Chapter 20

2198 Words

“SUMMER?” Mas lalong nanigas si Summer sa kaniyang kinatatayuan. Parang ipinako na ang kaniyang mga paa at hindi na niya maigalaw. Kumakalabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. Pero alam niya na hindi iyon kaba gaya ng dati kapag nakikita o nakakasama niya si Kristoffer. Isa itong kaba na natatakot. Hindi rin naman niya alam kung bakit siya nakaramdam ng takot. Siguro dahil ex-boyfriend niya ito, and worst nandito ito sa pamamahay ni Colton. Pero anong ginagawa nito rito? Sobrang desperado ba talaga ito na makausap siya at inalam talaga nito kung nasaan siya at agad na nagpunta rito? Humigpit ang pagkakahawak niya sa tray dahil pakiramdam niya mabibitiwan niya iyon dahil nanginginig din ang mga kamay niya. Huminga siya nang malalim at sinikap na walang bumakas na reaksyon sa kaniyang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD