TULALA lang si Summer nang mahimasmasan siya. In the middle of the day, she let herself get finger f****d by a stranger. An old yet strikingly handsome stranger! Pero bakit pakiramdam niya hindi ito estranghero sa kaniya?
And his eyes. His deep hazel eyes. Bakit pakiramdam niya pamilyar sa kaniya ang mga mata ng lalaking ‘yon?
“Do I know you, Mr. Colton Ferrero?” mahinang tanong niya para sa sarili.
And the strange was, wala man lang siyang makapang pagsisisi sa puso niya. Yes, nahihiya siya pero iyon lang.
She groaned. Ipinikit niya ang mga mata at natulog na muna. At nang magising siya ay madilim na sa labas. Kipit ang kumot na dahan-dahan siyang bumangon. Napangiwi pa siya nang maramdaman niya ang aftermath nang kahibangang ginawa na naman niya.
She sighed. Aside her v****a, her n*****s hurt too.
Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at pumasok ng banyo. Pero gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata niya at napaawang pa ang bibig niya nang makita niya ang hitsura niya sa salamin.
She has lots of red marks at the top of her breasts. Lalong-lalo na ang paligid ng mga ‘yon. Ang iba ay nagkukulay violet na. s**t! Kaya pala masakit. Mabilis siyang pumasok sa shower room at naligo.
Damn, old man!
Mabuti na lang hindi siya nilagyan ng marka sa leeg niya dahil mas mahirap iyon itago kapag nagkataon. Matapos niyang maligo ay kumuha siya ng tuwalya sa rack at ibinalot sa kaniyang katawan.
Nagulat pa siya nang sa paglabas niya ng banyo ay naabutan niya si ate Arlene na inaayos ang kama.
Palakaibigang kaagad naman siya nitong nginitian.
“Magandang gabi, Miss Summer. Pasensya na at pumasok na ako nang walang pahintulot mo. Kumakatok kasi ako kanina pero walang sumasagot kaya pumasok na ako.” sabi nito. Ang mga mata ay mapanuring tinititigan siya.
At bago pa man dumako ang mga mata nito sa may puno ng dibdib niya ay mabilis na niyang tinakpan gamit ang kaniyang mga brasong pinag-ekis niya.
“It's okay, ate Arlene.” aniya saka nagmamadaling tinungo ang walk-in closet para magbihis at makaalis sa mapanuring mga mata ng babae.
Shit! Hindi sana nito nakita ang mga pulang pantal niya sa dibdib. She groaned in frustration. Napapadyak pa siya sa inis.
“Okay lang po ba kayo, Miss Summer?” tanong ni ate Arlene.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.
“O-Oo, okay lang ako. May kailangan po ba kayo, Ate?” tanong niya.
Bahagya niyang binuksan ang pinto ng walk-in closet para marinig siya nito.
“Handa na po ang dinner niyo at pinapasundo kayo ni Sir Colton sa akin.”
Natigilan siya at agad kinabahan nang marinig niya ang pangalan ng lalaki at pinapasundo pa siya. Parang hindi niya yata kayang harapin ang lalaking ‘yon matapos ang nangyari sa kanila kanina.
“s**t! Boba ka talaga, Summer!” mahinang kastigo niya sa sarili.
Mahinang tinampal pa niya ang kaniyang noo. Paano ba niya haharapin ang gurang na lalaking ‘yon nang hindi nahihiya? Pero mas lalong nakakahiya kung mag-request siya na dito ulit kumain.
“S-Sige. Magbibihis lang ako.”
She chose to wear a dress. Medyo maluwag din ‘yon sa kaniya pero pinagtiyagaan na lang niya. May mga cotton shorts naman at t-shirts pero naiilang naman siyang magsuot ng gano’n lalo pa at hindi lang siya ang nandito sa napakalaking bahay na ‘to.
Kahit na mas sanay siyang magsuot ng loose t-shirt at maikling shorts kaysa magsuot ng dress sa loob ng bahay pero wala siyang choice dahil gaya ng sabi niya ay hindi na lang siya nag-iisa katulad sa condo niya.
Matapos niyang magbihis ay lumabas kaagad siya. Sabay na rin sila ni ate Arlene na bumaba gamit ang grandiyosong hagdanan. Nasa gitna sila ng hagdanan nang huminto siya at inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.
Nakakalula ang laki at ganda.
“Ganiyan na ganiyan din ang hitsura ko, Miss, nang una akong dumating dito.”
Narinig iyang sabi ni ate Arlene. Saka lang niya namalayan na bahagya na palang nakaawang ang bibig niya. Mabilis naman niyang itinikom ang bibig at nahihiyang nginitian na lang niya ito.
“Nakakalula kasi…” ani na lang niya.
“Masasanay ka rin, Miss Summer.”
Sumimangot siya. “Hindi ba talaga puwedeng deretsong Summer na lang ang itawag mo sa akin?” reklamo niya.
Ngumiwi ito at napakamot pa sa ulo.
“E, bawal talaga kitang tawagin sa pangalan mo, Miss."
Walang nagawa ay tumango na lang siya. Kaysa naman mapagalitan ito ng amo nito.
Dumeretso sila sa dining area. Pero gano’n na lang ang panghihina ng mga tuhod niya at pagkalabog ng dibdib niya nang sa pagpasok nila ni ate Arlene sa dining area ay agad niyang nakita si Colton Ferrero. Nakaupo ito sa kabisera habang nagbabasa ng Newspaper.
Nang maalala niya ang ginawa nito sa kaniya at nag-iwan pa ito ng mga bakas sa katawan niya ay agad uminit ng husto ang mukha niya.
Napatitig siya sa lalaki. He has pointed nose. It has a high protruding bridge followed by a pronounced hook at the end, which becomes more prominent when viewed from the side. He also has high cheekbones and a strong jawline, giving him sharp-looking facial feature. With his dark hair and eyes, he looks intimidating.
Napalunok siya at iniwas na niya tingin dito bago pa man siya tuluyang kainin ng kahihiyan at itinuon na lang ang mga mata sa mahabang mesa.
Namangha pa siya nang makitang ang daming nakahaing pagkain doon. Parang fiesta, ah! O baka naman ito na ang huling hapunan niya.
“Halika na, Miss.” ani ate Arlene. Napakurap siya at napatingin dito.
Lumapit ito sa mesa at hinila ang upuan na malapit kay Mr. Ferrero. Saka dumistansiya at inudyukan siyang lumapit na roon sa hapag.
Wala na siyang nagawa kundi ang maglakad palapit sa mesa.
“Good evening.” nagawa pa niyang batiin ang lalaki nang hindi pumiyok ang boses.
“Sit.” utos nito sa malamig at mababang boses sa halip na batiin siya nito pabalik.
Ang mga mata nito ay nanatiling nasa binabasa nitong Newspaper at hindi man lang nag-aksayang tingnan man lang siya saglit.
Para naman siyang aso na agad sumunod at naupo sa upuang hinila ni ate Arlene para sa kaniya. Inasikaso naman kaagad siya ng babae. Kinuha nito ang table napkin at inilagay ‘yon sa kaniyang lap.
Nang akmang sasandukan na siya nito ng kanin sa kanyang plato ay agad niyang hinawakan ang kamay nito para pigilan ito.
“Ako na po, Ate.” Hindi siya sanay na ganito, na may nagsisilbi sa kaniya.
Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni ate Arlene at tumingin ito kay Mr. Ferrero. Nang makitang wala man lang reaksyon ang lalaki at nagsimula na rin itong kumain ay ipinagpatuloy ni ate Arlene ang pagsasandok sa kaniya nang kanin.
“Please, ate Arlene…” pakiusap niya.
“Let her, Arlene.”
Napatingin siya sa lalaki nang magsalita ito. Pero sana hindi na lang niya ginawa dahil nakatingin na rin ito sa kaniya. His dark eyes were intensely staring at her now. And the way he intently stares at her was like a fire that burns her skin.
Napalunok siya. At bago pa man siya masunog at mawala sa sarili ulit ay agad na niyang iniwas ang mga mata rito.
“Sige po, Sir Colton.” ani ate Arlene at ibinaba ang sandok ng kanin. Saka tahimik na lumabas ito ng dining area.
Tahimik na nagsandok siya ng ulam saka nagsimula nang kumain. Tahimik lang din itong ipinagpatuloy ang pagkain, na ipinagpasalamat niya.
“Arlene is your assistant. So, you expect her to be with you all the time. Kung may kailangan ka sabihin mo sa kaniya.”
Natigil siya sa akmang pagsubo niya nang pagkain. Ibinaba niya ang hawak na kutsara at tinidor.
“Hindi mo naman kailangan na—”
“My house, my rules.” sabi nito sa maawtoridad na boses.
Natahimik siya. Oo nga naman. Bakit ba nakalimutan niyang binili lang siya nito? She is just his bedwarmer kaya kung ano man ang sasabihin nito ay dapat niyang susundin.
Hindi na siya nagsalita pa.
Nakita niyang nagpunas ito ng bibig gamit ang table napkin. Dinampot nito ang baso at uminom ng tubig saka tumayo.
“Follow me to my office when you're done eating.” sabi nito sa kaniya bago siya iniwan at lumabas ng dining area.
Sinundan na lang niya ito ng tingin saka huminga nang malalim.
"Sungit." bulong niya at umirap pa kahit wala na ito sa harap niya.
Dinampot niya ulit ang kutsara at tinidor saka ipinagpatuloy niya ang pagkain.
Matapos niyang kumain ay sinamahan siya ni ate Arlene na pumunta sa opisina ni Mr. Ferrero. Pero hanggang sa labas lang ito at siya na lang ang pumasok sa loob.
Kumatok muna siya nang tatlong beses bago niya itinulak ang double glass door at pumasok.
Nakita naman niya ang lalaki na nakaupo sa swivel chair nito habang may ginagawa sa harap ng laptop nito.
Naglakad siya palapit dito. Huminto rin siya ng isang metro na lang ang layo ng pagitan niya at ng table nito.
Hindi niya alam ang sasabihin niya rito kaya tumikhim na lang siya para ipaalam dito na nasa harap na siya nito, in case kung hindi man nito namalayan.
“Have a seat.” sabi nito. Ang mga mata ay nanatili pa rin sa screen ng laptop nito.
Naupo naman siya sa isa sa dalawang upuang nasa harap ng desk nito. Itiniklop nito ang laptop at binuksan ang drawer na nasa harap nito.
May inilabas itong brown folder roon at iniabot sa kaniya. Nagtataka man ay tinanggap naman niya iyon.
“Ano ‘to?”
“Rules.”
“Rules?” ulit lang niya sa sinabi nito.
“Just read it. Kung may reklamo ka sabihin mo.”
Agad naman niyang binuklat ang folder at binasa ang mga nakasulat doon na rules na sinasabi nito.
KINABUKASAN ay hindi na niya naabutan si Mr. Ferrero nang bumaba siya. Ang sabi ni ate Arlene ay maaga raw itong umalis papunta sa opisina nito.
Ipinakilala rin siya ni ate Arlene sa mga kasamahan nito sa mansion. Katulad nito ay mga mababait din ang mga kasama nito at agad din niyang nakapalagayan ng loob maliban kay Meriam. Medyo aloof sa kaniya ang babae at mukhang ayaw siya nitong kausap.
Pero hinayaan na niya. Alam naman niya na hindi lahat ng tao magugustuhan siya. Lalo pa at alam ng mga ito kung ano siya rito sa bahay ng amo ng mga ito.
“Alam mo bang gulat kaming lahat kagabi nang sabihin ni Sir na maghanda ng maraming pagkain dahil sa mansion daw siya kakain ng dinner kasama ka.”
Mula sa labas ng bintana ng sasakyan ay nabaling ang tingin niya kay ate Arlene. Nasa loob sila ng sasakyan. Pupunta sila sa Mall para bumili ng mga damit at gamit niya.
“Bakit?” may pagtatakang tanong niya rito. Bakit naman ang mga ito magugulat kung sa mansion kakain ng dinner ang amo ng mga ito? Natural naman siguro iyon, dahil bahay nito iyon.
“Kagabi pa lang kasi nangyari na sa mansion kumakain ng hapunan niya si Sir.”
“Talaga?” nakyuryos na tuloy siya.
“Oo, Miss. Kaya lahat kami masaya, maliban nga lang doon sa inggiterang si Meriam.”
Napalunok siya. "Hayaan niyo na siya, ate Arlene."
Nang mapatingin siya sa rearview mirror ay kita niya ang isang itim na sasakyan na nakasunod sa kanila. Sakay n’yon ang dalawang bodyguards na itinalaga ni Mr. Ferrero para bantayan siya.
I’m giving you everything you want, and you need. Money, luxury cars, house, clothes, jewelries, and we can travel to every places you wanted.
She sighed nang maalala niya ang napag-usapan nila kagabi ni Mr. Ferrero. Kapalit n'yon ay sundin niya lahat ng rules na nakasulat doon sa kontratang ibinigay nito sa kaniya.
Tatlo lang din naman iyon. Una, tawagin niya ito sa pangalan nito. Pangalawa, sundin niya lahat ng mga ipapagawa nito sa kaniya at kung kailangan siya nito sa kama ay naroon kaagad siya at handang ibigay ang pangangailangan nito. At ang pangatlo na mahigpit talaga nitong ipinagbabawal ay bawal siyang ma-in love dito.
It was an indefinite agreement. Ito lang ang magde-desisyon kung kailan nito tatapusin ang agreement na ‘yon. Pero nagpasalamat naman siya at hindi siya nito pinagbabawalan na umalis ng mansion basta kasama niya si ate Arlene at ang dalawang bodyguards na itinalaga nito para bantayan siya at si Mang Ben, na magiging driver niya kahit saan siya magpunta. Maliban na lang kung nasa University siya.
Yes, she can continue her studies. Isa iyon sa hiniling niya kay Mr. Ferrero at ito na rin ang bahala sa tuition fees niya.
Na-inform na rin niya lahat ng Professor niya na next week na siya makakapasok, alibi niya ay nagkasakit siya at sinabi rin ni Mr. Ferrero sa kaniya na ito na ang bahala para makakuha siya ng medical certificate as a proof na nagkasakit talaga siya ng ilang araw.
Inihinto ni Mang Ben ang sasakyan sa ground parking lot ng isa sa napakalaking Mall dito sa Maynila.
Binuksan ni ate Arlene ang pinto sa gilid nito at lumabas. Akmang bubuksan na rin sana niya ang pinto sa gilid niya nang may nagbukas na n’yon para sa kaniya.
“Salamat,” aniya sa bodyguard na siyang nagbukas ng pintuan ng sasakyan para sa kaniya.
Magalang na yumukod lang ito sa kaniya saka dumistansiya.
“Halika na, Miss Summer. Excited na akong mag-shopping para sa‘yo. At saka naroon na raw sa loob ang secretary ni Sir Colton.” puno ng excitement sa boses na sabi ni ate Arlene.
“Secretary? Bakit daw?"
“Siya ang makakasama natin sa pagsa-shopping.”
Oh! Tumango na lang siya.
Walang masyadong tao ang mall nang pumasok sila sa loob. Nakita naman agad ni ate Arlene ang secretary ni Mr. Ferrero na nakaupo habang naghihintay sa kanila.
“Hi. I’m Dianna, Mr. Ferrero’s secretary.” nakangiting pagpapakilala ng babae sa kaniya. Maganda ito. Matangkad at mukhang hindi rin nalalayo ang edad nito kay ate Arlene.
“Summer po, Ma’am—”
“Oh, no. Don’t call me that. Baka ‘pag nalaman ni Sir, masisante pa ako.” sabi nito sa nagbibirong tono.
Uminit naman ang pisngi niya. Mukhang alam din siguro nito kung anong papel niya sa buhay ni Mr. Ferrero.
“Call me, Dianna, ‘kay.” Tumango na lang siya. “So, shall we start?”
Nauna itong naglakad at sumunod lang sila ni ate Arlene. Nasa likod din nila ang dalawang bodyguards niya. Si Mang Ben naman ay nagpa-iwan doon sa parking.
“H’wag kang mag-aalala, Miss Summer. Mabait si Ma’am Dianna.” bulong sa kaniya ni ate Arlene.
Nakampante naman siya. Kita naman niya sa mukha at kilos ng babae na mabait ito. Hindi siya hinusgahan kagaya nina ate Arlene at ng mga kasama nito sa mansion.
“Good morning, Miss Dianna.” bati kaagad ng sales lady kay ate Dianna, sa unang boutique na pinasukan nila. Mukhang kilalang-kilala na nito si Miss Dianna.
Sinabi naman ni Miss Dianna ang mga kailangan niya. Iginiya naman siya ng sales lady sa mga nakahilerang damit na naroon sa boutique ng mga ‘to.
Nalula pa siya sa presyo. Ang mamahal!
Though before, makaka-afford naman siya na bumili ng ganito dahil sa malaking pera na natatanggap niya buwan-buwan mula sa benefactor niya pero sa halip na bumili ay mas pinili niyang bumili nang hindi gaanong mahal para maka-save at ipapadala na lang niya ang perang naipon sa orphanage para makatulong.
Hindi pa nga pala siya nakatawag kay Mother Selvie. Kaya kailangan niyang makabili ng bagong cellphone para matawagan niya ito.
Matapos nilang mabili lahat ng mga kailangan niya, damit, sapatos, sandals, jewelries at kung anu-ano pa ay dinala naman sila ni Miss Dianna sa isang mamahaling restaurant para mag-lunch.
Pero nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang isang kilala niyang grupo ng mga lalaki ang pumasok sa restaurant at pumuwesto pa ang mga ito malapit lang sa kanila. At isa roon ang lalaking kinasusuklaman niya. Hanggang ngayon pa rin pala kasama pa rin nito ang mga gagong barkada nito.
Kumuyom ang mga kamay niya at ramdam niya ang pagbaon ng kutsara at tinidor sa balat ng palad niya habang nakatitig siya sa lalaking matagal na niyang binaon sa limot.
Suminghap siya nang mag-angat ito ng tingin at magtama ang mga mata nila. Mukhang nagulat din ito nang makita siya.
“Summer, okay ka lang ba?” tanong ni ate Arlene sa kaniya. Marahang siniko pa siya nito kaya nabaling ang atensyon niya rito. Nakatingin ito sa nakakakuyom niyang mga kamay.
She loosened the grip on the fork and spoon. Ngumiti siya rito at tumango saka tumayo at nagpaalam na magbabanyo lang muna.
Shit! Sana hindi nakita nina ate Arlene at Dianna ang reaksyon niya nang makita ang lalaking ‘yon. Sa loob ng ilang buwan na sinikap niyang hindi na magtagpo ang landas nila ng gagong lalaking ‘yon, dito pa sila ulit nagtagpo.
Marahas na bumuntonghininga siya. Dapat hindi na siya apektado. Matagal na ang nangyaring ‘yon. Tapos na at dapat na talaga niya itong kalimutan.
Naghugas siya ng mga kamay at inayos niya ang sarili bago lumabas ng banyo. Pero nagulat siya nang may biglang humawak sa kaliwang braso niya.
“Can we talk, Summer?”
Naniningkit ang mga mata at nagtagis ang mga ngiping nilingon niya ang taong iyon.
Mabilis na umigkas ang isang palad niya at dumapo iyon sa kaliwang pisngi ng lalaki.
“Get lost, Kristoffer.” madiing sabi niya at agad binawi ang braso niyang hawak nito.
“I’m sorry. Hindi ko naman—” muli niya itong sinampal.
“Ang kapal ng mukha mong kausapin mo pa ako matapos niyo akong paglaruan at pagpustahan.”
"Let me explain, please..." he plead.
Malamig lang niya itong tiningnan.
"Save it. I don't want to hear it anymore."
Nang makita niyang papalapit na sa kanila ang dalawang bodyguards niya ay agad na niya itong tinalikuran.