NANG makarating sila sa mansion ay kaagad na umakyat siya sa itaas at dumeretso sa kaniyang silid. Tinangka pa siyang kausapin ni ate Arlene pero nakikiusap siya ritong ‘wag na muna dahil gusto niya munang magpahinga.
“Gusto niyo bang akyatan kita rito ng maiinom?” malumanay ang boses na tanong nito sa kaniya.
Umiling siya. “Hindi na, Ate.” aniya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto. Ini-lock niya ‘yon bago siya nagtungo sa kama at padapang humiga.
Isinubsob niya ang mukha sa unan at doon lang niya pinakawalan ang kanina pang nagbabadya niyang mga luha.
It had been a year, but everything felt like it all just happened yesterday.
Ipinikit niya ang mga mata at nagsimulang sumariwa sa alaala niya ‘yong mga nangyari isang taon na ang nakalipas.
It was the night of their acquaintance party. Iyon ang unang beses na um-attend siya ng party. Akala niya magiging masaya ‘yon. Pero ang akala niyang masayang party, ay hindi pala dahil ikadudurog pala ‘yon ng puso niya.
Nagsasayaw sila ni Kristoffer sa isang romantic song nang gabing ‘yon. Ang mga kamay nito ay nasa kaniyang baywang habang ang kaniyang mga kamay ay nasa magkabilang balikat naman nito.
Para silang may sariling mundo at nakahiwalay sa iba. First year college siya, samantalang ito ay fourth year na sa kursong business administration.
You’re my piece of mind, in this crazy world.
You’re everything I’ve tried to find.
Your love is a pearl.
“You’re my Summer, you’re my rainbow skies…” kanta nito sa susunod na linya pero pinalitan nito ang Mona lisa ng pangalan niya. Mahina siyang natawa. Kinikilig siya.
And my only prayer is that you realize.
“You’ll always be beautiful in my eyes…” kanta nito ulit habang nakatitig sa kaniyang mga mata. He has a good and soft voice though.
Natatawang nagrolyo siya ng mga mata.
“Walang halong biro. Lagi ka talagang maganda sa paningin ko.” ngumisi pa ito. “Pero mas maganda ka sa paningin ko kapag hubad ka.” dugtong nito at natawa pa sa sarili nitong kapilyuhan.
Hinampas at kinurot niya ang braso nito sa sobrang hiya. Sa pag-alala niya tungkol doon ay nagpapaalab sa kanyang mga pisngi sa init.
Kristoffer took her virginity. Just the night before this night. Ilang beses din na may nangyari sa kanila nang gabing 'yon. Humilig siya sa dibdib nito at dinama ang bawat pagpintig ng puso nito.
She loves him with every bit of her. At sa bawat araw ay mas lalo siyang nahuhulog sa pag ibig nito.
Masyado mang maaga para sabihing ito na ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay, pero wala na siyang ibang naisip na gustuhin pa kundi ito lang.
Patuloy nilang iniindayog ang kanilang katawan sa romantikong musika at sumayaw na parang ang sahig ay sa kanila lamang, walang pakialam sa paligid at sapat nang hawak nila ang isa’t isa.
“I love you,” bulong nito malapit sa kaniyang tainga. Nag-uumapaw naman sa kilig at saya ang puso niya.
Napangiti siya. Tiningala niya ito. Nanatili pa rin siyang nakahilig sa dibdib nito.
“I love you too.” buong puso niyang tugon dito.
Kristoffer was her first of everything and she’s willing to give those experiences to him. Hindi niya inaasahan na dumating ito sa buhay niya at napagtanto niya na boring ang buhay niya kung wala ito.
Para itong buhawi, lindol, at tsunami na nagpabaliktad sa buong buhay niya.
Dahil kay Kristoffer naramdaman niya ulit na may kasama siya, na hindi siya nag-iisa at may karamay siya sa buhay.
Alam niyang mali. She was just nineteen at alam niyang napakabata niya pa para gawin ang bagay na ‘yon. But that very moment, it felt right.
Bumaba ang mukha nito at hinalikan siya sa kaniyang noo. Saka marahan na hinawakan ang kaniyang ulo at ibinaon sa dibdib nito. At gano’n lang sila hanggang sa matapos ang kanta.
Everything felt wonderful and magical that night, only to be ruined by the wicked with just like in the movies. Dapat alam niya na hindi lahat ng pelikula ay nagtatapos na masaya. That love was only once upon a time, but never be would a happily ever after.
Babalik na sana sila ni Kristoffer sa kanilang upuan nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa paligid.
Ilang sandali pa ang projector na nasa harap ay nagliwanag at nagsimula itong maglabas ng isang malabong video clip.
Noong una ay hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari at kung ano ba ang meron doon. Medyo malayo ang kuha ng video at tila nakatago lang ang kumukuha n’yon. Kinusot niya ang mga mata para mas matingnan ang video ng mas malinaw.
Pero naging malinaw lang ang lahat nang makita niya si Kristoffer at isang babae na nasa loob ng AVR habang may pinagtatalunan. Kilala niya ang babae. It was Victoria Salazar. She’s a volleyball player and a captain ball on their team. Magkaklase rin ito at si Kristoffer dahil pareho ang kurso ng mga ito at same level din.
At madalas din niyang pagseselosan dahil sa closeness na meron ito at ni Kristoffer.
“Stop playing Summer’s feelings, Kris.” ani Victoria, na nakahilig sa isang table.
“What do you mean?” tugon ni Kristoffer sa babae. Nakakunot ang noo nito. Nakatayo at ang dalawang kamay ay nakasuksok sa suot nitong pantalon.
Mahinang natawa si Victoria. Ikiniling ang ulo saka masamang tiningnan si Kristoffer.
“Huwag kang mag-maang-maangan. Alam ko ang plano niyo ng mga barkada mo.” madiing sabi ni Victoria sa lalaki.
“Stay out of it, Victoria.” malamig na sabi ni Kristoffer. Akmang tatalikod na ito nang hilahin ni Victoria ang isang braso nito.
“No, Kristoffer. You’re out of line already. Sumusobra na kayo ng mga kaibigan mo. Summer is innocent and naïve, Kris. Hindi ka ba maaawa sa kaniya? She already loves you—”
“And the plan is working, Victoria.” isang boses ng lalaki ang biglang sumingit sa usapan ng dalawa.
Hindi nakita ang mukha ng lalaki sa video pero kilala niya ang boses na iyon. Isa rin iyon sa mga barkada ni Kristoffer.
“Paibigin si Summer sa loob lamang ng isang buwan. At mukhang nagtagumpay ka na, bro. That means, talo kami. Kukuhanin mo na ba ang premyo mo mamaya mula sa amin?” ani ng lalaking hindi ipinakita ang mukha. Pagkatapos ay sinundan nito iyon ng tawa.
Nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan habang pinakikinggan ‘yon. Lumalabo na rin ang kaniyang mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha.
Narinig niyang tinatawag siya ni Kristoffer pero hindi niya ito kayang tingnan. Natulala na lamang siya sa projector. At nang akala niya ay sapat na ang narinig niya, nagkamali siya.
“No. Not for now.”
“Why?”
“We’ll level up the plan. I'll double the bet if I'll take her to bed.”
“Call.”
Sa sinabi ng kaibigan nito nagtapos ang video. Napuno ng katahimikan ang buong function hall, pagkatapos ay sinundan ng walang katapusang mga bulong-bulungan mula sa mga tao sa paligid nila.
“Summer,” tawag sa kaniya ni Kristoffer. Sinubukan pa nitong hawakan ang braso niya. Tinabig lang niya ito at matapang na hinarap ito.
“Totoo ba?” nanginginig ang mga labing tanong niya.
Tinititigan niya ito sa mga mata. Umaasa na sasabihin nitong hindi totoo ang napanood nilang video. Na nagkamali lang siya ng iniisip niya. Baka nakiuso ito sa mga taong gumagawa ng kuwento at sasabihing happy April fool’s day sa huli. Pero hindi naman April ngayon.
O baka sasabihin nitong prank lang ang lahat ng ‘yon. Pero bakit walang sumigaw na ‘is a prank!’?
“Kristoff, totoo ba?” muli niyang tanong dito nang hindi pa rin ito nagsasalita.
Sabi nila, ang pag-ibig daw ay isa raw na paglalakbay sa buhay sa masayang karanasan. Pero bakit siya umiiyak ngayon? Bakit siya nasasaktan at durog na durog kung masaya ang umibig?
They say love brings the best in them, pero sa kaniya ay kabaligtaran. It brings worst in her.
“I’m sorry,” sagot nito, na nagpadurog sa kaniya ng husto.
“Bakit? Anong ginawa ko sa‘yo para saktan mo ako ng ganito? Anong kasalanan ko sa inyo para durugin niyo ako ng ganito?
Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at umigkas na ang palad niya sa mukha nito. Nanginginig man ang mga tuhod niya ay pinilit niya ang sariling talikuran ito. Naglakad siya palayo rito, sa kanilang lahat at hindi na siya lumingon pa.
Iyon ang huling pagkikita nila dahil hindi na siya pumasok pa sa school kinabukasan. Nag-transfer siya sa ibang school dahil kasisimula pa lang naman ng semester.
Hind rin naman siya nito sinubukan pang kausapin pagkatapos n’yon.
NAPAPITLAG siya at nabalik sa kasalukuyan nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto.
Sunud-sunod muna ang ginawa niyang buntonghininga para pakalmahin ang sarili. At nang kumalma na siya ay saka siya bumangon. Inayos na muna niya ang kaniyang sarili bago siya nagtungo sa pinto.
Si ate Arlene ang nabungaran niya pagkabukas niya ng pinto. Dala nito ang mga binili nila kanina. Natigilan ito at napatitig sa kaniyang mukha.
Mabilis naman siyang umiws ng tingin dito at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ito.
“Salamat, Ate.” aniya nang palabas na ito ng kuwarto.
“Walang anuman, Miss Summer.” ngumiti ito pero may pag-aalala naman siyang nakita sa mga mata nito. “Okay ka lang ba talaga?” tanong nito.
“Oo naman,” nginitian pa niya ito, para tiyakin dito na okay lang talaga siya.
"Okay. Kukunin ko lang iyong iba pa sa ibaba at iaakyat dito."
Tumango lang siya rito.
Nang makalabas ito ng kuwarto ay iniwan na lang muna niyang bukas ang pinto para hindi na ito mahihirapan na pumasok.
Tumungo naman siya sa banyo at naligo.
Matagal din siyang nagbabad sa loob ng shower. Kinuskos niya ang balat niya. Paulit-ulit na sinabunan lalo na ang parting hinawakan ng gagong ‘yon.
Hindi niya alam pero nandidiri siya. Lalo na ng bumalik sa alaala niya ang pagbibigay niya sa sarili rito noon ng paulit-ulit sa isang gabing iyon.
Lumuha na naman siya. That was the biggest mistake she ever did in her whole life! Ang tanga niya para magmahal ng isang lalaking gaya nito.
Umahon lang siya at lumabas ng shower room nang makaramdam siya ng ginaw. Kumuha siya ng tuwalya at tinuyo ang katawan niya. Pero agad siyang natigilan nang bumukas ang pintuan ng banyo at pumasok si Mr. Ferrero.