====
Second day ng pagiging slave ni Hyemie dinala siya ni Daezel sa headquarter ng fire dragon g**g.
"Ano ba naman yan. Ang dumi naman nitong tagpuan nyo! Samantalang sobrang linis ng inyong classroom, kabaligtaran pala rito." Sinipa pa ang isang empty coke in can na nakakalat sa sahig.
"Huy, ikaw walisan mo to!" Sabay turo kay Eram na ikinakunot ng noo nito.
"Ano!" Halos pasigaw nitong sagot na halatang di makapaniwala. Sila ang boss kaya sila ang dapat ang mang-utos.
Handang-handa pa naman siyang makitang naghihirap si Hyemie sa paglilinis tapos pagpasok ng pagpasok siya agad ang inutusan?
Saka sinadya talaga nilang magkalat para pahirapan si Hyemie dahil naiinis sila rito. Di ba naman kasi nila mautos-utusan e slave na nga di ba?
"Ikaw Herrel, maglampaso ka! Ang gwapo-gwapo nyo ang dudugyot niyo naman. Ikaw Carten magmop ka. Saka ikaw Daezel, ilagay sa basurahan ang mga basura." Utos niya sa mga ito at isa-isa pang tinuro.
"Teka nga lang. Wag mo nga kaming utusan. Kaya ka nga namin pinapunta rito para maglinis. Tapos kami ang uutusan mo?" Sagot ni Carten na nakatagpo ang mga kilay.
Dinumihan pa naman nila ang sahig at may mga ibinuhos pa silang mga mababahong basura dito.
"Ikaw kaya ang slave dito kaya kami ang dapat mang-utos sayo." Sagot naman ni Eram.
"Slave? Utot niyo mga pre. Kalat nyo kaya yan kaya kayo ang dapat maglinis." Sagot naman ng dalaga.
"Maglinis ka na kung ayaw mong pahirapan ka namin dito." Banta naman ni Daezel.
"Ah, ganon. Ayaw nyo akong tulungan?" Tanong niyang patango-tango pa.
Tapos biglang ngumiti ng sobrang tamis. Yung apat naman, sabay pang nag never. Pero ilang saglit pa'y......
"Ngayon ano na? Maglilinis na kayo?" Nakangiting tanong ng dalaga.
"Pagalawin mo ako ano ba!" Sigaw ni Daezel. Ni-pressed kasi niya ang mga pressure point ng mga ito. Hindi kasi nila inaasahan magagawa niya ang ganoong bagay.
"A-anong ginagawa mo?" Galit na tanong ni Daezel. Ilang sandali pa'y......"pagalawin mo ako kung gusto mo pang mabuhay."nagtransform na talaga ito.
Pulang-pula na ang mukha sa sobrang galit. Yung tatlo naman niyang mga kasama natatawa.
Pero nanlaki rin ang mga mata dahil pati sila hinubaran din ng dalaga. "Wag mo kong reypin." Angal naman ni Herrel.
"Ano na? Maglilinis na kayo o ilalaglag ko sa baba ang mga damit nyo." Nakangising banta ng dalaga.
"Papatayin talaga kita kapag nakagalaw ako." Bantang muli ni Daezel. Ngiti lang ang sagot ng dalaga.
"E di bahala kayong mamamatay dyan." Akmang lalabas sa silid na iyun.
"Syet! Oo na. Maglilinis na!" Ang panabay nilang sabi.
Nilagay ng dalaga sa labas ang mga damit nila.Saka ito bumalik at unang pinagalaw si Herrel. Pinagalaw naman ni Herrel si Daezel at ang dalawa pa.
Inatake naman agad ng lider ang dalaga pero nakakaiwas din naman. "Isang atake pa't lalabas ka ng walang damit." Napatigil naman si Daezel sa pagsipa at suntok kay Hyemie. Bahagya pa nga siyang nagulat dahil sa bilis nitong kumilos.
Sinipa niyang muli ang dalaga pero lumiad lang ito.
"Uy, sumasayaw si Junior." Tukso ni Hyemie saka naalala na nakahubad nga pala siya.
Agad tinakpan ang kayamanan at nagngingitngit na nakatingin kay Hyemie. Ngiti lang ang ganti nito sa kanya.
"Paano kapag pagsamantalahan ka namin dito? Mag-isa ka lang at babae pa. Tapos kasama mo ang limang mga nakahubad na lalake. Sa palagay mo anong mangyayari sayo?" Sabi ni Eram.
"Teritoryo namin to at ang lakas ng loob mong hubaran kami. Wag mo ng isipin kung makakalabas ka pa ba dito." Insulto kasi para sa kanila na babae lang tapos wala man lang silang kalaban-laban? Babae lang to. Babae. Tuturuan nila ito ng leksyon.
Aatake na sana ang tatlo pa na agad namang dumistansya sa kanila si Hyemie para hindi mapaligiran.
Nasa may pintuan na siya kasi balak niyang tumakas kapag pakiramdam niya ay matatalo siya sa laban. Di naman kasi niya alam ang mga tunay na lakas nila.
"Subukan niyong umatake at kayo ang kukuha sa mga damit niyo sa labas. Saka sinong maysabing gawin niyo akong alipin?" Nilabasan pa sila ng sila.
"Saka, kala niyo kaya niyo ako? Come on. Try me." Inisa ang isang hintuturo gesturing them to come.
Si Kevin ang unang lumapit at inatake si Hyemie. Binigyan niya ng isang sucker punch ang dalaga na mabilis naman inilagan ni Hyemie kasunod non ang isang malakas na hiyaw.
Napahawak naman sa mga kayamanan sina Daezel at siyang napangiwi para kay Kevin. Si Kevin naman nagpagulong-gulong sa sahig sa sobrang sakit na nararamdaman.
"Ano yung sabi niyo? Pagsamantalahan ako? Pero siguraduhan niyo lang na kaya pang tumayo niyang kayamanan niyo pagkatapos kong pitpitin." Nakapamaywang niyang sabi.
......