I hate you, destiny! I really really hate you! - Rose
Rosalie Sanra Gandao ay ang bunsong anak na babae nila Raye at Saul. Lumaki si Rose sa isang mala-perpektong pamilya—masaya, sama-sama, at parang walang problema. Hanggang sa dumating ang pangyayaring hindi niya aakalain sa kaniyang buhay. Maraming nagbago. SImula noon ay kinamumuhian na niya ang tadhana.
Bakit ganito ang tadhana? Ano bang kasalanan ang nagawa niya at bakit ganoon ang plano ng tadhana sa kaniya? May plano pa kaya nitong pasiglahin ang buhay na meron siya? O, hindi na?