"She is the latest in my collection," punong-puno ng kumpyansa na sinabi sa amin ni Miss Lia habang nakaturo ito sa isang wedding gown.
"She is called True," she continued.
True is a Princess ballgown dress, with a structured and tailored corset top, with multiple cutouts and draped pannels. Featuring voloumous lantern sleeves, which is joined off the shoulder to a pleated strap. The corset meets the voloumonous skirt at a point and emphasises a side slit.
Napaka-ganda ng gown. Such a statement piece to wear on a wedding day but not on mine.
It's not my style. Tingin ko rin ay hindi ako magiging kumportable kong ito ang isusuot ko sa araw ng kasal, na sana ay magawa pa naming pag-usapan ni Ian para maurong pa ng ilang buwan.
"Rizza?" I snapped out of my thought and look straight to Mommy Carlisle who is asking for my presence.
The next thing I know. Ginagabayan na ako papasok ng fitting room para isukat si True.
The fabric is nice and soft. The wedding gown itself is well-designed but I absolutely hates that it's off-shoulder. Bukod doon ay mayroong kaonting silip sa pisnge ng aking dibdib. It's making me feel as if I'm already naked and everyone on that day will get to see not just my body but my soul too.
"Ma'am?" tanong ng babae sa likod ng nakasaradong pinto ng fitting room. Dapat ay tutulungan niya ako na isuot itong gown. Ipinilit ko lang na hindi ko kaya ang tulong niya kaya naman naiwan siya sa labas.
"I-I'm done, but please...give me a moment," I said while reaching in my bag for my phone.
I have a hunch that this wedding gown fitting will take the rest of my day and I need someone's help.
Tiana. Iyon naman ang pangalan ng pangalawang wedding gown na ipinasukat nila sa akin. It's romanicly fitted dress, made of a 3d floral beaded net that lays asymetrical. With a low plunging v neckline, low back and sheer side cutouts. And softly draped baloon sleeves.
Tulad ng unang wedding gown na sinuot ko. Hindi ko rin gusto ang disenyo ng gown na ito. It's low back and plunging neckline, pakiramdam ko rin ay pinagmumukha akong maliit ng gown na ito. Hindi akma ang mga cutout sa height ko. It's unflattering.
"Still, it's not the perfect dress," komento ni Mommy Carlisle nang makita niya ako. Napabuntong-hininga na lang ako sabay tumango rito para pumasok na ulit ng fitting room.
Hindi na ako magtataka pa kung lahat ng wedding gown na available rito ay ipasukat sa akin ni Mommy Carlisle, I hope not.
"Rizza." Agad kong nilingon ang may-ari ng seryosong boses. Nilagpasan lang ni Ian ang kaniyang Mommy kahit na iyon ang una nitong nakita.
"Magbihis ka na ng damit mo," he commanded. I nodded my head and was about to disappear into the fitting room when Mommy Carlisle suddenly butt in.
"Hijo, hindi pa kami tapos dito." Hinawakan ng Mommy ni Ian ang braso ko. Pinipigilan akong bumalik sa fitting room at gawin ang sinabi sa akin ni Ian.
"Mom, you two should do this some other time. Busy si Rizza sa Twenties. Kapag tapos na iyong show then you two can continue this," he said, countering his mother.
Those are not what I really wanted him to say but for now, puwede na iyon. Ang mahalaga ay matigil na muna itong biglaang pagsusukat ng gown. My energy tank is not ready for this.
"It's fine we can definitely continue this some other time. Kaya lang, hindi ba mas matrabaho iyon para kay Rizza?" Iniwan na ng mga mata nito ang anak niya para sa akin na siya mismo tumingin.
I manage to put on a smile on my lips, so she won't have an idea that I'm not in the mood for this. Ayaw ko naman kasi na ma-offend ko siya.
"Mas maababala ka kung hindi pa natin ito tatapusin ngayon," she added.
Pinasadahan ko ang wedding gown na nasa tabi ni Miss Lia.
"Isusukat ko na lang din 'yan and then." My eyes looks to Mommy Carlisle cautiously. "We will call it a day."
"See?" Sinakop ng kamay ni Mommy Carlisle ang braso ng panganay at unico hijo nito, the sole-heir to Zamora's generational wealth.
