Pagkatapos sa eksenang pagligtas ni Hyemie kay Ashiera biglang nagbago ang tingin ng mga estudyante sa kanya. Noong una iniiwasan pa siya at medyo nagdadalawang isip pa silang pagtripan siya pero ngayon kahit saan siya lilingon, makikita mo ang mga tingin ng mga estudyante na halatang may binabalak na hindi maganda sa kanya.
Nong una may naglagay ng malagkit na bagay sa labas ng kwarto nila ni Maxine. Tumawag agad siya ng tagalinis para linisin yon. Dahil sa inis niya agad na tinawagan ang ama.
Ang ama na laging naka-monitor sa kanya.
"Dad, sabihin niyo lang kung sino ang may gawa non at ako na ang bahala sa iba."
("OK na basta Ikaw na ang lulutas kung ano man yan.") Sagot ng ama sa kabilang linya.
Pinasa agad kay Hyemie ang CCTV footage kaya nalaman niyang kadorm niya ang may gawa non.
"Pampadulas pala ha? Pandikit naman ang katapat mo." Sambit pa niya at nagtungo sa kwarto ng estudyanteng naglagay ng pampadulas sa labas ng kanilang kwarto.
Magaling siyang mambukas ng lock kaya na!an nakapaaok siya sa kwartong iyon. Walang tao sa kwarto kaya wala siyang mapagbuntunan ng galit.
Ang ginawa niya lahat ng gamit ng babae nilagyan niya ng pandikit. Kahit ang mga mamahaling mga gamit nito.
"Kapag pampasulas ang igaganti ko sayo, posible kang madisgrasya kaya ito nalang. Mamatay ka lang sa galit." Sabi niya bago umalis sa nasabing kwarto.
Habang naglalakad sa hallway bigla nalang umulan. Umulan lang naman ng mga crumpled paper. At least crumpled paper lang.
Kumuha naman siya ng bato.
"Kapag binato ka ng bato gantihan mo ng tinapay. At kapag binato ka ng papel gantihan mo ng bato. Sinong may gustong tamaan ng batong ito sige, ipagpatuloy niyo lang yan." Napatigil naman ang iba na halatang natakot.
Pero yung iba binato na naman siya kasunod non ang malakas na hiyaw dahil sa kamay na natamaan ng bato.
Ang resulta pinatawag si Hyemie at ang estudyanteng iyon sa guidance office.
Bawal ang major bullying sa paaralan. At bawal ang manakit ng kapwa estudyante maliban nalang kung nasa battle arena sila. Kaya naman Parang prank lamang ang ginagawa ng mga estudyante. At mga papel lamang ang ipinambato kay Hyemie dahil iyon lang ang paraan para hindi sila mapaparusahan.
"Hindi mo dapat binato ng bato si Luke dahil papel lang naman ang binato niya sayo." Sabi ni Mr. Alfred sa kanya.
"Talaga bang mali ang ginawa ko at ayos lang ang ginagawa nila sa akin?"
Tumango naman si Mr. Alfred. Alam niyang ang mga estudyanteng nagiging slave lamang ang madalas pinagtitripan ng mga estudyante at sapaaralang ito walang karapatang magreklamo at lumaban ang sinumang maituturing na slave lalo na kung slave ito ng Fire Dragon g**g.
Ngumiti naman si Hyemie. Tumayo at lumapit sa baaurahan.
"Kung ibabato ko sayo lahat ng laman sa trash can na ito sayo? Ayos lang din ba Sir? Mga papel lang naman to kaya wag kang mag-alala. Hindi ka masasaktan."
Para kay Hyemie hindi karapat-dapat magiging guro ang tulad ni Mr. Alfred. Alam nito na pinagtulungan siya ng mga estudyante at alam nito na pambubully ang ginagawa nila pero ayos lang sa kanya. Naturingan siyang guidance teacher pero iba kung magbibigay guidance sa mga estudyante.
"Baguhan ka pa lang at di mo alam ang mga batas ng paaralang ito. Hindi ito katulad sa mga paaralang napapasukan mo." Sagot ni Mr. Alfred.
"Ganon ba yon? E di okay? Malalakas ang magiging leader di ba? Okay fine. Pero kung sasabihin mong may parusa ako dahil sa ginawa ko, may batas din naman na pwedeng sa battle arena lutasin ang lahat." Sabay tingin kay Luke.
"Pagkagaling niyang kamay mo harapin mo ako sa battle arena. Pwede kang magsama ng iba, sabihin mo lang kung handa ka na." Pagkasabi niya non ay lumabas na siya ng office.
"Ihanda mo na lamang ang sarili mo para sa laban niyo. Iyon naman ang isa sa batas ng paaralan. Lalake ka naman. Wag mong sabihing matatakot ka sa isa lamang babae?" Sabi naman ni Mr. Alfred kay Luke.
Ang mga estudyanteng nasasangkot sa g**o pinapalaban sa battle arena. Mating ang mga estudyanteng lumalabag sa batas. Para sa mga mahihina, isang impyerno ang battle arena, pero para sa mga sanay sa laban at malalakas, ang battle arena ang lugar kung saan malaya silang gulpihin ang mga mahihina.
Hindi fair ang laban at hindi fair ang batas sa paaralang ito. Kung mahina ka, wag mo ng subukang mag-aral sa lugar na ito.
Patungo na si Hyemie sa classroom niya at wala ng mga estudyanteng nanggugulo sa kanya dahil sa ginawa niya kanina.
Nakita pa niya sa bulletin board sa eternity building ang nakapaskil niyang pangalan na nagsasabing isa na aiyang slave ng Fire dragon g**g.
Pagdating sa kanilang classroom naabutan niya ang fire dragon g**g at si Ashiera na nasa labas ng classroom ng class11-D.
"You're free now." Nakangising sabi ni Daezel.
"Oh! You're finally here." Sambit ni Herrel nang makita siya.
"Majority sa section niyo ang pumayag na magiging slave ka bilang kapalit ni Ashiera kaya naman slave ka na ngayon ng Class11-A." Nakangising sabi ni Kimura.
"Ang panget mo talaga kapag ngumise kaya pakitikom naman ng bibig mo." Sagot naman ni Hyemie na ikinamula ni Kimura sa galit.
Panain ni Hyemie na may mga pasa at bruises ang mga kaklase niya na mukhang galing na naman sa laban.
Nakipagsuntukan kasi ang mga kibigan ni Clyden dahil hindi sila pumapayag na galing slave si Hyemie ng ibang section kapalit kay Ashiera.
Wagi man sila sa suntukan pero hindi naman nila mapipigilang pumirma ang mga kaklase nila sa slave contract na ginawa ng fire dragon g**g.
"Kung nanalo lang sana ako sa laban noon, wala na sana ang s*****y ng campus na ito." Nakayuko lamang si Kenjie na halatang sinisisi na naman ang sarili.
Gusto niyang alisin sa pagiging slave si Ashiera pero hindi sa paraang may isasakripisyo siyang iba. Malapit na ang battle of the class at maiaalis na rin niya si Ashiera sa pagiging slave niya.
Oo. Anak siya ng may-ari ng paaralan pero 45% lang ang share ng papa niya sa school na ito. 35% kay Daezel dahil binili nila ang share ng iba at 10% kay Keith, 10% din kay Ayumi.
Kaya hindi lang desisyon niya ang nasusunod kundi desisyon din ng iba.
"I think alam mo ng ikaw ang bago naming slave kapalit kay Ashiera." Sabi ni Daezel.
Yung mga kaklase naman niya halatang tuwang-tuwa sila malamang magiging slave na siya ng class11-A.
"Malilipat ka na sa aming building. At don ka na rin papasok" Sabi ni Daezel.
"Okay."
"Iyon lang? No violent reaction?" Takang tanong ni Eram.
"Bakit ko ipagsiksikan ang silid ko sa lugar na hindi ako gusto? Saka ano namang meron sa section na ito para manatili pa ako rito?" Sagot niya.
"Hindi siya magiging slave." Cold na sambit ni Kenjie.
Hinila naman ni Kiyo si Hyemie palapit sa kinaroroonan nila.
"Hindi mahina ang class D para gawin niyo lang slave ang bawat mga estudyante rito." Sabi naman ni Jinxiu.
"Ayos lang yon Kiyo, Jinxiu. Kung gusto niyong matapos na ang slave thing na ito magpalakas kayo at sikaping manalo sa battle of the class. Malapit na ang araw na iyon. Saka isipin niyo nalang na para rin ito kay Ashiera. Na sa wakas makakasama niyo na rin siya." Tinapik-tapik pa ni Hyemie ang likuran ni Kiyo dahil parang kahit anumang oras mananapak na ito.
....