Chapter 7

2019 Words
"Good evening Rizza," bati sa akin ng kakapasok lang sa loob ng bahay na si Yael. Hawak-hawak nito sa kaniyang kamay ang isang Galaxy flip. My eyes unconsciously awaits on the door. Mabibigla ako kung sakaling makita ko na kumpleto rito sa bahay ang buong DNI ay ngunit hindi ko na iyon ipagtataka ng sobra. "Kaming dalawa lang," paglilinaw ni Yael. Saka ko pa lang naalis ang tingin ko roon sa pinto. Ngumiti ako rito at uupo na sana sa tabi ni Inez kaya lang. Pasimple akong binangga ni Inez gamit ang gilid ng kaniyang puwet. I look up to her. Before she gestures to Yael the chair that I want to sit on. She subtly points the chair beside Jacob using her pouting lips, sa ganoong paraan niya sinabi na roon na lang ako umupo kasi alam nitong hindi kukunin ni Yael iyong upuan na ini-offer nito kung alam niya na iyon ang gusto kong puwesto. "Pasensya na. Biglaan ang pagpunta namin," Yael said before he took the food that Inez is trying to feed him. "Wala iyon. Marami naman kayong dalang pagkain. Dalas-dalasan niyo ang pagpunta rito basta magdadala lang kayo ng pagkain," biro ko rito pabalik. I appreciate that Yael made sure I am comfortable with their presence before he help himself. Nang matapos kaming apat sa pagkain. Lumipat na sa sala si Inez at Yael. Ang orihinal na usapan namin ni Inez ay saka na lang namin liligpitin iyong pinagkainan at iba pang kalat sa dining table. Kapag nakaalis na si Jacob at Yael. I agreed on it at firsf but seeing the used dishes and left over food in the table bothers me a lot that five minutes after I let all of those sit on the table. Isa-isa ko na silang nililigpit. "Anong ginagawa mo?" Hinawakan ko ang braso ni Jacob para pigilan ito na damputin ang iba pang hugasin mula roon sa lamesa. My eyes remained its contact on his arms. Maputi ang mga iyon at maugat. Toned na toned din ito, halatang tambay siya sa gym. "Tinutulungan kitang iligpit itong lamesa. Ikaw, anong ginagawa mo?" Binalik niya sa akin ang tanong na iyon sa parehong level ng pagtataka na mayroon ako sa aking boses kanina. When I realize what is it that he is asking about and trying to point out. I immediately withdraw my hold of his arms. Jacob looks down on the table and continued to quietly clean the mess on it. Is he shy? A small voice in my head asks as I watches him do the work. He is shy! The same voice on my head concluded after a moment. "Ate Rizza, wala ba kayong mas malaki-laking apron kesa rito?" It's not just his question and voice that snaps me back in reality after I get too busy watching him walk back and forth in the table to the sink. "A-Ate? Ate Rizza?" "Oo? Kaedaran mo si Ate Inez hindi ba? You are twenty four. I'm twenty one. You're three years older than me kaya kita tinatawag na Ate," paliwanag nito sa akin. Mabilis at paulit-ulit akong tumango rito. Gets ko kung iyong dahilan nito para tawagin akong ate but he does not have too. "Rizza, just Rizza. You don't have to call me Ate. God! You're making me feel old when I'm just twenty four." Jacob grins. "Pero iyong apron? Wala talaga kayong mas malaki rito? Hindi na matali." Pumihit ito nang kaonti para makita ko yung likuran niya. Nag-abot pa naman ng kaonti iyong dulo ng mga tali ng apron kaya lang hindi na iyon sapat para maitali para ma-secure ito sa likuran niya. "Ganiyan lang din iyong size ng isa pang apron." I tried to get the gloves from his hand but instead of handing it nicely to me. Tinaas nito ang kaniyang braso, matangkad si Jacob. He is around Ian's height so nasa 5'10 ito. Nasa 5'5 lang ako. Mahirap na para sa aking abutin ang bagay na sinasadya niya talagang ilayo mula sa mga kamay ko. "Ako na nga kasi iyong maghuhugas niyan. Nagligpit ka naman na ng lamesa." "Next time ka na lang," he said and move two