Nagtama pa ang mga mata namin ni Ian bago ako pumasok ng fitting room. He's asking me if I'm really fine through the silent communication of our eyes.
The last wedding gown is a whimsical, strapless ballgown with a low-waist corset bodice and side panel detailing, this sweetheart dream dress is adorned with intricately designed 3D lace and highlighted by a double-layer pleated tulle hem. Mimosa's subtle sparkle of scattered floral embroidery and cathedral-length train feels elegant yet playful.
I must admit, wearing this feels like I'm living the dream of five years old me wanting to marry a prince. I have found my prince and the perfect wedding gown for the said moment.
Nang binuksan na ang fitting room at naglakad ako palabas doon para mas makita ako nang maayos nina Ian at Mommy Carlisle.
Nakaramdam ako ng kaonting kaba. Wala kasi akong makitang kahit na ang expression mula sa kanila. Maski makapang opinyon ay wala rin.
I look down to check on myself again. Baka kasi hindi talaga bagay sa akin iyong wedding gown at namalikmata lang ako kanina.
"Love."
Finally! Ian found his tongue.
"Hindi ba... b-bagay? I thought it look good on me."
"It does!" he blurted out. Napalakas pa nga ang pagkakasabi niya non.
"The thought of marrying you excites me. It always does, mas triple na ang pananabik na iyon ngayong nakita na kitang naka-ganito." He crouch to bring his lips closer to my lips.
"Pakasalan mo na ako agad. Once you're done with Twenties runway show at humupa na nang kaonti ang mga trabaho sa Z.M Jewels, simula na natin ang wedding preparations," he said.
*******
"SANA HINDI KA PA nakakain para may kasabay ako," bungad ni Inez pagbukas ko ng pinto ng bahay. Hindi pa nga talaga ako nakakapasok non sa loob.
"Puro kape ang tiyan ko," I said.
Nagulat si Inez sa narinig ngunit hindi na rin naman ito nagtaka. Akala ko ay papaulanan niya ako ng tanong. Hindi naman pala, sa halip ay mas binilisan na lang nito ang paglalabas ng mga pagkain mula sa dalawang paperbag na nasa ibabaw ng lamesa.
"May mga ulam naman sa ref. Ima-microwave mo na lang iyon. Sana hindi ka na nag-order. Nagkaroon ka ba ng biglaang cravings."
"Uhm. Nag-crave ako bigla kay Yael." Inez smiled naughtily. "Kaya lang hindi naman siya puwede kasi nga busy roon sa collaboration nila ni Iko." By the time she is done talking, her lips are already pouting.
Pinilig nito ang kaniyang ulo sabay lakad papunta sa akin. Kung hindi pa hinaklit ni Inez ang kanang braso ko at inanod ako papunta sa lamesa. Hindi ko pa rin mapapansin na samu't sari ang mga pagkaing nandoon.
Everything are expensive. I'm sure that those foods are from fine dine restaurant.
Nilantakan ni Inez ang dragon maki. Although paulit-ulit niya akong niyaya na kumuha na. Napako muna ako sa aking kinauupuan at pinanuod lang ito na kumain, sa rami ng pagkain na dumating galing kay Yael. Hindi ito magkandaugaga kung ano ba ang una niyang titikman. Isa lang ang sigurado ngayon, lahat iyon ay makakain niya bago matapos ang gabing ito.
"Anong oras kayo natapos ni Tita Carlisle? What did you do?" Nababad iyong chopstick sa bibig ni Inez. Mayroon yatang sumaging kung ano sa isip niya. Inabot ko ang wooden chopstick. Tulad nito, iyong maki at sushi rin ang una kong nilaman sa aking bibig.
I'm not the biggest fan of maki and sushi but every now and then. I crave for it, once in two months, mga ganoon.
"Hindi naman kayo nagpa-spa, ano?" I tsked and put down the chopstick.
"Malayong-malayo sa relaxation iyong ginawa namin ngayong araw. Nainis nga ako. Paano ba naman, dinala niya ako sa Galia Lahav at kung ano-anong gown ang ipinasukat sa akin. Mommy Carlisle wants me to be married with Ian before this year ends!" I started to rant. Nang maalala ko na masama nga pala ang loob ko dahil sa nangyari. Dumoble ang appetite ko. Kaya ko na pa lang makipagsabayan kay Inez na ubusin ang pagkain na ito.
"So? I mean, what's the problem with that? Engage naman kayo. Um-agree ka na pakasalan si Ian." Nilapag na rin ni Inez ang hawak nitong chopstick.
"Did you change your mind? Ayaw mo na bang pakasalan si Ian?" She gasped dramatically. Maging ako ay napipigil na ang paghinga at kinakabahan dahil dito.
"You did not fall out of love do you?" she asked. Kung hindi ko lang gagamitin ulit iyong chopstick. Malamang naihampas ko iyon sa kaniya.
"Of course, I'm still in love. Gusto ko pa ring pakasalan si Ian. Hindi naman na iyon magbabago. I want his surname on my name, him to be the father of my..." children. Ang hirap ipasok ng salitang iyon sa sinasabi ko kay Inez. It doesn't feel right.
Maybe because I know for fact that I am not yet ready for it.
"Iyon naman pala. Anong problema ngayon?"
"Nabibilisan ako. Ilang buwan pa lang kaming engage."
"Balak mo bang paghintayin pa siya ng ilang taon bago mo siputin sa altar? Seven years, are those not enough para makilala mo iyong tao at masabi mo na he's the one?"
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita nang bigla na lang akong inawat ni Inez. Holding her phone, she left the dining table. Panigurado na si Yael iyong tumawag sa kaniya.
Balak mo bang paghintayin pa siya ng ilang taon bago mo siputin sa altar? Seven years, are those not enough para makilala mo iyong tao at masabi mo na he's the one?
Pinili ko ang aking ulo sabay bukas ng shower. I'm sure hindi si Ian ang problema ko. Hindi ko gustong iurong nang iurong ang pagpapakasal sa kaniya kasi nangangamba ako na hindi ko pa talaga siya kilala.
No matter how hard I tried to think about it. I can't still figure out what is that making me feel as if there is something wrong.
Sakto sa pagtapos kong ibutones ang pang-taas ng sleeping wear na suot ko. May kumatok sa pinto. Bitbit ang tuwalya ay lumakad ako sa pinto ng walang pag-aalinlangan. Sigurado kasi ako na si Inez lang iyon. Wala naman kaming ibang kasama rito sa apartment.
Si Jacob ang nakita ko pagbukas ng pinto. Nakahawak ito sa batok niya at nakatingin sa sahig.
Naibagsak ko ng wala sa oras iyong pinto dahil sa gulat.
"Si Inez, pinatatawag ka sa baba. Hindi ka pa raw tapos kumain. May mga dala ulit kaming pagkain," anito kahit na nakasara iyong pinto.
Nang marinig ko ang papalayong yabag ni Jacob, saka ko pa lang binuksan ang pinto ng kuwarto.
Bakit naman siya nandito? Sila? Kung sino man ang kasama niya. Si Inez naman, walang pag-abiso. Talagang si Jacob pa ang pinaakyat niya rito para yayain akong kumain.
Paano na lang kung naka-robe ako nang humarap dito sa pinto kasi nga akala ko siya iyong kumakatok?
Memory of what happened two minutes ago flashback on my head.
Nang buksan ko iyong pinto ay nakayuko na agad si Jacob. Kung mayroon man siyang makikita sa akin kahit na naka-robe pa ako. Paa ko lang 'yon.
Well... he's respectful for that?
"Ang tagal mo namang bumaba. Pinatawag na nga kita." Nginuso ni Inez ang mga pagkain sa lamesa. Kung kanina ay para lang itong nagmumukbang, ngayon ay para ng may biglaang fiesta rito sa bahay. Lechon na lang ang nawawala.
"Anong mayroon?"
"Ah iyan," Inez trails off and then her eyes jump straight to Jacob who is now busy with a pair of fried chicken on his hand.
Natigilan ito mula sa gagawing pagkagat nang maramdaman niya iyong mga mata namin na pinanunuod siya.
Jacob smiled shyly, "Gusto mo?" alok nito habang inuunat ang kamay niya para iabot sa akin ang legs ng fried chicken na kinakain.
"I'm fine. Thank you,"
"Iyong wings na lang ang sa iyo. Marami iyong balat," he said and I find my eyes pasted on the said part of fried chicken.
Nakakatakam nga iyon, kasi maraming balat.