third person's point of view "Slave na kita ngayon kaya bilhan mo ko ng makakain." Sabi ni Kenjie. Napakunot ang noo ni Hyemie at naningkit ang mga matang nakatingin kay Kenjie. "Wag mong sabihing hindi ka pa kumakain?" Tanong pa ng dalaga. "Bakit ka kasi tumakbo? Hinanap kita sa kung saan-saan kaya kasalanan mo kung bakit ako hindi nakakain." Paninisi ni Kenjie sa kanya. "Aba naman. Ako pa sinisi? Bakit kasi kung magsalita kanina parang na akong kakainin? Sinong di matatakot sa ganon? Syempre tatakbo ako. Kaysa naman maghihintay akong mapahamak di ba? Mas mabuti ng tumakbo." Sambit ni Hyemie sa isip habang sinasamaan ng tingin ang lalake. "Pero di bale na. Poprotektahan naman daw niya ako e. Masubukan nga natin." Napangiti pa siya maisip na may magpoprotekta sa kanya at tumango-tango. Inilahad niya ang kamay sa tapat ni Kenjie. "Para saan yan?" Tanong ng lalake na nakatagpo na ngayon ang mga kilay. "Sabi mo bilhan kita ng pagkain? Akin na ang pera mo." Sagot ni Hyemie na nakangiti. Tiningnan naman ni Kenjie ang kanyang maputing palad. "Malinis at maputi naman ang palad niya. Ang ganda pa ng kamay. Pero yung siko namumula na nangingitim sa pagkasunog sa araw." Natigil sa pag-iisip dahil may humampas sa tuktok ng kanyang ulo. Tiningnan niya ng masama si Hyemie kasi hinampas sa kanya ang nakalahad na palad kanina. "Alam mo bang wala pang nakakagawa sa akin ng ganon?" Tanong niya pa sa dalaga. "E di ngayon meron na. Congrats tol." Tinapik-tapik ang likod ng lalake na lalong ikinatalim ng tingin nito sa dalaga. "Hindi ba talaga siya natatakot sa akin? Bakit di siya nai-intimidate sa akin?" Nasanay na kasi siyang kinatatakutan, iniiwasan, tinitingala at hinahangaan naman ng ilan. Mababae man o lalake, nauutal sila kapag kinakausap nila si Kenjie. Yung iba naman nai-intimidate sa kanyang presensya. Ni hindi rin siya matingnan-tingnan diretso sa mata. Kadalasan nanginginig sila sa takot kapag sinasamaan niya ng tingin. Kahit masama man ang ugali niya sa paaralan, hinahangaan at tinitingala parin naman siya ng mga kababaihan. Iyon ay dahil sa gwapo niyang hitsura na talo pang artista. Magaling din siya sa basketball, higit sa lahat, anak siya ng may-ari ng school. Pero ang panget na ito, kaya siya nitong titigan ni di man lang naiilang? Di rin natatakot sa mga matatalim niyang tingin at ito pa hinampas pa ang ulo niya na kala mo matagal na silang magkakilala. Gusto niyang magalit pero di niya alam kung bakit mukhang may humaplos sa puso niya. He felt warmth in his heart and a familiar feeling that he can't guess what is it. Lalo pa nang makitang blue pala ang kumikislap na mga mata ni Hyemie. "Wag mo kong titigan. Baka iisipin kong may gusto ka sa akin. Ew lang." Sabi ni Hyemie at nagkunwari pang dumura. "Ako ini-ew mo lang? Ako nga dapat mandiri sayo." Sagot ni Kenjie at tinuro pa ang noo ni Hyemie. "Ano? Magpapabili ka ng pagkain o hindi? Kung hindi aalis na ako." Tatalikod na sana ang dalaga. "O ito na. Bili ka ng masarap na pagkain. Kahit ano basta masarap." Utos nito at nag-abot ng papel na pera. "Okay. Tara na!" Sabay hawak sa wrist ni Kenjie at hinila. "Bitiwan mo nga ako. Ba't mo ko isasama?" Pilit na tinatanggal ang kamay ni Hyemie kaso parang may pandikit na ayaw matanggal. "Paano mo ako mapoprotektahan kung di kita kasama? Susundin ko lang ang utos mo kapag kasama kita. Kapag hindi, walang slave at walang protector." Sagot ni Hyemie. Pero maya-maya pa'y biglang napangiti ng matamis. Nagtaka pa si Kenjie kung bakit biglang ngumiti si Hyemie habang nakatingin sa isang direksyon. "Woaah! Ang wafu non. Lika, sundan natin." Sabi pa ni Hyemie at hinila na si Kenjie. "Ano ba. Bitiwan mo nga ako." Marahas niyang piniksi ang wrist na hawak ni Hyemie para matanggal ang kamay nito sa balat niya. Binitiwan naman agad siya ni Hyemie na bigla na lamang tumakbo palayo. Sinundan niya ang dalaga na tumakbo. Naabutan niya itong nagdedreamy face pa habang nakayakap sa isang poste at nakasilip ang mukha sa isang direksyon. "Ang gwapo niya talaga." Sambit ni Hyemie. Isang lalakeng galing sa class B pala ang sinundan nito. "Iyan gwapo? Mas gwapo pa nga ako diyan e." Sambit ni Kenjie at sinuri kung saang parte ng mukha ng lalake ang mas nakakalamang sa kanya kaso wala e. Mas gwapo talaga siya. Iyon ang feeling niya. Hindi siya pinansin ni Hyemie at sinundan na naman ng dalaga ang heartthrob ng class B. Si Kenjie naman na di pinansin binanggaan ang dalaga na ikinasubsob ni Hyemie sa bulaklakan sa may gilid ng pathway. "Aray!" Sambit na lamang ng dalaga at agad binalingan ng tingin si Kenjie na naglalakad na ngayon palayo. Nakapamulsa pa na parang wala itong ginawang mali sa kanya. Kumuha siya ng maliit na bato at binato sa lalakeng sinusundan niya kanina. Hindi si Kenjie na siyang may kasalanan sa kanya ang binato niya kundi ang crush niya. "Aray! Ang sakit!" Ungol nito at nagpalingalinga. Halatang hinahanap kung sino ang bumato sa kanya. Napagawi ang mga mata nito kay Hyemie. Ang ginawa naman ni Hyemie ay tinuro ang papalayong si Kenjie. Kaya mabibigat ang mga hakbang na agad nilapitan ng lalake ang nakatalikod na si Kenjie at sinapak. Nagalit naman si Kenjie kung bakit bigla siyang sinapak, kaya gumanti rin ito. Si Hyemie naman napakamot sa ulo. Biruin mo. Wala man lang daw kasing tanong? Sapak na agad? "What's your problem dude!" Galit na tanong ni Kenjie at nagpaulan narin ng suntok. Sa pagkakaalam niya wala pa siyang atraso sa lalaking ito pero bigla nalang siyang sinapak. Naiiwasan naman nong class B ang mga suntok niya. Kaya pala hindi ito takot sa kanya dahil may ibubuga din naman. Si Hyemie naman, pawhistle-whistle pang naglalakad palayo. Habang pinipigilan ang ngiti sa labi. Magwa-one pm na bago siya bumalik sa classroom. Iniwasan niyang makaagaw ng atensyon sa kanyang mga kaklase dahil ayaw niyang mapagtripan. "Maxine. Dinner tayo mamaya. Subukan mong tumanggi at hahalikan kita." Sabi ni Nazuki miyembro ng black flame g**g sa matakutin at tahimik na ai Maxine. "Pare, nahawakan ko ang legs niya." Sabi naman ni Deturi na umaaligid kay Dessa. Yung Dessa parang naiiyak na sa takot, inis at galit. Pagdating ng guro nila, kanya-kanya silang balik sa kani-kanilang pwesto. Nagbebusy-busy-han narin para di mahuling may pinagtripan na naman. Takot sila sa bago nilang mga guro ngayon dahil hindi ito takot mangbugbog ng mga estudyante. Wala namang umangal na mga magulang sa pamamalakad ng mga bagong guro nila ngayon. Kaya kung ayaw nilang mabugbog, kailangan nilang magpakabait. Pagkaalis ng pagkaalis ng guro, nilapitan ni Kimura si Hyemie. "Akin na ang wallet mo." Maangas nitong sabi. "May hitsura sana pero pulubi pala." Sabi naman ni Hyemie. Sinamaan siya nito ng tingin ni Kimura. "Ibibigay mo o bubugbugin kita?" Banta pa nito. "Namamalimos na nga lang nagbabanta pa. Tsk." Dinukot na lamang ni Hyemie ang bulsa at nagkonseyntreyt pa itong hinila. Pagkaalis ng kamay sa kanyang bulsa, siya ring pag-utot niya na ikinawindang ng lahat dahil sa baho nito. At dahil maaarte, nagsipagtakbuhan ang mga estudyante palabas. May dumungaw agad sa bintana para sumagap ng preskong hangin. Ayaw nilang mahilo o ba kaya malagutan ng hininga. "Utot lang pala ang katapat niyo eh." Bulong niya sa sarili habang nakangiti. May tatlong pinakadabest weapon kasi siya para sa mga laban. Ang pinakauna ay paa. Paa na sa halip sumipa ay ginagamit niya sa pagtakbo. Hindi na daw siya masasaktan, di pa magasgasan ang pinakamamahal niyang balat. Pangalawa ay bomba. Bombang galing sa tiyan. Pampahilo ng kalaban. Utot for short. At ang panghuli, kapag di na talaga madala sa takbuhan, akitin nalang. Beauty or charm. Pero kung di na talaga makaya ng tatlong technique na ito, iisa lang ang gagawin niya. Magtago nalang. Iyan ang alas niya para manalo sa bawat labanan. Sinasabi man ng iba na ito ay kaduwagan, pero para sa kanya ito ang pinakamabisang paraan. Kapag wala paring silbi ang pinakahuli saka pa siya lalaban ng harapan. "Miss Olivar, naligo ka ba? Ba't ang baho?" Tanong pa ni Kiyo na ipinapaypay ang palad sa may ilong. "Akala ko si Kiyo lang ang mabaho ang utot, pati ba naman ikaw?" Sagot naman ni Nizu. "Huy! Hindi kasing baho nito ang utot ko." Angal ni Kiyo. "Ano? Pabanguhan kayo ng utot? Kadiri kayo." Sabi ni Jinxiu. "Si Hyemie o." Turo naman ni Kiyo kay Hyemie. "Bakit ako? Kasalanan ko ba kung inamoy niyo ang tinapon ko na?" Sagot niya na nakatakip rin sa ilong. Ngayon lang yata ganito kabaho ng utot niya. Di niya to inaasahan. "Kailan pa kayo nagiging close ni Kiyo Hyemie? Bakit di ko yon alam?" Angal ni Clyden. "O, ikaw yung palaging wala kaya wag mo kong sisihin kapag magkaroon ako ng bagong bestfriend." Sagot ni Hyemie at inirapan ang bestfriend. Sinamaan naman ni Clyden ng tingin si Kiyo at umupo sa tabi ng Hyemie. "Wag na wag kang makipagkaibigan sa mga kaibigan ko, mga sira-ulo ang mga yan." Sabi pa niya at humalukipkip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD