Chapter 4

2354 Words
SUMINGHAP si Summer nang bumungad sa kaniya ang napakalawak na silid. Sa harap niya ay gawa sa thick glass na wall. Kaya kitang-kita niya mula rito sa kaniyang kinatatayuan ang mga naglalakihang building sa labas. Sa gitna nitong silid ay isang luxury executive office desk. Dalawang upuan na nasa harap at isang itim at mataas na swivel chair na nasa likod naman ng executive desk. Nakatalikod din iyon sa gawi nila ng lalaking kasama niyang pumasok dito sa loob. Maliban sa laptop at kaunting papel na nakapatong sa mesa ay wala na siyang ibang gamit na nakikita. “Boss, nandito na siya.” sabi nang lalaki. Muling tumambol ng malakas ang dibdib niya. Nakita niyang umikot ang swivel chair paharap. At kaagad niyang nahigit ang hininga nang makita niya ang lalaking tinawag na boss nitong lalaking kasama niya na nakaupo roon. Tumayo ito. So, hindi ito baldado kagaya ng iniisip niya kanina. Tumingala siya rito. Halos pigilan naman niya ang paghinga habang nakakatitig siya sa lalaki. Matangkad ito at kulay hazel ang mga mata. Moreno, makapal ang mga kilay, matangos ang ilong at makinis ang mukha. Sa tingin niya ay nasa mga 40's na ito hindi gaya ng iniisip niya kanina na matandang uugod-ugod na. Nang bumuka ang natural na mapula nitong mga labi ay natulala siya. “You may leave.” malamig at mababa ang boses na utos nito sa tauhan nito. Bahagyang yumukod ang lalaki sa boss nito saka tumalikod at lumabas ng silid. Kaagad naman siyang natauhan nang balingan siya ng tingin ng lalaki. Napaatras siya. Mas domoble na rin ang kabang naramdaman niya. He is tall, probably over six feet. Sa takot niya ay mabilis siyang pumihit at tatakbo na sana papunta sa may pinto nang mabilis naman nitong nahawakan ang braso niya. Malakas siyang suminghap at nagpumiglas. “B-Bitiwan niyo ako!” sigaw niya, patuloy pa rin siyang nagpupumiglas. “Parang awa niyo na, Sir, pauwiin niyo na ako.” Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. Nakita naman niyang natigilan ito. Binitiwan din nito ang braso niya. Tumakbo siya palabas ng silid. Nagulat pa siya nang bumungad sa kaniya ang dalawang lalaking sumundo sa kaniya kanina. Akmang hahawakan na sana siya ng mga ito para pigilan nang bumukas ang doble glass door at lumabas doon ang boss ng mga ito. “Don’t touch her. Hayaan niyo siya.” maawtoridad na sabi ng lalaki. Umatras naman ang dalawang tauhan nito at gumilid para makadaan siya. Sa takot niya sa mga ito ay kaagad na siyang kumaripas ng takbo patungo sa elevator. Nanginginig ang kamay na pinidot niya ang button at nang bumukas ay kaagad siyang pumasok sa loob. Nakita pa niya ang lalaki na nakatayo pa rin sa labas ng pintuan ng silid na ‘yon. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa bulsa ng suot nitong itim na pants habang nakatingin sa kaniya. NANLULUMONG naupo na lang si Summer sa isang sulok dito sa labas ng mansion. Hapong-hapo ang pakiramdam niya dahil kanina pa siya ikot nang ikot para maghanap ng malalabasan pero wala siyang mahanap. Sobrang tayog ng gate at hindi niya naman kayang akyatin. Kaya pala hinayaan lang siya ng lalaking ‘yon dahil kampante naman pala ito na hindi talaga siya makalalabas ng bakuran nito. May mga tauhan din ito sa paligid pero hindi naman siya hinaharang o sinisita. Wala ring nagtangkang lapitan siya. Hinayaan lang siya