steps closer to the sink. Hinayaan na lang ni Jacob na hindi nakatali ang apron niya. I rolled my eyes in mid-air and let him do the work. Kung ginusto niya naman, bakit hindi ko siya pagbibigyan. "Si Jacob, naghuhugas doon sa kusina," pag-iimporma ko kina Yael nang madaanan ko sila ni Inez sa sala. Sabay na napaahon iyong dalawa sa sofa kung saan sila nakasalampak. Yael remove his earphone. "Talaga?" gulat na gulas na turan nito. "Bakit? Ayaw niya kasi na ako na ang gumawa non," I reasoned out. "Sige lang. Hayaan mo na lang siya sa gusto niyang gawin," he said in the end but I noticed that Yael kept on looking in the small entrance of our kitchen. "Taas na ako. Mayroon pa akong hahabuling trabaho," sabi ko kay Inez. She nodded her head, pouts her lips for a loud air kiss. Nakapikit pa ito habang ginagawa niya iyon. Tulad ng plano ko. I walk straight to my small working space in my room the moment I got in. Ilang minuto na akong nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa nakabukas na laptop ngunit wala pa rin akong nasisimulan, sa rami ng trabahong gagawin ko. Nang hawakan ko ang aking cellphone. Titingin lang dapat ako kung anong oras na. I swear to God, it's the only thing that I will do and I don't have an explanation as to per why I am on twitter, scrolling in the trending topic. #HakobKaontingParamdam Samu't saring tweets na naglalaman ng iba't ibang saloobin ang nababasa ko. May ilang ginagawa na lang sa biro ang hindi pagpaparamdam ni Jacob, iyong iba naman ay totoong malungkot na. I don't know what to feel. Because while there's thousand of people missing the Jacob Perez and begging for a selfie. Heto siya sa bahay at kaharap ang masesebong plato. Sobrang nakakakaba. Ano mang oras, basta malaman ng buong fandom na ipinaghuhugas kami ni Jacob ng plato. Walang sabing kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay siguradong magagalit sa amin. Baka nga mapalayas pa kami rito at madeklarang persona non grata. Fleeting seconds after I let go of my phone to finally start working, for real this time. My phone vibrated. Ian is face timing me. "Love." Gulat na gulat ako nang makita ko itong naka-pajama na rin. He's wearing the set that looks exactly like mine. Christmas gift ko iyon sa kaniya e at sinadya ko talaga na couple look. "Mabuti naman at hindi ka sobrang over-time ngayon. Mahaba-haba ang tulog mo." Ian lay on his spatial bed. Dinarama nito ang lambot at comfort ng mamahalin niyang kama. Dapat lang naman. He deserves a good sleep. Kailangang nagpapahinga rin siya nang maayos. "Ang outdated na ng interior ng kuwarto mo," komento ko. Kung ano iyong disensyo non nung unang beses akong nakatapak doon nung bagong mag-boyfriend pa lang kami. Ganoon pa rin iyon ngayon. "Don't you want to change the interior? Kahit hindi na iyong wallpapers at flooring. Iyong mga furniture na lang." "Iaakma mo na sa taste mo? You want my place in your standard? So when you moved in after the wedding. Wala ka nang pu-problemahin?" Masiyado nang maraming sinabi si Ian. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko. I did not expect this conversation to turn this way. "I will let you do what you want with my unit." "Okay, but you have to go with me kapag titingin na ako ng mga furnitures. This could be a date too. Pagsabayin na natin. What do you think? I miss spending time with you." Matamis akong ngumiti kay Ian. He release a soft chuckles, his eyes were closing a bit. "We can do that next weekend. Libre ako non, ikaw?" "I can arrange my schedule to fit yours. It won't clash with my work. Don't worry," I said. Seeing him on his bed reminds me how much I miss sleeping with him, my head resting on his arms. Ang tagal ko nang hindi nakakapag-sleepover dito sa condo. "May ikukuwento pala ako sa iyo," pauna kong sinabi. Umayos nang higa si Ian. "You look excited. What about it? New marketing strategy ba? Or business idea?" From lying comfortably on his bed. Ian sit up and reach for the eyeglasses that is sitting on top of his bed-side table. Hindi naman marketing strategy ang gusto kong sabihin sa kaniya. I'm not going discuss a business idea with him either. Now that he's expecting to hear something about those. I'm speechless. Isi-share ko lang naman sana sa kaniya na nandito sina Yael. Maraming dalang pagkain at si Jacob. The precious golden boy of DNI that everyone love and spoils is on my kitchen doing the dishes. Hindi nga pala ganito ang mga gusto niyang pag-usapan. It's not but technically it feels illegal to have a topic like this in a conversation with Ian. It's like I am wasting his precious time. "Love?" he hummed our endearment for my attention. "Sa Friday, it's two days from now. Magsisumula na ang rehearsal para sa show. Kung hindi ka makakapunta sa mismong show baka maski iyon na lang ay puwede mo pa ring saglitan para kahit papaano mapanuod mo na rin." "I will check my schedule on Friday. Hindi kasi ako sigurado kung ano-ano ba ang mga gagawin ko sa araw na 'yon," he said. Okay na ako na marinig iyon mula sa kaniya. It's hundred times better to hear Ian say that he'll try than him straight up saying no. Siya kasi iyong tipo ng tao na kung ano ang sinabi niya ay iyon na talaga. Hindi na iyon magbabago. ******* "Ayan, oras ng trabaho pero kung ano-ano ang inaatupag," pabirong sabi sa akin ni Inez. Nahuli niya akong tumitingin ng higaan sa online shop ng paborito kong furniture brand. "What do you think of this?" I asked her after I showed the picture of a king-sized bed called cestone. "It' designed by Antonio Citterio," I said while staring at her. The headboard is made up of a metal frame clad in woven cowhide. The resulting ‘checkerboard’ pattern makes a strong visual statement in aesthetically pleasing contrast to the soft upholstered bed frame that can be covered in all the fabrics and leathers from the extensive Flexform collection. Cestone comes in several sizes and is available in versions with base composed of a single perimeter frame, rigid base, platform base with height-adjustable slats and base with storage compartment, handy for storing pillows, blankets and bed linens. "M-Maganda but we just bought your bed when we moved in months ago. Magpapalit ka na agad ng kama?" Umiling ako rito. Iyong kamay ko naman ay patuloy lang na nag-i-scroll sa iba pang disenyo ng kama na available sa website. "I'm going to redecorate Ian's place... siya ang hinahanapan ko ng kama. Hindi ako magpapalit." "Edi iyan na. Sabi ko na nga ba. Maganda iyong higaan pero hindi bagay sa iyo. It's too formal and boring. It's like Ian though." Hinawakan ni Inez ang braso ko at para itong aso kung ngumiti nang mapatingin ako sa kaniya. "Pasensya na. Sinasabi ko lang naman. Kung may batas na ang kama na dapat tinutulugan ng isang tao ay bina-base sa personality niya. Iyan na yung pinaka-perpektong higaan para kay Ian. I stared at it for a brief moment. I could not help but smile, the same time I sees her point. Para ngang si Ian ang kama na ito. It looks so formal but is simple. Wala masiyadong ipinakikitang detalye kaya mukhang boring pero ang pinaka-importante ay kumportable itong tulugan, masarap sa pakiramdam. "Tama na muna iyang pagtingin mo ng furnitures. Kailangan na natin bumiyahe papunta sa venue na gagamitin natin para sa show. Naroon na iyong ibang model pati na rin si Kaia. Si Jacob at Jirou may tinatapos na lang na interview kasama ang DNI at sasaglit na rin sila sa rehearsal," ani Inez saka ako iniwan sa aking working space.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD