Hindi na ako sinundo ni Ian. Halos dalawang oras din ang layo ng kumpanya nila sa Twenties. Maaksaya sa oras kung mag-a-out siya ng maaga para lang sunduin ako samantalang kayang-kaya ko naman na magmaneho. Considering those, pumili siya ng restaurant na midway naming dalawa.
"Good evening Ma'am." Patapos na ang araw ngunit hindi pa rin matatawaran ang enerhiya at pagiging accommodating ng manager ng restaurant na sumalubong sa akin. Nakita ko kasi ang name plate nito na may nakalagay na manager sa ilalim kaya nalaman ko kung ano ang posisyon ng babaeng kaharap.
"I have a reservation under Ian Zamora," I said. My eyes subtly look around. Mabilis lang pero sigurado ako na napasadahan ko ang bawat sulok ng restaurant. Wala pa si Ian.
Maybe, he is still on the way.
Vip room ang pinagdalhan sa akin ng manager. VIP room is located in front of the restaurant at the building block’s façade, and is disconnected from the restaurant’s main entrance by a public passageway. The concealed window behind the façade allows a filtered connection of the VIP room’s interior with the street, while the corridor window with gradient transparency print provides privacy to the diner party while the ceiling pattern is allowed to continue. Concealed, heavy, dark blue curtains allow the room to be fully enclosed from curious views.
The manager pulls a chair for me. Knowing Ian, sigurado ako na inorder na nito ang mga pagkaing ihahain sa amin pagdating niya, maski ang wine na aming iinumin.
Nang iniwan na ako ng manager. Napako ang tingin ko sa kawalan. Dahan-dahang dumaos-os ang pang-upo ko. I droopily sit on my chair as I await for Ian to be here.
Ten, fifteen...
Sinilip kong muli ang aking cellphone. Twenty minutes. Twenty minutes na siyang huli sa dinner date na siya naman ittong nagyaya at nagbigay ng oras.
Nangalumbaba ako at pumikit. Hindi pa nga tuluyang nagsasara ang talukap ng aking mga mata. Narinig ko na ang pagbukas ng pinto. Amoy ko na kaagad ang pabangong ginagamit ni Ian. Siya mismo ang gumagawa ng timpla non kaya siya lang ang may ganoong amoy, hindi sa buong mundo but at least sa mga taong kilala ko.
Inalis ko ang siko na nasa ibabaw ng lamesa saka matuwid na naupo. Nang magkaharap kaming dalawa, maayos na ang postura ng katawan ko ganoon na rin ang ngiting ipinalamuti ko sa aking labi.
"Hey," bati nito sa akin. Tinaas niya ang baba ko saka iyon pinatakan ng nanunuyong halik. We both smiled widely after that. Dumiretso ito sa kabilang dulo ng parisukat na lamesa pagkatapos.
"How was your day?" paunang tanong nito.
Sa tabi ko ay waiter na ipinakita muna sa akin ang brand ng wine bago niya ako sinalinan sa aking baso.
"Nakatanggap kami ng mga bulaklak galing MB Entertainment. Ang bango-bango ng Twenties dahil sa mga bulaklak na iyon. I sent you pictures of it." Bumagal ng kaonti ang paraan ko nang pagsasalita, "H-Hindi mo ba nakita?" nag-aalangang tanong ko roon.
"Sorry, love. Ang dami ko talagang ginagawa. Hindi ko nasilip iyong messages mo. Pagkatapos nga nating mag-dinner, kailangan ko pang bumalik ng Z.M Jewels, nagpatawag kasi ako ng late meeting kasama ang designers ng love bangles na iri-release namin sa January, tataas ang sales non by the second week of January until February. Pagkatapos non wala na."
"It's a limited edition project?" I asked.
"Ganoon na nga." Present pa rin ang table manners ni Ian kahit na halatang nagmamadali itong ubusin ang main course na nakahain sa plato niya.
Mukhang pinilit niya lang talagang makapunta rito kahit na sobrang busy na siya. Nahihiya na lang siguro ito na mag-cancel ulit dahil ilang beses niya na ngang nagawa iyon.
"How about you? How's Twenties. Kapag hindi na ganoon ka-hectic ang schedule ko. I will attend its first runway show," he said that caught me off-guard. Na-stuck na lang iyong kutsilyo ko roon sa steak at hindi ko na ulit nagawang humiwa nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa fiance.
"You mean, baka hindi ka makapunta sa runaway show ng Twenties?"
"Sorry na. When you told me about it, ang sabi ko naman titingnan ko hindi ba? But I did not promise you anything kasi nga po. Alam ko na baka clashing ang schedule nating dalawa and I don't want to disappoint you, love. Naiintindihan mo naman iyong point ko hindi ba?" I nodded my head and smiles.
Hindi ko na siya ulit tiningnan hanggang sa marinig ko na lang ang kaonting ingay na nagawa ng mga kubyertos nito nang ipinatong niya iyon sa ibabaw ng lamesa.
"Tapos ka na?" I did not ask the obvious, it's my own way of asking Ian if he is leaving. Tiningnan ko ang sariling pagkain na hindi ko pa nga halos nakakalahati.
Pinunasan ni Ian ang labi gamit ang royal blue na table cloth ng restaurant. Dahan-dahan nitong tinulak palayo sa lamesa iyong kinauupuan niya.
"Aalis ka na?" muli kong tanong dito. He kneel his left leg in front of me and take my hand that he tenderly kiss.
"I have to go, love. Hindi na ako puwedeng magtagal. Babiyahe pa ako pabalik ng Z.M. Nandoon na ang lahat nang pinatawag ko sa meeting. Sa pagtayo ni Ian, iniwan ko ang mukha ko sa kaniya nang maramdaman ko na hahalikan niya na ako para magpaalam. Nanatili akong nakatinginan sa aking kaliwa para maiwasan lang ito.
Mabigat ang buntong-hininga nitong tumayo. Imbes na sa labi o pisnge, iyong tuktok na lang ng ulo ko ang hinalikan nito bago umalis.
Naglabas ako ng hangin galing sa aking katawan nang marinig ko na ang pagsara ng vip room.
Binitawan ko ang tinidor ang kutsilyo na hawak saka maayos na sumandal at pumikit.
Nang matapos ang pag-attempt ko na pakalmahin ang aking sarili mula sa iritasyon. Iyong bote ng wine na wala pa sa one fourth iyong bawas ang una kong nakita.
Ininom ko ang natitirang wine sa glass tapos inabot iyong bote at muling nagsalin. Lulunurin ko na sana sa pangatlong baso ang aking sarili nang maalala na kailangan ko pa lang mag-drive pauwi.
I loosen my grip on the expensive bottle of wine. Animo ay bigla akong natauhan. Nabawi ko ang aking sarili mula sa kaisipan na naiinis ako at imbes na awayin si Ian. Magpapakalasing na lang ako.
I shakes my head. Rested on my chair for a fleeting seconds. Pinakiramdam ko muna ang aking katawan. Nang makumpirma na wala namang epekto iyong ilang baso ng wine na nilaklak ko. Tumayo na ako at dinampot iyong bag na nasa aking likuran saka lumakad palabas ng VIP room.
Nakapatay ang ilaw sa bahay. Maski iyong sa gate ay wala. Hindi na naman umuwi si Inez.
Nang masiguradong naka-lock na iyong kotse. Tinuloy ko na ang plano na tawagan si Inez. Habang hinihintay ko na sumagot ito, lumalakad naman na ako papasok sa bahay.
"Alexa, turn the lights on."
"Okay." Wala pang ilang segundo. Unti-unti nang bumukas ang mga ilaw sa buong bahay. Hindi lang sa sala at kusina pati na rin iyong nasa hagdanan at maliit na hallway roon sa secondfloor.
Inez declined my call.
"Alright, missy. You enjoy your night with Yael," I whispered to my phone as if she'll be able to hear those.
Tinanaw ko ang picture frame na nasa ibabaw ng end table sunod sa sofa na kinauupuan ko.
It's the three of us, si Inez, ako at si Elio.
My phone vibrates and lit up. Akala may message sa akin si Yael ngunit isang notification na naman galing sa i********: ang dumating.
JP posted something on his story.
Kita ang side mirror ng isang sasakyan sa video clip, at mula sa salamin ay kita naman ang parang mano-manong pininta sa langit ang kahel at dilaw na kulay ng papalubog na araw, on the background I can hear him singing a song that I haven't heard before. If it's their group songs or from the other artist, I could not figure it out.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang ma-heart react ko ang mga story niya. Nilapag ko iyong cellphone doon sa center table at dinukwang ito ng tingin.
I'm torn between babawiin iyong heart react o hahayaan na lang iyon ng ganoon.
Natapos na lang iyong story niya at napunta na ako story ng ibang accounts. Tumatakbo pa rin sa isip ko na nakakahiya ang pagri-react ko sa story nito. On top of that embarrassment, something inside of me wants to experience the same thing, enjoying the sunset inside of the car while listening to the music, raw voice man o hindi.
I end up exiting on the app without taking back my reaction to the story. Ang liit na bagay lang naman non. Hindi ko alam kung bakit ko ba iyon ginagawang big deal kanina. It's not like I'm surrendering myself and soul to him because of it.
"Kararating mo pa lang?" Nagkasalubong kami ni Inez sa hagdan. Kagiging ko pa lang at sinisimulan na ang araw samantalang ito ay mukhang matutulog pa lang.
Napatingin ako sa nakasaradong bintana sa may sala nang marinig ko ang pagmamaneho palayo ng kotse sa labas.
"Bumili ako ng Pandesal. Iniwan ko sa lamesa," pagbabago ni Inez ng topic.
"Okay." Ngumiti ito sa akin. Hindi niya pa nga ako tuluyang nalalampasan. Hinablot ko na naman ang braso nito dahilan para matigilan siya sa pag-akyat at muling bumaling sa akin.
"Ano?"
"Half-day ka ngayon? Dapat nasa Twenties ka na ng ala-una at huwag ka na munang mag-a-undertime, aabsent or magha-half day magmula bukas hanggang matapos iyong show. Parehas tayong kailangan sa preparation." Inez nodded her head. Hindi ako sigurado kung talaga bang gagawin niya ang pakiusap ko o tumatango na lang ito para matapos na kami at nang makapanik na siya at makapagpahinga.
After roaming my eyes from her sleepy face to her body, I finally let go of her hand.
Tatlong minuto bago mag-ala una ng hapon. Dumating si Inez sa opisina. Hinihingal ito at tuyo siguro ang lalamunan kaya ang pag-inom ng tubig ang una nitong inasikaso.
"Rest for five minutes then I need to see your choices for our line up. Hindi ka naman siguro kumuha ng mga mahal na runway model, ano?"
I hope not. Because truth to be told. Hindi pa afford ng Twenties ang talent fee ng mga professional model. It would be nice to have some of them working for the brand soon.
"Kasali si Jirou at Jacob sa line up." Pangalan pa lang ni Jirou ang narinig ko ay para na akong nabingi. Mas lalo pa akong natigilan nang sumunod iyong kay Jacob.
Nakipagtitigan ako kay Inez. Umaasa akong babawiin pa nito ang sinabi niya at iannounce na binibiro niya lang ako but she did not. Instead, she walks straight to her table and then hand me the folder where the profiles of the model she chooses are compiled.
Bumungad sa akin ang profile ni Jacob, sunod ang kay Jirou tapos si Kaia na. Iyong mga sumunod sa kanila ay bago na sa paningin ko at maski isang beses ay hindi ko pa nakita.
"Si Jirou, gusto niya talagang sumama sa show but he does not want to do it alone kaya nahila niya si Jacob. I don't know how he do it but yes, Jacob will be there. At dahil nasa line up na iyang dalawa. Expected na rin na pupunta para manuod sina Yael, Sean, Haden, Niklaus at Timothee.
Inez made two or three steps away from my table when she looks back, "And oh, it's settled. Wala tayong kailangang bayaran. Ang saya hindi ba?" she giggled.
She continued to walk back in her office chair. Bale wala lang sa kaniya ang mga balitang bigla niya na lang pinaglalapag.
"Si Ian pala. Pupunta siya? Iyong invitation na para sa kaniya, ikaw na ang magbigay," she said while listing something on her ledger.
"Hindi yata siya pupunta."
"Ha? Gagi, bakit? Importante iyong unang show ng Twenties. Dapat nandoon siya."
"He's busy with Z.m Jewels. It's fine, naiintindihan ko naman."