ng mga ito. Ilang oras pa ang lumipas ay nagsimula nang kumirot ang balat niyang kanina pa natatamaan ng araw. Tanghali na at nagugutom na rin siya. Ayaw naman niyang bumalik sa loob ng mansyon dahil natatakot siya na makulong na naman ulit. Pero ano ba ang kaibahan dito sa labas at doon sa loob kung pareho lang naman na hindi siya makaalis sa bahay na ‘to? She sighed. Itinaas niya ang mga tuhod at pinagdikit. Pilit din niyang ibinaba ang laylayan ng maikling dress na pinasuot sa kaniya nang babae doon sa Casa. Iniyakap niya ang dalawang braso sa magkadikit na niyang mga tuhod at isinubsob ang mukha saka tahimik na lang na umiiyak. Hanggang sa makatulog siya. Pero kaagad din siyang nagising nang maramdaman niyang may bumubuhat sa kaniya. Kinakabahang agad siyang nagpumiglas. “Bitiwan mo ako.” Binitiwan naman siya nito at kaagad din siyang umatras. Marahas na bumuntonghininga ang lalaki. Umayos ito sa pagkakatayo at tinititigan siya. “You’ll be dehydrated if you don't go inside the house.” Napalunok siya. Ramdam nga niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan dahil kanina pa siya nabibilad sa araw. “Mas gustuhin ko pang mawalan ng tubig sa katawan, kaysa ang makulong d’yan sa bahay mo.” “I won’t hurt you and I won’t lock you in.” malalim pero malumanay ang boses na sabi nito sa kaniya. Napakurap siya at napatingala sa lalaki. Sa tangkad nito ay kailangan niyang tumingala para makita niya ang mukha nito. But the moment their eyes met, she felt lost. Parang lahat ng bagay sa paligid niya ay tumigil. Pakiramdam din niya ay silang dalawa lang ang nandito at ang tanging naririnig niya ay ang malakas na t***k ng puso niya. Napalunok siya at iniwas ang tingin dito. “No. Ayoko—ahh!!” napasigaw siya nang walang sabi-sabing binuhat siya nito na parang sako ng bigas. “Ibaba mo ako!” sigaw niya at pinagbabayo niya ang likod nito para lang bitiwan siya. “Damn! Stop hurting me, Solstice, or else itatapon kita sa pool.” matigas na banta nito sa kaniya. Gulat at kaagad na natigil niya ang paghampas sa likod nito. Tumigil din siya sa pagpapasag hindi dahil sa banta nitong ihahagis siya nito sa pool kundi sa pangalang tinawag nito sa kaniya. Paano nito nalaman ang pangalan niya? Ipinasok siya nito sa isang kuwarto. Suminghap pa siya nang walang ingat na inilapag siya nito sa malaking kama. Sobrang lambot naman ng kama kaya hindi siya nasaktan. Mabilis din na umatras siya at isiniksik niya ang sarili sa headboard na tila mapoprotektahan siya n’yon. “Hindi kita puwedeng pakawalan dahil binili na kita. Pag-aari na kita.” madiin nitong sabi sa kaniya. Kita pa niya ang pamumula ng buong mukha nito pati ang leeg nito. “Hindi mo ako pag-aari! Walang nagmamay-ari sa akin!” sigaw niya sa lalaki. Pinigilan din niyang umiyak na naman sa harap nito. The man smirked. Inilabas nito ang mamahalin nitong iPhone mula sa bulsa ng suot nitong black pants at may tinawagan. “Yes. It’s me, Colton Ferrero. Ayaw sa akin ng babaeng binili ko d’yan sa Casa niyo kaya ibabalik ko na lang siya sa inyo.” Agad na namilog ang mga mata niya sa narinig mula sa lalaki. Ibabalik siya nito sa Casa? No! Mabilis siyang bumaba nang kama at walang takot na lumapit siya sa lalaki at hinablot ang cellphone nitong hawak. Napamura naman ito. “O-Oo na, oo na… pagmamay-ari mo na ako. Please, ‘wag mo lang akong ibalik do’n.” she felt defeated. Tinititigan siya nito nang madiin. “That means…” umangat pa ang isang kilay nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nagbuga nang malalim na hininga. “Gagawin ko na ang mga gusto mo. Lahat ng gusto mo gagawin ko. Hindi ko na rin subukang tumakas pa rito.” pikit pa rin ang mga matang sabi niya. Mas gustuhin na lang niyang maging alipin nang gurang na lalaking ‘to kaysa maging parausan ng mga parokyano doon sa Casa na ‘yon. Bigla siyang kinilabutan nang maalala niya ang hitsura ni Pia na nasa ibabaw ng lalaking costumer nito. At alam niyang hindi lang iyon ang magiging costumer nito sa araw na ‘yon. Marami pa. At hindi niya kayang makita ang sarili sa gano’ng klaseng lugar at kung sinu-sino ang magpapasasa sa katawan niya. Napaigtad siya at agad na nagmulat ng mga mata nang dumapo sa pisngi niya ang mainit nitong palad. “Really? Lahat?” Kagat ang pang-ibabang labing tumango siya. She doesn’t have a choice. Bumaba ang kamay nito sa gilid ng leeg niya at marahan nito ‘yong pinisil kaya napatingala siya rito at bahagya pang umawang bibig niya. Amusement flickered on his hazel eyes. Sobrang lapit na rin nito sa kaniya. Hinaplos ang batok niya na nagbigay naman ng matinding kilabot sa katawan niya. Kilabot na may kasamang kiliti na hindi niya maintindihan. Bumaba ang mga mata nito sa bahagyang nakaawang niyang bibig. Nanigas na lang siya sa kaniyang kinatatayuan nang ilapit nito ang mukha niya sa kaniya. “I want you to be my bedwarmer.” MATAGAL nang nakalabas si Colton sa silid na pinagdalhan nito sa kaniya kanina. Pero nanatili pa rin siyang nakatayo at nakatitig sa pintuan. He wants her to be his bedwarmer… Bedwarmer. Parausan. Anong pinagkaiba n’yon doon sa Casa? Magkaiba ba dahil ito lang ang gagalaw sa kaniya? Ngunit paano kung magsawa na ito sa kaniya? Paano siya makasisiguro na hindi siya nito ipamimigay sa mga tauhan nito na parang isang bulok na karne? Nanghihinang napaupo na lang siya sa kama at nagyuko ng ulo. Pero agad na napaangat ang tingin niya sa may pintuan nang bumukas iyon. Akala niya si Colton na naman pero isang babaeng nakasuot ng maid’s uniform ang pumasok. May dala itong tray na may lamang umuusok pang pagkain. Kaagad din niyang nalanghap ang bango ng ulam na mas lalong nagpapakalam ng kaniyang sikmura. Inilapag na muna nito ang tray sa bedside table saka bumaling sa kaniya at ngumiti. “Kumain na po kayo, Ma’am.” nakangiti pa rin na sabi nito sa kaniya. Tumingin siya sa mga pagkaing nasa tray. Kagabi pa siya hindi kumakain kaya hindi na siya nagpapapilit pa at agad na nilantakan ang mga pagkaing dala nito. Nakatayo lang ito sa gilid niya na tila naghihintay kung ano ang inuutos niya. Naubos niya lahat ng pagkaing dala nito pati ang dalawang slice nang mangga ay naubos din niya. Dinampot niya ang isang basong tubig at uminom. “Salamat, Ate,” aniya sa babae. Dumighay pa siya sa sobrang busog. “Walang anuman, Ma’am. Kung gusto niyo pa po, kukuha pa ako ng pagkain sa kusina. Marami pa roon.” “Naku, ‘te. Busog na ako. At saka puwede bang Summer na lang ang itawag mo sa akin.” “Hala, Ma’am, hindi po puwede baka po magalit si Sir Colton.” Umiling siya. “Hindi ‘yan. Summer na lang, please.” she plead. “Miss Summer na lang ang tawag ko sa inyo." anito. She sighed then nooded her head at her. "Salamat, Miss. Nakakailang talaga na tawagin ko kayo ng deretso sa pangalan niyo. Tawagin niyo na lang din po akong ate Arlene.” "Bakit? Ilang taon na po ba kayo?" tanong niya rito. "Thirty na po ako, Miss." Oh! Thirty na pala ito. Akala niya nasa late 20's pa lang ito. May kumatok sa pinto at agad naman na binuksan iyon ni ate Arlene. Nakita niyang isang lalaki ang nag-abot dito ng maraming paper bags. Nagpasalamat ito saka nito isinara ulit ang pinto. “Miss, pinabibigay po ni Sir Colton sa inyo.” sabi nito at inilapag sa paanan ng kama ang mga paper bags. Tumayo siya at tiningnan ang mga laman ng mga paper bags. Dresses, shorts, t-shirts and undergarments ang laman ng limang paper bag. May mga pabango rin, dalawang pares ng sandals at tatlo naman ang shoes na galing sa mga mamahaling boutique. Kinuha niya ang isang black t-shirt, cotton shorts at isang pares na panloob saka nagpaalam na papasok na muna siya ng banyo para maligo. Pagkapasok niya sa loob ng banyo ay agad siyang napanganga sa lawak. May bathtub. Shower room na puro glass ang wall at kung sino man ang maliligo sa loob ay makikita talaga. Maganda rin at malaki ang bathroom niya sa condo pero doble ang ganda at laki ng banyong ‘to. Napatitig siya sa bathtub. Ang sarap sanang maglunoy doon para ma-relax ang kaniyang katawan pero pinili niyang ‘wag na lang muna. Hinubad niya ang maikli at fitted dress na suot niya at pumasok siya sa shower room. Dahil wala naman siyang dalang sabon at shampoo ay ginamit niya ang naroon. Matapos maligo ay lumabas siya at kinuha ang towel na nasa rack at tinuyo niya ang sarili. Nakabihis na siya at tinutuyo na lang niya ang kaniyang hanggang balikat at tuwid na buhok sa tuwalya na lumabas siya ng banyo. Pero natigilan siya nang makita niya si Mr. Ferrero na nakaupo sa gilid ng kama paharap sa kaniya. Tumibok ng malakas ang puso niya. Gano’n pa rin ang suot nito. Isang itim na long sleeve polo shirt na tinupi lang nito hanggang sa siko nito kaya kita niya ang pinong buhok sa braso nito at maugat din ang mga iyon, na mas lalong nagpadagdag sa authority ng mukha nito. He looks intimidating! Nahigit niya ang hininga nang tumayo ito at naglakad palapit sa kaniya. He even scanned her from head to toe that made her blushed. Sa titig din nito sa kaniya ay parang hinuhubaran na siya nito. Kasabay ng paghinto nito sa paglapit sa kaniya ay ang paghinto naman ng mga mata nito sa maputi at mahahaba niyang biyas. Napalunok siya saka tumikhim. Nag-angat naman ito ng tingin sa mukha niya. “I asked my secretary to bought you clothes. Glad it will fit you.” “Hanggang kailan mo ako gawing bedwarmer mo?” deretsang tanong niya rito. Gusto niyang malaman kung hanggang kailan para alam niya kung kailan siya e-exit sa buhay at bahay nito. Bumilis lalo ang pagragasa ng t***k ng puso niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. “Hanggang sa gusto ko at kung sa tingin ko ay sapat na ang serbisyo mo sa isang daang milyon na ibinayad ko sa‘yo.” he said in low tone of voice. Napaawang ang bibig niya. Isang daang milyon siya binili nito? Tumalikod ito at naglakad na papunta sa pinto. Hinawakan nito ang doorknob. “Hindi na ako virgin, Mr. Ferrero. So, I don’t think na worth it ang perang binili mo sa akin.” aniya na ikinatigil naman nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD