Hyemie's point of view
Dinala ako ni Daezel sa compound nila. Kahit pala sa loob ng school na to may mga compound ang bawat grupo ng mga estudyante. Malaki ang bahay ng Fire dragon g**g leader. Para na siyang mansion. Yung bahay ng iba nasa loob din ng compound na ito.
"Linisin mo ang lahat ng silid ng bahay na ito." Utos ni Daezel.
"Maglinis? Yayain mo nalang kaya akong makipagsuntukan kaysa papaglinisin nitong bahay mo!" Nakasimangot kong sabi.
Mag-araro alam ko pa, kaysa maglinis ng bahay. Papagtanimin nalang ako ng mais, palay o mga gulay, di ko yan aatrasan. Pero ang magwalis at magmop, palagi ko yang tinatakbuhan. Nakakatamad kasi. Wala akong maani riyan. Buti sana kung mamumunga ng pera. Tama! Pera!
"Maglilinis ako, pero may bayad." Nakangiti kong sagot.
"Aba! Slave ka na nga, demanding ka pa." Sagot niyang nakasimangot.
"Ayaw mo e di—" ano naman kumg di ako susunod? Maglalaban ba kami sa battle arena o eexpel niya ako? Di naman ako takot kapag nangyari ton.
"Haist! Oo na. Siguraduhin mo lang, malinis na malinis."
"O ba!" Masigla kong sagot. "Saan yung walis nyo rito?" Tanong ko pa.
Nagwalis na muna ako bago magmop. Malinis narin naman ang mga bintana niya.
"Boss, pausod nga nitong mesa." Ehem! Wag kayong maingay, nang-uutos ako.
Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo at inusod ang mesa. Agad ko naman itong winalisan.
"Boss, pwede paabot nong mop? Pakuha narin ng tubig ha!" Inabot naman niya at kinuha rin ang timba at akmang aalis pero napatigil sabay tingin sa akin ng masama.
"Huy!" Sabay bagsak ng timba sa sahig. "Bakit ako ang inuutusan mo?"
Nakasigaw na nga, duruin pa ang noo ko? Di ba pwedeng magreklamo lang? Tsk!
"Kung ayaw mo di wag kang sumunod! Di naman kita pinipilit eh." Sagot ko at umirap.
Napapaypay pa ako sa mukha dahil ang init na ng pakiramdam ko kahit may electric fan naman. Ayokong aircon ang i-on niya kasi manginginig talaga ako sa lamig. Baka sipunin pa ako. Di naman kasi ako sanay mag-aircon. Pero kapag natural na hangin o natural na lamig ayos lang sa akin.
Tinanggal ko na nga lang ang fake hair na to. Ang init-init na talaga eh. Total alam naman na nilang iba talaga ang tunay na kulay ng aking buhok. Kapag kasi sa probinsya palagi akong inaasar ng mga kaklase ko dahil sa hindi kulay itim ang aking buhok. Palage nila akong tinatawag na Amerikanang pula.
Kapag kasi nabibilad ako sa araw, namumula lang ako. Saka kapag nasisinagan ng araw ang buhok ko, kumikinang ang silver na highlight sa dilaw kong buhok kaya tinutukso nila akong matanda. Ibang-iba kasi ang beauty ko sa kanila. Kadalasan kasi sa mga tao at mga bata doon mga kayumanggi ang mga balat at itim ang mga buhok. Kaya ako na naiiba sa lahat ay palaging napapansin.
Tinapon ko sa may sofa ang wig na suot ko at tinalian ng necktie yung tunay kong buhok. Wala kasi akong pangtali. Hanggang balikat lang naman siya. Pinutulan ko nga kasi para di lalabas sa wig ko.
Napalingon ako kay Daezel na nakatitig sa akin.
"Makatitig ka naman, para kang nakakita ng dyosa!" Nagtsk! Lang siya sa sinabi ko at iniharap ang sarili sa ibang direksyon.
Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Walis. Walis. Tapos, punas at walis na naman saka mop.
Nangangalay na ang mga braso at likod ko ah. Tiningnan ko si Daezel na nanonood ng TV.
"Uy, boss. Ikaw nga muna. Masakit na ang likod ko eh." Tiningnan niya ang mop na hawak ko bago tumayo at kinuha iyun mula sa akin.
Ako na muna ang umupo at siya na naman ang nagmop sa sahig. "Ayun pa oh!"
"Bilisan mo naman!"
"Meron pa sa may gilid!" Bayaan nyo na. Pinagtitripan ko lang talaga siya. Abot-tenga nga ang ngiti ko eh.
"Teka, lang. Bakit ako na naman ang kumikilos rito, ha?" Reklamo niya at pinamaywangan pa ako. Bakla ba to?
