Chapter 24: Helping Ashiera

1048 Words
Nagbell na. Ibig sabihin, maari ng lumabas ang mga estudyante. Kaso halos hindi maigalaw ni Hyemie ang mga paa. May dalawang grupo kasing naghihintay sa kanya sa labas. Una ay ang Fire Dragon g**g na mas naunang dumating. At ang isa pang grupo na nagalit sa kanya dahil may niligtas siyang inaaping estudyante kani-kaninang umaga. Sumilip siya sa labas ng pintuan at nakita ang mga estudyanteng nag-aabang sa labas. Napangiwi siya dahil sa dami ng mga estudyante na to. Ayos lang sana kung kunti sila kaso mukhang isang battalion ang dinala. Absent pa naman ang hero of her life na si Clyden. Tanging si Kenjie na lamang ang nakita niyang nagpaiwan sa classroom na mukhang wala pang balak lumabas. "Psst!" Tawag niya rito. "Psst!" Tawag pa ulit niya sa Kenjie na ito. Natutulog kasi ang lalake sa kanyang upuan. "Psst!" Kaso ayaw magising o walang ganang gumising. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito at inilapit ang kanyang bibig sa tainga ng lalake sabay sigaw ng malakas. "HUUUUUY!" Sa sobrang gulat nalaglag si Kenjie sa kanyang upuan. "BAKITKANANINIGAWHA!" Sigaw din nito na namumula pa ang mga mata na halatang nadisturbo sa kanyang pagtulog. Napaigtad pa si Hyemie sa gulat. Kita niyang ang sama ng tingin ni Kenjie sa kanya. "Sorry naman. Wag ka ng magalit. Nagmumukha ka ng bampira I swear." Pansin niyang hindi lumalapit ang mga estudyante sa labas sa classroom na ito mga ten meters away. Mukhang isa yata sa mga rules nila o takot lang sila kay Kenjie. Hindi naman talaga maaring pumasok sa class 11-D ang mga galing sa ibang section na hindi ipinapaalam kay Kenjie. Isa iyon sa batas na ipinaiiral niya sa section nila. At ang mga estudyanteng hindi sumusunod bibigyan niya ng black card na nagsasabing maaaring apihin o bugbugin ang estudyanteng ito. Ang lahat ng lumabag sa batas niya ay nasa hospital pa hanggang ngayon ang iba naman matagal ng nagdrop-out. Kaya naman kung sinumang  may hinihintay sa class11-D kailangan nalang hintayin na lumabas ito ng classroom saka gawin ang anumang gusto nalang gawin. "Samahan mo ako." Nakangusong sabi ni Hyemie kay Kenjie. Protector niya ito hindi ba? Kaya dapat ipagtanggol siya nito ngayon sa mga estudyanteng nasa labas. "No! I'm sleepy." Sagot nito at matutulog na sanang muli. "Sige na kasi." Pakiusap niya pa. Death glare na naman ang sagot sa kanya ng lalake. Siya lang naman ang maaaring makakapagpaalis sa mga estudyante sa labas kaya siya ang nilapitan ni Hyemie para hingan ng tulong. At saka ito naman ang nagsasabing ililigtas siya nito palage. "Natatakot na ako pramis! Takot na akong lumabas ang mata niya sa kinalalagyan, kasalanan ko pa." Sambit niya sa isip makitang matalim parin ang tingin ni Kenjie sa kanya. Hinawi na lamang niya ang kurtina ng bintana at dumungaw sa labas. Dito nalang siya dadaan. Gagamitin nalang ang akyat bahay technique niya na palage niyang ginagawa tuwing pinagsasarhan siya ng ina ng gate at pinto noon. Umaakyat nalang siya sa bintana ng kanyang kwarto para makalabas-masok sa kanyang silid. Sumampa siya sa railings at akmang tatalon pero may kamay na biglang humila sa kanya na ikinalaglag niya sa sahig. "Papakamatay ka ba?" Sigaw Kenjie samantalang napapangiwi naman siya sa sakit ng likod. "Anong papakamatay ka dyan! Bababa lang yung tao hilahin ba naman. Tsk!" Sagot naman niya habang hawak ang likod at tumayo. "Tulog ka nalang ulit. Di kita guguluhin. At wag ka nalang din magigising." Sagot niya pa. Sasampa na sana muli pero pinigilan na naman siya. Inis niyang binalingan ng tingin si Kenjie. "Ano bang problema mo ha!" Sigaw niya rito. "Ikaw ang problema. Papakamatay ka na nga lang wag dito sa klasrom. Don ka sa rooftop para sigurado." Sabi pa ni Kenjie. "Sinabi ng di ako magpapakamatay eh. Para tatalon lang papakamatay agad?" Tatalon lang naman siya pababa. At saka hindi pa naman siya mamatay sa 20 ft. na taas ng bintana na to dahil sanay naman na siyang tumalon sa ganitong kataas na lugar. Saka mababa lang naman to para sa kanya. "Wanted beauty ko sa labas kaya dito ako sa bintana dadaan." Sabi niya na multi na sanang aakyat sa bintana. Nagtsk naman si Kenjie at hinila na siya palabas. Napatingin tuloy siya sa kamay niyang hawak ng lalake. Holding hands while walking kasi ang style nila. "Ibigay mo ang babaeng yan." Sabi ni Daezel. Nagtsk lang si Kenjie at akmang lalagpasan nila ang grupo ni Deazel nang muli itong magsalita. "Baka nakalimutan mong mas mababa ka pa sa amin dahil natalo ka sa laban. O baka naman gusto mong papahirapan naming lalo si Ashiera?" Daezel said and smirked. Naikuyom naman ni Kenjie ang kamao. "Weh! Wag mong sabihing ipamigay mo ako?" Sabay turo ni Hyemie sa sarili. "Mamili ka. Kalayaan ni Ashiera o ang babaeng yan?" Tanong muli ni Daezel. Hindi sumagot si Kenjie at hinila na lamang si Hyemie palayo kina Daezel. "Sinong Ashiera? Gf mo?" Tanong pa ng dalaga kaso nasigawan lang siya. "Shut up!" Sigaw niya. "Maka-shut up to naninigaw pa." Inalis ang kamay na hawak ni Kenjie. "Thank you sa pagtulong." Sabi niya at umalis na. Habang naglalakad sa hallway may makakasalubong siyang babaeng ang daming bitbit na bag. Tapos may mga libro pang dala. Ito yung babaeng pinapahirapan nila noon sa cafeteria. Ang tinatawag nilang Ashiera. Maganda ito, maamo ang mukha, mahinhin at mukhang mabait. Pansin din ni Hyemie na medyo may mga features na ipinagkakapareho nila. Pareho sila ng kulay ng mata, labi at medyo mapagkakamalan mong iisa sila kapag sa malayo dahil pareho sila ng tindig at postura. Iyon ay kung di siya naka-desguise. May tumisod kay Ashiera kaya nadapa ito. May sumisigaw pa na slave at pinagbabato siya ng crumpled paper. Naglakad siya palapit sa mga estudyanteng nagbato kay Ashiera at sinamaan sila ng tingin. Natakot naman ang mga ito sa kanya kaya nagsialisan agad sila. Nilapitan niya si Ashiera at tinulungang makatayo. "Hindi mo dapat yun ginawa. Papahirapan ka ng mga fire dragon gang." Nag-alalang sabi nito sa kanya. "Wag kang mag-alala. Di naman mga totoong gangster ang mga yun. Campus gangster lang naman iyang grupo nila at di gangster na kinatatakutan ng kahit sino." Sagot niya. "Hindi mo nga sila kilala." Sagot naman ni Ashiera at patakbong umalis. Yung mga napapadaang mga estudyante naman at mga estudyanteng nanonood sa di kalayuan nagbubulungan. "Patay siya." "Siguradong magiging slave din siya nina Daezel!" "Eh di mabuti, para may bago na naman tayong mapagtripan." Napakunot ang noo ni Hyemie sa sinasabi nilang pagtripan siya. At kung magiging slave man siya ng Daezel na yon, hindi ibig sabihin non na papayagan niya ang sarili na maagrabiyado. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD