Chapter 3: SPG

2507 Words
TAKOT ang kaagad na nararamdaman ni Summer nang magising siya sa isang madilim na silid. Nakabaluktot siyang nakahiga sa sahig habang nakagapos ang dalawang kamay niya sa kaniyang likuran. Muli niyang naipikit ang mga mata dahil sa pagkirot ng ulo at medyo hilo pa siya. Ano ba ang pinalanghap ng mga dumukot sa kaniya kanina? At saan ba siya ng mga ito dinala? Nahihirapan man dahil sa kaniyang sitwasyon ay pinilit niyang makabangon at maayos na makaupo. Nang magawa ay agad niyang inilibot ang mga mata sa kung saan siya pero wala siyang makita sa sobrang dilim ng paligid. "Tulong!" sigaw niya, sa pag-asang may makaririnig sa kaniya. "Tulong! May tao ba d'yan? Palabasin niyo ako rito!" “Shh! Tumahimik ka, Miss. Walang tutulong sa ‘yo rito. Mapapaos ka lang sa kakasigaw.” Napakurap siya at napalingon sa kanang bahagi niya nang may babaeng nagsasalita mula roon. Hindi pa rin niya ito maaninag dahil sa sobrang dilim nang silid na kinaroroonan niya. Pero ang malamang may kasama siya rito sa loob ay nakapagbibigay ginhawa sa kaniya. “Sino ka? Pakawalan mo ako rito.” hikbi niya. Hindi ito sumagot kaya nagsalita siya uli. “Parang awa niyo na, Miss, pauwiin niyo na ako.” “Ako si Pia at pareho lang tayong nakakulong dito.” Nanlumo siya. Nawalan ng pag-asa sa sinabi nito. “Dinukot din nila kami para pagkakakitaan.” She gasped “K-Kami? I-Ibig mo bang sabihin na hindi lang ikaw at ako ang nandito?” tanong niya kay Pia. Hindi pa rin niya ito nakikita dahil sa sobrang dilim nang paligid at hindi pa nakapag-adjust ang kaniyang mga mata. “Oo, marami kami noon. May anim pa na mga babaeng nandito noon nang dumating ako. Pero ngayon ako na lang ang natitirang nandito dahil naibent na sila ng mga dumukot sa amin.” Unti-unting nag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ni Pia. Dinukot siya ng mga lalaking nakamaskara ng itim para ibenta. Para pagkakakitaan! “Hindi ito puwede. Kailangan nating gumawa ng paraan para makatakas tayo rito.” aniya. Unti-unti na rin na nakapag-adjust ang kaniyang mga mata sa dilim. Nasa isang napakalaking kuwarto pala siya pero nakakulong sa isang human cage na parang aso. Kita niya ang malaking padlock sa pintuan na gawa sa metal bar na kinaroroonan niya. Sa tingin niya ay nasa sampung cage na gawa sa metal bar ang nandito. “Ginawa na namin ‘yon ng mga kasamahan ko dati…” muli ay napatingin siya sa kung saan nanggaling ang boses ni Pia. “Pero hindi kami nagtagumpay.” dugtong pa nito. Dahil tuluyan ng nakapag-adjust ang mga mata niya sa dilim ay malinaw na niyang nakikita roon ang isang babae. Nakakulong din ito sa isang metal bar. Maganda ito. Maputi, matangos ang ilong, at unat ang itim at hanggang balikat nitong buhok. Sa tingin din niya ay matanda lang ito sa kaniya ng isa o dalawang taon. Ikinuwento ni Pia sa kaniya kung bakit hindi ang mga ito nagtagumpay na tumakas. Nahuli raw ang mga ito ng mga lalaking dumukot sa mga ito. Pinarusahan ang mga ito na ikinamatay naman ng isang babae dahil hindi nakayanan ang parusang ipinataw ng mga dumukot sa mga ito. “Kaya mula noon, hindi na namin tinangkang tumakas pa dahil sa takot hanggang sa unti-unti ay nauubos ang mga kasamahan ko dahil may bumibili na sa kanila.” Kung gano’n maghihintay na lang din siya na may bumili sa kaniya? Tiningnan niya ang malaking padlock na nakakandado sa pinto. Mukhang imposible nga na makatakas siya. Lalo na sa kalagayan niyang nakagapos ang mga kamay. Pero hindi pa rin siya tumigil sa pag-iisip kung paano makatakas hanggang sa makatulog siya. Nagising lang siya nang makarinig siya nang ingay. Agad naman siyang kinabahan at naging alerto nang makita may lalaking nagbukas ng pintuang bakal kung saan siya ikinulong ng mga dumukot sa kaniya. “Mabuti naman at gising ka na, Miss byutipol.” sabi nang matandang lalaki. Nakangisi itong nakatunghay sa kaniyang harapan. Kita pa niya ang ngipin nitong naninilaw at hindi pa pantay. Suminghap siya nang yumukod ito, hinawakan ang kaniyang kaliwang braso at sapilitang pinatayo. Kaagad na nagpumiglas siya. Pero mas malakas ito kaya ang gusto pa rin nito ang nasusunod. “Labas!” sigaw nito. Tinulak pa siya nito at muntik pa siyang sumubsob sa sahig kung hindi lang niya naibalanse ang katawan. “Bitawan mo ako, ano ba?!” Narinig niyang sigaw ni Pia kaya agad siyang napatingin sa kinaroroonan nito. Nakita niyang inilabas din ito ng isa pang matandang lalaki. “Tang-ina! Ang tagal mo na rito, nag-iinarte ka pa rin?” sabi ng matandang lalaki kay Pia. “Ayaw ko na, please… pauwiin niyo na ako.” umiiyak na pakiusap ni Pia sa lalaki. Nanginginig ang mga kamay niya at nanlalamig sa takot. Tumulo na rin ang mga luha niya. Muli siyang suminghap nang muli ay itinulak siya palakad ng matandang lalaki na naglabas sa kaniya sa kulungan. Pagkalabas nila sa silid na ‘yon ay dinala siya nito sa isa pang kuwarto. Tinanggal nito ang lubid na nakagapos sa kaniyang mga kamay. “Sige, pasok!” anito at muli siyang itinulak dahilan para mapasalampak siya sa sahig. She felt the pain on her butt and grunted. Mas lalo siyang naiyak. “Hoy, magbihis ka na at parating na ang mga tauhan ng nakabili sa ‘yo.” She was taken aback when goosebumps raised into her skin. Tumaas-baba ang kaniyang dibdib sa takot at binalingan niya ang babaeng nagsalita sa likuran niya. May hawak itong damit sa isang kamay nito habang naninigarilyo. Agad niya itong nilapitan at hinawakan ang makinis nitong braso. Natigil naman ito s apaninigarilyo at tamad siyang tiningnan. “Parang awa niyo na po, Ate. Ayoko po rito! Palabasin niyo na po ako rito.” pakiusap niya. Tumulo ang kanyang luha sa kanyang at ramdaman din niya ang butil-butil ng pawis sa kanyang mukha. Mas gustuhin na lang niyang mamatay kaysa ang magpagamit! “Puwede ba!” sikmat nito at itinulak pa siya. “Ang arte-arte mo! Ang laki ng ibinayad ng costumer ni boss para lang mapasakaniya ka! Kaya kahit na ano pa ang gawin mong pagmamakaawa, wala pa rin na mangyayari.” Muli itong humithit sa sigarilyo nito at pataas na binuga ang usok n’yon. Suminyas ito at ilang sandali pa ay may lumapit sa kaniyang lalaki na sa tingin niya ay kaedad lang nitong kaharap niyang babae. Lumakas ang hikbi niya nang sapilitan siya ng mga itong pinagbihis. “Bitiwan niyo ako! Mga hayop kayo!” sigaw niya at pilit na pumalag sa mga ito. She grabbed the man’s arm and bit it. Napahiyaw ang lalaki at pasalya siyang binitiwan kay muling napasalampak siya sahig. “Tang-ina pala ang babaeng ‘to e.” akmang hahampasin na sana siya ng kamay nito nang sigawan ito ng babae. “Tumigil ka, Butyok! Bayad na ang babaeng ‘yan at kabilin-bilinan ni boss na bawal ‘yan magalusan o kahit magkapasa man lang dahil utos ng may-ari na n’yan.” Napaawang na lang ang bi niya. Bayad? May bumili na sa kaniya? Patuloy pa rin na tumulo ang masaganang luha sa mga mata niya. Tila dumilim ang mundo niya at natabunan ng karimlan. “Sige na! Lumabas ka na at baka ikaw ang hampasin ko d’yan!” taboy ng babae doon sa lalaki. Kaagad naman na lumabas ang lalaki. Hindi rin nagtagal ang babae at lumabas din ito ng silid. Narinig pa niya ang pag-locked ng pinto. Tumigil siya sa pag-iyak at naghanap nang puwedeng daanan. Inilibot niya ang tingin sa buong silid. Pero agad siyang nanlumo nang makitang wala man lang ni isang bintana itong silid na kinaroroonan niya. Tumayo siya at lumapit sa may pinto. Sinubukan niyang pihitin ang seradura pero naka-lock talaga ang pinto. Nanlulumong napayuko na lang siya. There’s no way to escape! She is in jailed! Ngunit agad siyang natigilan nang may makita siyang itim na hairclip sa sahig. Mabilis niya ‘yung dinampot. Nanginginig pa ang mga kamay niya at sinubukan niya ‘yung gamitin para buksan ang pinto. Pumikit siya at nagdarasal na sana gumana at ma-unlocked niya ang pinto gamit itong hairclip. Huminga siya nang malalim at nag-concentrate sa kaniyang gagawin kahit halos sumabog na ang puso niya sa sobrang pagkalabog n’yon. Halos mapasigaw naman siya nang marinig niyang nag-click ang seradura at nang pihitin niya ay hindi na naka-lock. Hindi na rin siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis niyang pinihit pabukas ang pinto at lumabas. Tahimik ang paligid at mukhang walang tao kaya agad niyang binaybay ang pasilyo. Napakalaki nitong bahay na pinagdalhan sa kaniya ng mga dumukot sa kaniya. Sana ito ang tamang daan palabas. Pero kaagad siyang napahinto nang makarinig siya ng mga hiyawan at ungol. She knows, it was groaning! Huminto siya sa nakabukas na pinto at sumilip doon. Pero agad namilog ang mga mata niya nang makita niya si Pia na nasa ibabaw ng isang lalaking hindi niya kilala. Tila natuklaw siya ng ahas sa nasaksihan. Ang paggapang ng lamig sa mukha niya ay sinabayan ng paggapang ng mga kamay no’ng lalaki sa dibdib ni Pia. “Ohh! Ohh… s**t! Ang sarap mo, Pia! Sige bilisan mo pa!” pumikit pa ang lalaki at tinaas ang balakang para salubungin ang ginagawa rito ni Pia. Napatitig siya sa mukha ni Pia. Nakapikit ito. Butil-butil ang pawis sa mukha nito na naglandas sa maputi nitong leeg hanggang sa dibdib nito. Kagat pa nito ang pag-ibabang labi na tila sarap na sarap sa ginagawa nito sa ibabaw ng lalaki. Taliwas sa narinig niyang pagmamakaawa nito kanina na pakawalan na ito dahil hindi na nito kaya. The man groaned again. Suminghap siya at agad natutop niya ang bibig nang mabilis na bumangon ang lalaki. Itinulak nito si Pia padapa at itinaas ang balakang at kaagad itong umulos mula sa likuran ni Pia. Kumuyom ang mga kamao niyang nasa tagiliran niya. “Uhh-hmm! Ahhh!” Pia whimpered. “Masarap?” “Ahhh… yes, babe!" Agad naman siyang natauhan sa narinig mula kay Pia. So, she likes what that man is doing to her! Mabilis siyang umatras at tumakbo na siya palayo sa silid na iyon. Pero nasa isip pa rin niya si Pia. Ang hitsura nito na umiiyak habang nagmamakawa doon sa matandang lalaki kanina na pakawalan na ito. Kaya paanong… Hindi kaya pinainom nila si Pia ng… “Hoy! Saan ka pupunta?” Kaagad na namilog ang mga mata niya nang may lalaking nakakita sa kaniya na tumatakbo papunta sa malaking pintuan ng bahay. “Tigil!” sigaw nito. Pero hindi siya huminto at mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba. Mabilis niyang pinihit ang seradura ng pinto nang tuluyan na siyang makaabot doon. Nagpasalamat naman siyang hindi naka-lock kaya bago pa man siya maabutan ng lalaki ay nakalabas na siya. Hindi na niya inisip na nakapaa lang siya at mabilis na tumakbo siya papunta sa may gate. Pero bago pa man siya makarating sa malaki at matayog na gate ay nahinto na siya nang makarinig siya nang sunud-sunod na putok ng baril. Nanginginig ang mga kamay na ipinantakip niya iyon sa magkabilang taenga niya at nagyuko ng ulo. Mahigpit na hinawakan siya nang lalaki sa kaniyang braso at kinaladkad siya pabalik sa loob ng bahay. Sinubukan pa niyang magpumiglas pero hindi pa rin siya makawala dahil sa lakas nito. Ibinalik siya nang mga ito sa loob ng silid at ikinulong na naman sa maliit human cage. “Pasalamat ka at mahigpit na ibinilin sa amin ni boss na bawal kang masaktan. Kung hindi tatamaan ka talaga sa akin!” galit na sigaw sa kaniya ng lalaki. “Mga hayop kayo! Mga wala kayong kaluluwa! Pagbabayaran niyo sa batas itong mga ginawa niyo!” pagsisigaw rin niya. Pero tumawa lang ang lalaki. “Sobrang yaman ni boss. At mas yayaman pa siya dahil sa ‘yo kaya wala pa ring magagawa ‘yang batas na sinasabi mo.” anito saka lumabas na ng silid. Nanlulumong napaupo na lang siya sa sahig. Pero agad din siyang napatayo nang bumukas ulit ang pinto at pumasok ang babaeng sapilitan siyang binihisan kanina. “Sinubukan mo palang tumakas kanina. Pasalamat ka talaga at ayaw kang masaktan ng nakabili sa ‘yo.” “Mga salbahe kayo. Mga wala kayong konsensya.” nagtatagis ang mga ngipin na madiin niyang sabi rito. “Well, as long as magkakapera kami. Oh, anyway, nandito na ang mga tauhan ng taong bumili sa ‘yo. Susunduin ka na nila.” Nanlamig siya at dumadagundong ang dibdib. Hindi… WALANG ibang namayani sa loob ng van kundi ang mga hikbi niya. Ilang minuto na rin na tumatakbo itong van. Kahit may may telang nakapiring sa mga mata niya, ramdam pa rin niya ang pamamaga at hapdi ng kaniyang mga mata. At dahil nakapiring ang mga mata niya ay hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga tauhan ng lalaking nakabili sa kaniya. Pakiramdam niya ay bibitayin siya at ito na ang huling araw niya rito sa mundo. Wala namang sumasaway sa kaniya. Hindi rin siya sinisigawan ng mga lalaking sumundo sa kaniya, unlike ng mga lalaking nado’n sa Casa. Naramdaman niyang huminto ang van. She feared for her life. Nagdasal siya at napalunok ng ilang beses para man lang mabawasan ang takot sa dibdib niya. If this is her last resort, she'll beg for her life to whoever this old monster who bought her. Sinimulan na rin niyang buuhin sa isip niya ang mga salitang sasabihin para maawa sa kaniya ang mga ito. Narinig niyang bumukas ang sliding door nitong van. Napaigtad pa siya at mas domoble pa ang kabang nararamdaman niya nang may malaking kamay na humawak sa braso niya. Sinubukan pa niyang palisin ang kamay ng lalaki pero mas diniinan lang nito ang pagkakahawa sa kaniya na ikinasinghap niya. Ibinaba siya ng mga ito. Tinanggal din ang piring sa mga mata niya na ikinahinga niya ng maluwag. “Tayo na.” sabi ng lalaki saka iginiya siya papasok sa loob ng napakalaking bahay. Pero kung gaano ka-moderno ang bahay ay gano’n naman kaluma ang mga kagamitan sa loob. Pero hindi naman basta luma at walang halaga dahil alam niyang mga antigo ang mga iyon. Mukhang matandang lalaki yata ang nakabili sa kaniya. Namangha pa siya nang sumakay sila ng elevator. Ang sosyal! O baka baldadong matanda ang boss ng mga ito. Nakasakay na lang sa wheelchair kaya may elevator rito sa bahay nito. Huminto ang elevator at bumukas ang pinto. Muli ay iginiya na naman siya nang dalawang lalaki. Kanina pa ang mga ito hindi nagsasalita at tila mga robot na nabubuhay sa tango at tinginan at nagkakaintindihan na kaagad. Binaybay nila ang pasilyo. Unlike sa ibaba na mga antigo ang mga kagamitan, dito ay mga moderno, magaganda at mamahalin. Huminto sila sa nakasaradong double glass door. Itinulak iyon ng isang lalaki at marahang hinila naman siya ng isang lalaki papasok sa loob. Ito na ba talaga ang katapusan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD