Chapter 5

2130 Words
  Inez sips on her oreo frappe while I let myself indulge the strong but at the same time, calming taste of the black coffee. Napaka-ganda ng epekto ng kape sa katawan ko ngayong araw. Imbes na mag-palpitate, kinakalma pa ako non.     Ngayong araw magsasama-sama ang anim na model na para sa unang runway show ng Twenties, three of them are superstars, at iyong tatlo naman ay mga nagsisimula pa lang ngunit malalaki ang potensyal. Inez has eyes for talent, nakikita ng mga mata nito kung sino-sino ang puwedeng mamayagpag sa showbiz man, idol career o maski modelling.     “Miss Rizza, Miss Inez nandito na po si Esther, Nero at Yen,” anas ni Ilouie na nakadungaw lang halos sa maliit na siwang ng pinto na ginawa nito.     “Papasukin mo na sila,” si Inez ang nag-utos non.     “Good morning po,” si Yen ang unang pumasok at magalang na bumati sa amin. She is seventeen years old and a grade twelve student, behind her is Esther. Tulad ni Yen ay bumati rin ito ng magandang umaga and finally, si Nero.     Inez is the one in charge in accommodating them but that does not mean that I don’t look after them, I do. I still do. Mas lamang nga lang na si Inez ang bahala sa kaniya dahil ako naman ang kumikilos para kausapin ang ibang organizers at coordinators ng paparating na show.   Hindi pa nagtatagal sa pagkakaupo ang mga naunang modelo. Sumilip na naman si Ilouie sa pinto. Mas malaki lang ang pagkakabukas nito sa pinto ngayon kaya nahagip ko na agad si Seff na manager ng DNI. Kung nandito na ito, malamang ay nasa likod niya lang din si Jirou at Jacob.   I’m impressed. For some reason, naisip ko na isa o dalawang oras na mali-late ang mga iyon mula sa ibinigay naming call time. It even crosses my mind earlier that this day might end up being the most irritating day of my life given that we have Jirou and Jacob in the lineup. Akala ko kasi magpapaka-very important person ang mga iyon. Mukhang hindi naman.     Hindi lang pala si Jacob at Jirou ang dumating. Hindi lang ako sure kung nagsabay-sabay ba silang tatlo nina Kaia o sa baba na sila nagkita. Basta pagpasok ni Jirou, nasa likod na non si Kaia, sumunod si Manager Seff at pinaka-huli si Jacob na siya pang maingat na nagsara ng pinto ng office.     Dahil kumpleto na, pinangunahan na ni Inez ang pagdala s mga iyon doon sa snackbar sa may rooftop. We decided to close it for today dahil iyon muna ang gagamitin namin para i-brief ang mga model tungkol sa ano ang kalalabasan ng show na gaganapin ngayong ika-dalawampu ng buwan.       “Si JP---Jacob,” agad kog pagtatama sa aking sarili. I swallowed hard but manage to keep my façade cool as if nothing happened. “Jirou and Jacob, the two of them will grace the runway together.”     “Opening walk sila?” tanong ni Kaia na tinaas pa ng kaonti ang kamay niyang iyon para makuha ang atensyon namin ni Inez bago siya nagtanong.       “Hindi. Ikaw ang opening walk, si Jacob naman at Jirou silang dalawa iyong huli,” sabi ni Inez habang nakatingin kina Jacob. Since we already touched that topic, diniretso na ni Inez ang discussion tungkol sa bagay na iyon. Bago pa nagpakita iyong dalawang miyembro ng DNI rito sa Twenties, nilinaw na agad ni Managaer Seff na isang oras, isa at kalahati naman na ang pinaka-matagal na puwedeng itagal ni Jirou at Jacob dito dahil mayroon pa silang ibang kailangang gawin na mas importante kesa rito. Of course, we agreed.   After all it’s them who are doing us favors.   “We prepared a small buffet.” Sabay sa pagturo ko sa mga pagkain na nakaabang sa food counter ay ang pagsama ng mga mata nilang anim.   Nahagip ko kung paano ngiting-ngiting nakatingin si Jacob sa manager na kasama nil ani Jirou. Nagpapaalam ito sa pamamagitan lang ng tingin niya. Hindi malinaw kung talaga bang kusang pumayag iyong manager na sumugod si Jacob at Jirou roon sa buffet o pumayag na lang ang mga iyon dahil wala na itong choice.   He can’t say no to the youngest member of DNI.   “Ano it?” Jacob asked. Hindi naman talaga para sa akin ang tanong na iyon kaya lang nang lumingon ito sa kanan niya kung nasaan si Jirou kanina na nakabalik na roon sa table kung nasaan ang manager nilang dalawa. Nabaling sa akin ang tingin ni Jacob. Hawak-hawak pa rin nito roon sa wooden tong iyong pagkain.     “It’s a lemon donut,” I answered.   Magsasandok na sana ako ng pasta nang  muli akong mapatingin sa kaniya. Kinagatan ni Jacob iyong lemon donut. Isang beses niya pa lang iyon nangunguya nang may lumabas ng kakaibang tunog ng pandidiri mula rito. Napapikit na lang ito, his mouth remained opened habang ang donut naman na maingat nitong hawak kanina ay halos mabitawan niya na.     “Hakob, bakit?” Jirou asked from their table. Hindi roon natapos ang pagiging concern nito pati na rin nung Manager. Dinumog ng dalawa si Jacob.   Kahit na napikit pa rin ay nagawang ipasa ni Jacob kay Seff iyong lemon donut na hawak  nito, “Ayaw ko ng las anito,” he said. Binukas niya ulit ang mga labi nito. Kumuha ng inumin si Jirou. Hindi niya lang iyon basta-bastang binigay kay Jacob. Inalalayan niya pa talaga iyong uminom. Imbes na iluwa dahil  halata naman na diring-diri ito sa lasa ng kaniyang kinain. Tinulak na lang ni Jacob ang maliit na nakagat pababa sa kaniyang lalamunan at tiyan gamit and malamig na tubig.     He smiled shyly when our eyes met nang makabawi na ito.   He tilted his head, “I’m sure that it does not taste so bad… para sa iba, hindi lang talaga para sa panlasa ko iyong ganoong flavor ng donut,” pagpapaliwanag nito kahit na hindi naman na kailangan.     I would have reacted the same if I accidentally eats something that I don’t like. Bago bumalik si Jacob sa table na silang tatlo lang nina Jirou at ng manager niya ang gumagamit ay humingi ulit ito ng dispensa.     “s**t!”   “Bakit?” Hindi lang tainga ni Inez ang nakaabang na masagot ko ito matapos ang bayolente kong reaction nang makita ko ang tatlong missed call galing kay Mama Carlisle, Ian’s mother and my soon to be mother-in law.   I dialed her number and while I wait for her to pick up the call. I walk straight to the balcony.   “Hija, ano bang ginagawa mo? Bakit hindi mo agad nasagot iyong tawag ko?”   “Sorry, Mom. Kakatapos lang ng meeting ko. Marami lang po akong inaasikaso---” “You don’t have time to meet me? Not even an hour or two?” Alam ko ang tono ng boses niyang iyon. Malapit na itong magtampo, it’s more of feeling disappointed kesa pagtatampo.   Tinakpan ko iyong speaker ng cellphone saka malalim na huminga.   “Of course, I can make time, Tita. Ano po bang gusto niyong gawin? Nasa bahay po ba kayo ngayon? Babiyahe na po agad ako pagkatapos ng call na ito para sunduin kayo,” I said in defeat.     “Ikaw na muna rito. Sabihan mo na lang ako kapag sobrang kailangang-kailangan na ako rito.” Sinabit ko na sa aking braso iyong trap ng bag. Hinahanap ko na lang sa loob non iyong susi ng kotse nang magawang magsalita ni Inez.   “Akala ko ba ang sabi mo kailangan na nandito muna tayo…” she trails off. I look up to her with my narrowed eyes. Alam ko naman na nagbibiro lang ito but the urge to explain myself kicks in.       “Mommy Carlisle called. May gusto siyang puntahan at gusto niyang sumama ako. I can’t say no to her. It will disappoint her,” I said.     “Bale pupunta ka lang doon kasi ayaw mong ma-disappoint siya? Not because you really want to accompany her?”     “I would love to if we are not hell busy here kaya lang nga maraming gagawin.”     “Pero kung may choice ka. Hindi ka muna makikipagkita kay Tita Carlisle?” Inez asked again. Sinarado ko ang bag saka muling tumingin dito. “Wala nga ako non. It’s either I show up or disappoint my future mother-in-law.   “Walang masama kung hihindi ka minsan, Riz. Nakakapagod iyong ganiyan. I’ve been there, remember?”   “Ngayon lang naman ito. Minsan lang naman mag-request ng oras si Mommy Carlisle mula sa akin. That is why I can’t say no.”     “Okay. Ingat sa pagda-drive. Kungg matatagalan kayo roon sa pupuntahan niyo. Ayos lang din naman sa akin.”     Mas maganda kung makakabalik pa ako ng Twenties bago matapos itong araw. Ayaw ko naman kasi na matambakan ako ng trabaho.     Habang hinihintay ko na uminit muna iyong makina ng sasakyan. Kinabit ko iyong isang airpods sa aking tainga at tinawagan si Ian. It’s twelve, lunch break. Siguro naman ay libre ko itong makakausap ngayon.     “Love.” It’s relieving to hear his voice.   “Kumain ka na ba?”   “Nag-brunch na ako and now, I’m on my way on your house,” I said while grabbing to fasten my seatbelt. Tatlong minuto simula nang makapasok ako rito sa loob, hand ana akong magmaneho paalis.     “Anong gagawin mo sa condo? May naiwan ka ba roon? Sana ipinakuha mo na lang. Office hours ngayon. Hindi ka dapat umaalis basta-basta sa boutique. Hindi ba kayo busy sa preparations para sa first show ng Twenties?”   I stayed quiet.   Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Should I say na, oo, busy kami sa preparasyon para sa show ng Twenties but your mother asked for my time? The idea that Ian might scold his mom for disturbing me during my working hours scared me that I chose silence instead of trying to reason out for myself.   “I’m talking about going to your family house hindi sa condo mo. May inilalambing lang sa akin ang Mommy mo. Mag-u-overtime na lang ako mamaya para matapos ko pa rin iyong work loads ko ngayong araw. Sige na, love. Ibaba ko na. Nagmamaneho kasi ako.”     “Galit ka ba? Rizza, I’m just trying to help and guide you. I know how much you wanted to establish that business line. I don’t want to see you fail again.”   I was speechless for the second time around. Fail again? What does he mean by that? Was graduating without flying colors, barely meeting the passable grades so I can graduate means failure to him? Has he always sees it that way?   Ian hangs up on me. I’m thankful that I did. Hindi ko kasi gusto na ako ang gagawa non.     “GALIA LAHAV? Hindi po ba’t luxury brand ito ng mga wedding gown, M-Mommy?” Imbes na sagutin ako ni Mommy Carlisle. Minadali niya akong bumaba ng kotse kasi late na raw kami ng ilang minuto sa sinet nitong appointment.     “Lia!” Mommy Carlisle kisses the cheeks of a tall woman with slender body and platinum blonde hair. Seems like she is the owner and designer of this brand.     “Lia, this is my Ian’s fiancé. They will be wed before this year’s end, and we came here to choose a wedding gown for her.” Nang magtama ang mga mata namin ni Mommy Carlisle. Alam kong nakita nito ang pagtataka at pagkabahala sa aking mga mata. Ganoon pa man ay ipinagkibit balikat niya lang iyon.     “I’ll ask my staff to ready the VIP room for us, Mrs. Zamora.”   “M-Mommy,” kinakabahang tawag ko rito nang kaming dalawa na lang ang magkasama.   “Hija?”   “What do you mean po na ikakasal kami ni Ian bago matapos itong taon? Wala pa po kaming ganoong plano.”     “Hindi ba’t dini-delay niyo lang ang kasal kasi parehas kayong busy at hindi niyo maharap na dalawa nang tuloy-tuloy ang mga kailangan para sa wedding preparation?”     “Hindi po iyon, ganoon---”     “That’s why here I am. Helping you with the wedding preparations, hija. Pagkatapos niyong ikasal ni Ian. Sana naman mayroon na akong maasahang apo. You should take leave from managing your business, leave it to your friend, Inez. Para nasa pagkakaroon ng anak ang focus mo. It would be better if you’ll completely quit from your work, Rizza. Kayang-kaya ka namang buhayin ni Ian. He can provide for your and your family’s wants and needs.”     I know that, but that’s not what I want.   Ayaw ko pang magkaroon ng anak. I am not physically, mentally and emotionally capable for a child. Mas lalong hindi ko basta-bastang iiwan ang Twenties.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD