“What happened brad?” Muling narinig ni Summer na tanong ni Mr. Buenaflor kay Colton. Sobra-sobra naman ang pagtibok ng puso niya na kailangan niya pang hawakan ang kaniyang dibdib baka sakaling kumalma sa pagkalabog ang puso niya. Alam niya na ang tinutukoy na lupa ni Mr. Buenaflor ay iyong lupa kung saan nakatayo ang bahay ampunan na nabili ni Colton. “There was an orphanage built on that land. A lot of orphan and sick children living there, so, I decided to give way for them.” Narinig naman niyang sagot ni Colton. Napangiti siya. May gumuhit na saya sa puso niya na naisip din pala nito ang mga bata roon. But part of her, was disappointed. Akala kasi niya siya ang dahilan kaya hindi na nito itutuloy pa ang pagpapaalis nito kina Mother at ng mga batang nandoon. “Hmm. And when you s

