Chapter 34: Saving some strangers

1003 Words
******* "Puntahan ko lang sila. Maghintay ka lang dito." Sabi ni Mizhu. "Okay. Pero wag mong sabihing gawa ko yung kanina." Tumango lang ang lalake at umalis na. Naghintay na lamang ang dalaga sa loob ng kotse ni Mizhu. May mga pulis pang kumatok sa kotse ni Mizhu at kunwari namang naguguluhan siya bago sila pagbuksan. Tinanong lang ng mga ito kung na kita ba niya ang isang babaing nakacap at may nakasout ng jacket. Well, inagaw lang niya galing sa ibang tao ang jacket na yon at nasa basurahan na. Saka tinanggal niya ang wig kanina nang magnakaw siya ng b***l at toy g*n. Kapag talaga nicheck ng mga pulis na to ang kotse baka kanina pa siya nahuli. Nandito pa kasi yung toy g*n pero yung b***l iniwan na niya don sa kabilang sulok. Makikita naman agad yon ng mga pulis kapag nagtungo sila sa gawin na yon. At dahil mukha siyang inosente at walang alam samahan pa ng ibang-iba niyang hitsura maging ang suot, hindi na siya kinulit ng mga pulis. Ilang minuto rin ang lumipas bago makabalik ang lalake at sumakay narin sa kotse niya. "Kumusta sila?" Bungad agad nito sa binata pagsakay sa kotse. "Nakauwi na. Salamat sayo. Nga pala, paano mo nagawa ang lahat ng yon? Pati ang paghawak ng b***l?" Seryosong tanong nito kay Hyemie. "Isang criminology student si kuya Hyejung. At minsan tinuturuan niya ako. Gusto ko ring matuto dahil balak kong magpulis o ba kaya mag secret agent balang araw. Kaya ayun sinusubukan ko lang ang pwede kong gawin. Pero sa totoo lang kinabahan ako kanina baka kasi mapano yung mga biktima. Kasalanan ko pa." Sagot niya at isinandal ang katawan sa backrest ng upuan. May alam siya sa pagbaril iyon ay dahil tinuruan siya ng mga magulang kung paano. "Tumutulong ka na di nagpapakita?" Tanong pa ng lalake. "I just tried to help some people in need in my own way, without risking my life or hurting myself." Kasi kapag naagrabiyado siya, tatakbo naman siya at di hahahayaang mapahamak ang sarili. Napatitig naman sa kanya ang lalake. "Buti may ganoong lakas ka ng loob. Hindi ko lubos maisip na magagawa mo ang gaanong paraan. Nangnakaw ka pa ng b***l ng guwardiya ha." "Sinadya ko talaga yon para habulin nila ako. Para mapagawi din sila sa lugar na iyun. Kala ko nga maihi na ako sa takot at pag-alala eh. Pero dahil busog ako, hindi ko na pansin ang kaba at takot na yun." Multi ng nagdrive si Mizhu. Hindi na rin tinanong ni Hyemie kung bakit hindi ito sumama sa kanyang aka at kapatid sayong kailangan siya ng mga ito sa mga or as na ito. Ipinasok na ni Mizhu ang kotse sa gate ng school at ipinark sa parking area. Bumaba na sila at nagprisenta naman ang lalake na ihatid na siya nito sa dorm niya. Paliko na sana sila sa isang hallway nang mapansin ang grupo ng mga estudyanteng kalalakihan na may pinapahirapan. Hinila agad ni Hyemie si Mizhu paakyat sa second floor ng isang gusali malapit sa kinroroonan ng mga estudyanteng iyun. Walang ideya ang lalake sa ano na namang binabalak nito. "Kuha ka ng isang baldeng tubig sa pool." Utos niya sa lalake. May swimming pool nga kasi sa building na iyun. Naguguluhan man ay sumunod ang lalake. "Ito na!" Kinuha naman ng dalaga ang isang balde ng tubig at pumasok sa isang silid. Tahimik lamang na sumunod si Mizhu. Binuksan ni Hyemie ang sliding window at inangat ang balde, dumungaw muna ito saglit bago ibuhos ang laman nitong tubig sa ibaba saka inilaglag ang balde na may kunti pang laman. Sa kabilang dako naman, tutusukin na sana ng lider ng isang grupo ang mata ng member ng kabilang grupo na si Zahiro. Kagrupo ito ni Mizhu sa Blazing g**g. Ang bagong buong grupo sa Yoji Academy. Pero napasinghap na lamang sila nang may bumuhos na tubig sa kanila mula sa 2nd floor ng gusaling kinaroroonan nila. Nasa gilid kasi sila sa gusaling iyun at sa itaas ng kanilang kinaroroonan, matatanaw ang nakabukas na bintana na may nakasilip pang tao na di nila gaanong makita dahil madilim sa gawing iyun. Marahas na napatingala ang lider para makita ang sinumang lapastangang gumawa non sa kanya. Kaso sa pagtingalang iyun bumagsak sa kanyang ulo ang isang balde at nasyot pa ito. Napagewang-gewang pa siya sa lakas ng impact non. Bago pa man muling makareact, tumama na ang isang matigas na kamao sa katawan niya. Nakawala na pala si Zahiro sa mga lalakeng nakahawak rito kaya ayan, niresbakan siya. Nagsidatingan din ang kagrupo nito. Sina Hyemie naman ay tumakbo na agad paalis sa lugar na iyun. "Hay, salamat at nakalayo na rin tayo." Hinihingal na sabi ni Hyemie na nakahawak pa sa dalawang tuhod. "What if they'll find out?" Hinihingal ding tanong ni Mizhu. "Malalaman lang nila kapag sinabi mo." Sabay upo sa gilid ng pader. "Paano kapag pinagsabi ko? You'll be doom!" Pananakot pa niya. "Weh. Ikaw ang doom. Kasi ikaw ang kumuha ng tubig no. Ako lang ang nagbuhos. Ibig sabihin tayong dalawa ang may kasalanan." Sabay ngiti ng sobrang tamis. Di niya napansin na natanggal pala yung hood sa ulo niya. Hindi rin natakpan ng peke niyang buhok ang kanyang mukha. Napakurap-kurap ang lalake makita ang ibang tao sa harapan. Hindi na ang mukhang witch kundi mukhang anghel na manika. Nasisinagan ito sa liwanag ng buwan kaya nakikita niya ang nakangiti nitong mukha at ang tumatawang mga mata. Ang matulis na ilong at mapuputing ngipin. PAK! "Aray!" Natauhan na lamang siya ng matamaan ng malutong na batok. "Tutulala to. Balik na ako sa dorm. Malalim na ang gabi." Pamamaalam ng dalaga. Siya naman ay napahimas sa batok. "Si—sige." Utal niyang sagot habang nakatitig parin sa dalaga. "Namamalikmata na ata ako. Siguro antok lang to." Iiling-iling niyang sambit. "Sige pare. Una na ako." Sabi pa ni Hyemie at tinapik pa ang balikat niya bago pasipol-sipol na maglakad habang nakapamulsa. Sinundan lamang siya ng tingin ni Mizhu habang papalayo. "Iyun ba talaga ang hitsura niya sa kabila ng buhaghag niyang buhok at baduy na ayos?" He thought. "Ah, hindi. Inaantok lang ako kaya kung ano-ano ang nakikita ko." He murmured bago tuluyang tinahak ang pasilyo patungo sa kanyang dorm. Itutuloy........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD