Hindi maiwasang makaramdam ng tuwa ang puso ni Hyemie dahil kahit na bago lang niya nakilala ang mga kaibigan ni Clyden pero pinoprotektahan na siya ng mga ito. Narealize niyang hindi naman pala sila ganon kabadboy at di rin sila bumabase sa hitsura ng iba. Kinakaibigan nila ang isang tao hindi sa panlabas na anyo na nito.
Alam niyang mahalaga sa kanila si Ashiera pero hindi nila ipagpapalit ang buhay ng iba para mailigtas ang buhay sa mga taong mahalaga sa kanila.
"Malapit na ang battle of the class, maibabalik rin namin si Ashiera kaya di mo na kailangan pang maging substitute." Sabi naman ni Nizu.
Minsan talaga naitatanong ni Hyemie kung sino ba talaga ang kaibigan ni Nizu? Ang Dark angels ba o ang black flames? Miyembro siya ng black flames pero hindi naman humihiwalay sa Dark angels g**g.
"Malapit na nga di ba? Kaya magiging ayos lang ako. Galingan niyo nalang sa final battle, maghihintay ako." Sabi ni Hyemie at ngumiti. Tunay na ngiti na walang halong kapilyahan at walang halong binabalak na kababalaghan.
Nilingon niya ang Fire dragon g**g saka niyaya ng umalis sila.
Tara na!" Yaya niya sa mga ito. Tuamngo naman aina Herrel at Daezel at sabay na silang umalis.
"Hay, sa wakas, wala na taong witch dito." Sabi pa ni Zature.
Nagtatalon naman sa tuwa yung iba. Si Keith naman nakatuon ang pansin kay Ashiera. Habang si Ashiera hinihintay na tawagin siya ni Kenjie pero nakayuko lamang ang lalake.
Ipinasok na lamang siya ni Jinxiu kaysa naman magmukha siyang posteng nakatayo sa may pintuan. Ang inaakala ni Ashiera ay magtatalon din sa tuwa si Kenjie dahil sa wakas nakalaya na rin siya sa pagiging slave. Pero iba ang nakikita niya. Kaya hindi nila maiwasang masaktan kaya naman napayuko na lamang siya.
"Ikaw! Bakit di ka pumirma?" Sabay turo ni Deturi kay Maxine. Isa kasi siya sa mga hindi pumayag na galing substitute si Hyemie kay Ashiera.
"Hindi ko kinakagat ang kamay ng nagpakain sa akin." Sa ibang pagkakatong sumagot si Maxine. Sa ibang pagkakataong inangat niya ang tingin at nakipagtitigan.
"Mabait siya at minsan na niya akong pinoprotektahan. Wala siyang ginawang masama sa akin kaya bakit ko siya ipagkakaluno?" Matapang niyang sagot.
Naiinis kasi siya. Pinipilit kasi nilang pirmahan niya ang slave contract na iyon. Naiinis siya dahil gustong-gusto ng mga kaklase niya na umalis si Hyemie sa klasrom nila. At sinasabi pa nalang nararapat itong pahirapan at mas nababagay kay Hyemie ang magiging isang slave dahil panget siya.
Tanging ang mga kaibigan lamang ni Clyden ang hindi pumirma at ang dalawang babaeng kaklase nila. Na alam niyang minsan na ring ipinagtanggol ni Hyemie. Maraming nagagalit kay Hyemie iyon ay dahil sa ioinagtatanggol niya ang mga estudyanteng inaapi ng iba. At isa na rin sa mga naipagtanggol niya si Ashiera.
Pero bakit pumayag itong galing substitute si Hyemie? Kung talagang mabait siya hindi nila dapat ipinagpalit sa posisyon niya ang taong nagligtas sa kanya. Para lang sa kalayaan handa niyang talikuran ang taong minsang tumulong sa kanya? Saan ang kabaitang ipinapakita niya? O nagbabait-baitan lamang siya?
"Aba. Lumalaban ka na? Kinulam ka rin ba ng witch na yon?" Sabi pa ni Deturi.
Tumayo naman si Maxine at lumabas na ng silid.
Oras na ng klase kaya naman pumasok na si Teacher Fumie. Kaya lang bakit halos kalahati ng mga estudyante niya ang absent? Nasaan ang Dark angels g**g? Ang nandito lang ay ang Black flame at ang black rose g**g.
Napatingin si Hyemie sa magiging bagong classroom niya. Sobrang linis ng paligid kabaliktaran sa sa class D. Kabaliktaran ang class 11-A sa class 11-D. Dahil sa class D puro kalokohan lamang ang mga Ginagawa tuwing walang guro o sabihin na lamang natin tuwing wala si Teacher Fumie.
Samantalang mga grade conscious naman ang nasa class A na ayaw malamangan ang bawat isa. Dito nagpapataasan sila ng grades. Ginagawa ng lahat para maisali sila sa top ten. Kung bababa sa 95 ang grades mo ililipat ka sa ibang section.
Kaya madalas nag-aaral ang mga estudyante rito tuwing wala ang guro nila. Bawal ding magkalat dahil ikikick-out ka agad ng class leader nila.
Sinulyapan lamang nila si Hyemie na alam nilang bagong slave ni Daezel.
Hindi naman nagsalita ang guro makita ang bagong mukha sa section na ito.
Gaya sa class D palaging active si Hyemie sa bawat class discussion dahil sa ayaw nitong antukin.
Ang inaakala nila ay uupo lang ito sa isang sulok at hindi magsasalita para hindi mapansin ang presensya niya. Ang mga nagiging slave kasi mga mahiyain, mahihina at hindi confident sa sarili. Pero ang isang to panget na nga palage pang nagtataas ng kamay.
Kapag hindi naiintindihan ang paliwanag ng guro nagtatanong agad siya.
Ni di pinapansin kung pinagtitinginan ba siya o nilalait ba. Wala siyang pakialam sa mga nakapaligid na para bang hindi sila nag-eexist sa kanyang mga mata?
Sabagay, iniisip kasi ni Hyemie na mga punong kahoy lamang sila sa gubat kaya hindi niya pinagtutuonan ng pansin ang mga naiinis ng bagong kaklase. Kasi inaangkin na niya lahat ng spotlight.
Pagkatapos ng klase binigay lahat ng fire dragon g**g ang mga bag nila kay Hyemie. Sampo lang naman ang miyembro ng fire dragon g**g sa section na ito kaya sampong bag din ang nakaumbok sa desk ni Hyemie at may mga kasama pang mga libro.
"dadalhin nyo to o ilalaglag ko lahat sa bintana? Sabihin nyo lang. Masipag naman ako eh." Nakangiti niyang sabi.
"Aba, nagrereklamo ka?" Sigaw ni Kevin sa kanya. Slave nga kasi siya tapos nagrereklamo?
"Oo! Bakit? Lalaban ka?" Taas noo namang sagot ni Hyemie.
"Aba't—" akmang sugurin si Hyemie pero pinigilan siya ni Daezel.
"Kevin, tama na! Kanya-kanya ng bitbit ng bag." Sabi naman ni Daezel. Ayun, nagsisunuran naman yung iba.
"Bakit naman boss? Di ba slave naman siya?" Tanong naman ni Kevin na ayaw sanang sumunod.
"Tara na! Kain na tayo!" Pag-aya naman ni Hyemie kay Herrel na nakangiti.
"Ako ang boss dito." Sabi ni Daezel na sinamaan ng tingin si Herrel.
"Bakit ako ang siaihin mo? Di naman ako nag-invite sa kanya a." Bulong naman ni Herrel sa sarili at napakamot na lamang ng ulo.
Nagbubulungan naman ang ibang miyembro dahil sa inasta ni Daezel.
"Di kaya natamaan si boss sa babaing yan?"
"Mandiri ka nga. Ang panget kaya niya?" Sagot ni Kevin at nag-anyo pang nasusuka.
"Di mo ba nakuha mukha niya sa malapitan? Ang cute kaya niya." Sagot naman ni Carten.
"Alam mo Carten, naduduling ka na. Malala na yan. Pacheck up ka na sa mental hospital."
"Loko! Anong koneksyon ng pagkaduling sa mental hospital?"
"Nababaliw ka na kasi kaya di mo napansin na naduduling ka na." Pang-aasar pa ng kasama.
Pagdating naman sa cafeteria, panay papansin naman ng mga girls kay Daezel.
"Alam mo dati. Kapag dadaan ka, nag-iiwas sila ng tingin. Pero ngayon, ang lalagkit na ng mga tingin. Binago mo lang ang ayos mo, parang luluwa na ang mga mata nila. Mga babae nga naman, gayahin ba naman ang kalandian ko?" Iiling-iling pang sambit ni Hyemie.
"At mukhang proud ka pa huh?" Sino ba kasing mukhang ipagmamalaki pa na may kalandian siyang taglay?
"Honest lang naman ako ah. Psh!" Sagot naman ni Hyemie. Naghanap siya ng mauupuan at nang makakita ng bakante, soon na umupo.
"Hindi dyan ang table namin." Angal ni Daezel pero di siya pinansin.
"Kung ayaw nyo dito wag nyo kong pakialaman." Sagot ng dalaga at umirap.
"Ang tapang mo talagang babae ka." Padabog na umupo sa tabi ni Hyemie si Daezel.
Nagkatinginan tuloy ang mga kaibigan niya habang tinatanong kung slave ba talaga ang turing nito kay Hyemie o kasamahan nila o niligawan niya?
Kinapa ni Hyemie ang bulsa at natuklasang hindi siya nakapagdala ng wallet niya.
"Ano ba yan. Gutom na ako eh." Nakasimangot niyang sabi at isinubsob ang mukha sa mesa.
"Uy! Anong problema mo?" Tanong ni Herrel sabay kalabit sa kanya.
"Money!" Sagot naman niya.
"Ilibre na—" di natapos ni Herrel ang sasabihin dahil sinamaan siya ng tingin ni Daezel.
"Follow what I'll say and I'll give you money." Sabi naman ni Daezel.
Si Hyemie ang taga-order ng pagkain nila kapalit non ay ililibre siya ng grupo. Yung mga estudyante naman nainggit dahil siya na slave nilibre na nga, nakasabay pang kumain ang campus leader nila?
"Ang swerte niya, nakasabay niyang kumain si Daezel."
"Alipin lang siya di ba? Ang kapal ng mukha niyang sumabay kay Daezel."
Si Hyemie naman iniisip na mas swerte pa nga ang fire dragon g**g dahil maliban kay Clyden sila palang ang unang mga estudyanteng nakasabay niya sa pagkain.
....