"Exercise yan, noh. Exercise!" Sagot ko naman.
Nagmop naman siyang muli.
"Uuuy! Ang cool mo pala tingnan kapag nagmamop. Kahit pawisan ka na ang hot mo paring tingnan. Halata ngang naiinitan ka narin." Itinutok ko pa sa kanya ang electric fan.
"Ginagawa mo?" Nakasimangot niyang tanong pero namumula.
"Pinapahanginan ka. Bakit, ayaw mo?" Inirapan lang ako.
Isinandal ko na lamang ang aking likod sa backrest nitong inuupuan ko at umidlip. Kapagod talagang maglinis. Sa bahay kasi namin sa probinsya, mas gusto ko pang sumama kay papa sa bukid kaysa maglinis ng bahay. Buti pa kasi sa bukid, maari pa akong sumakay ng kabayo o kalabaw. Tapos maliligo sa batis at mamingwit ng mga isda sa ilog.
Hay, bigla kong namiss ang buhay ko don sa probinsya. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
====
Nagising ako sa tunog ng alarm clock.
Ang ingay naman ng alarm clock na to. Gusto ko pang matulog eh. May mabango kasi akong kayakap. Isinubsob ko ang aking mukha rito at niyakap ng sobrang higpit.
Pero..... Sandali lang! Sa pagkakatanda ko, wala akong katabi. Bigla akong napadilat. Syet! Ano to? Dibdib? Pinukpok ko ito gamit ang isa kong kamao. Matigas! Kuso ng mga mata at tingin ulit. Dibdib nga.
Tumingala ako nang malaman kung sino itong hudeyong kayakap ko. Napaawang na lamang ang bibig ko makitang si Daezel pala ito.
Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at mabilis na bumangon. Umungol naman siya at "ano ba? Sarap na ng tulog— gising ka na pala?" Mukhang nagulat din siya at agad napabangon.
"Kaninong kwarto to? Di ba nasa sala ako nakatulog?" Nakakunot ang aking noong nakatingin sa kanya. Magulo ang kanyang buhok at pipikit-pikit pa. Cute pala ang lalakeng to?
"At ba't ka nakahubad? Seriously? Kaya mong matulog ng nakabrief? Buti di ka nasobrahan ng hangin dyan."
"Ayaw mo ng may aircon di ba? Ang init kaya pag walang aircon." Sabay tingin sa tatlong electric fan sa kwarto. Tatlo na nga ang electric fan tapos sasabihin pa niyang mainit. Grabe naman to. Tumayo na lamang ako para makabalik na sa aking dorm.
Mukhang kailangan ko ng magtraining ulit. Di man lang kasi ako nagising nang buhatin ako ni Daezel? Masyado ba akong tiwala sa lalaking to? Malala na to. May pagkamanyak pa naman ang isang to. Nananayo pa ang mga balahibo ko maisip na may nahawakan siyang di dapat.
"Di mo man lang ba itatanong baka may nangyari sa atin?" Tanong niya na sinabayan pa ng hikab.
"Nangyari? Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko naman. Bakit ba kasi kailangan ko pa yung itanong.
"Tsk! Wala." Nakasimangot niyang sagot.
"Akala ko pa naman, sinapak kita habang natutulog ako." Sagot ko. Siya naman, binigyan ako ng nalilitong tingin.
"Yan lang reaksyon mo? Nagising kang may katabi ng lalake tapos yan lang ang reaksyon mo?" Di makapaniwalang tanong niya.
"Kailangan pa ba may exaggerated na reaksyon. Ano, pina-OA style lang ganon?" Para magising lang na may katabi, big deal na ba yun?
Saka impossible naman di ako magigising kapag ginawa niya ang mga bagay na katulad sa nakikita ko sa TV.
"Di mo man lang itanong na baka pinagsamantalahan kita na baka nag- ano tayo?" Tanong na naman niya.
"Na nagkatabi tayo? Na baka minanyak mo ako? Wag na. Di naman ako ang maglalaway e."
"Tsk! Slow." Inirapan pa talaga ako. Bakla yata to e.
"Mabilis kaya akong tumakbo. Ako pa." Sabihin ba namang slow ako.
Palage nga akong first place sa paligsahan sa pagtakbo don sa pobinsya. Isa nga kasi akong dakilang runner. Pati nga gawaing bahay, tinatakbuhan ko.
"Sige alis na!" Tinaboy pa ako. Makalabas na nga sa kwartong to. Buti nalang at di pa gaanong maliwanag. Nagugutom na ako. Kasalanan to ng Daezel na yun.
Bakit kasi ako pinagod?
...