Chapter 2

1029 Words
"Rizza Mae De Asis." Napasinghap ako at napahawak sa armrest ng swivel chair. Halos wala na kasing distansya sa pagitan ng mukha namin ni Inez. I pulled my chair back on the table. Saka ko pa lang din napansin ang kuris ng lapis sa sketchpad na kaharap ko. I shut my eyes and gritted my teeth. Pinilas ko ang pahinang yon. Binilog saka tinapos sa hindi kalayuang trash bin. "Iritable ka yata. Nag-away ba kayo ni Ian?" she asked. Inez sat on the corner of my desk. I narrowed my eyes on her. Ako na lang din ang sumuko nang hindi pa 'to kumilos para roon. Kahit yata manakit ang mata ko kakatingin sa kaniya. Hindi nito magi-gets na pinaalis ko siya sa kinapupuwestuhan. "Hindi. Hindi kami nag-away ni Ian." She nodded her head, her thin lips were arched a bit. "Oo nga pala. Bibihira kayong mag-away na dalawa. Nung nagpaulan kasi ng maturity nasalo niyo lahat. Tapos sa sobrang favorite kayo ni Lord. Feeling ko inutusan niya si Cupid na bigyan kayo ng manual kung paano i-handle ang relationship." Inez chuckled at her own silly thought. Sinarado ko iyong sketchpad at nag-angat na lang ng mata sa kaniya. Wala rin kasing idea na pumapasok sa utak ko. Tuyong-tuyo ang creative juice ko at hindi ko alam kung bakit. "May kailangan ka ba?" pagbabago ko sa takbo nang usapin naming dalawa. "Mayroon. Puwede ba nating ipasilip sa DNI iyong mga naka-line up na design para sa bagong collection?" Unknown force pulled my eyebrow up. "Of course we can't. Unless we are having a collaboration with them then that's the only time they can see our designs before we launch it. Bakit mo naman natanong yan." Naglalag yata ang system ni Inez. Naiwan kasi itong nakatulala sa ere habang nakabukas nang kaonti ang mapula niyang labi. "Bakit hindi ko naisip yon," she said avidly. "Puwede tayong makipag-collab sa DNI. At dahil sikat na sikat sila at libo-libo ang fans dito sa Pilipinas at sa labas ng bansa. Tataas ang sales ng Twenties by 200 percent. Iyon ngang sinuot lang nila yung iba sa collection natin para sa concert grabe na iyong naging impact." Opinion taken into my account. It was a nice idea but it's flawed. Pinatong ko yung siko sa ibabaw ng working table at pinaghawak iyong dalawang kamay. "Hindi ganoon kadali 'yon. We need to talk this out with their management. Kulang ang anim na buwan para lang sa agreement. Baka rin hindi pa natin kayanin ang talent fee nila. I'm sure they cause a lot more than what we think." Inez groans her disappointment. "Kaonting ipon pa. For the mean time hayaan na lang muna natin sina Yael na mag-payless promotion para sa brand. Lalo na si Jacob. He is fan of your designs. Pullover, bucket hat and even tees. Siya, si Timotheé at Jirou pa naman ang may pinaka-maraming fans sa buong grupo." Suddenly I remember the sound of Jacob's soft chuckle. His little devilish smirk, his smug eyes and how it can be goo-goo within a single blink. Naiintindihan ko kung bakit isa siya sa member ng grupo na maraming nahihila para maging parte ng fandom. Hindi pa kasama roon na humakot siya ng iba't ibang talento. Talk about God's favoritism. "Hindi ka aalis ngayong gabi?" hindi ko maiwasang hindi magulat. Sa nakalipas na isang buwan. Gabi-gabi kasi itong umaalis. Hindi na ako sanay na may kasama pa ako sa apartment tuwing gabi. "Nagsu-shoot ng music video para sa isang collaboration project si Yael. He is going to be crazy busy in these coming days." Nung una ay nasa tabi ko lang si Inez. Maya-maya ay nakaunan na 'to sa lap ko, kumportableng-kumportable pa. "So it's out..." bumanggon nang kaonti si Inez. Tinuro nito sa akin iyong tv kahit pa obvious naman na nakatingin ako roon. "Iyang kumakanta sa commercial ng softdrink." My ears immediately pay attention to the voice. The singer's vocal range lies between the countertenor and baritone voice types. It is one of the highest of the male voice types. Si Jacob ang unang pumasok sa isap ko. It did take time pero nagawa siyang makilala ng memorya ko. "Si Jacob? Siya lang ba yung kumakanta." "Oo siya lang. Nice one JP." Inabot ni Inez iyong cellphone niya na nasa center table. Pinicture-an nito iyong tv. Dahil nasa lap ko nga ang ulo nito. Kita ko ang ginagawa niya sa cellphone. She opened her ** and dmed the photo to account named JP. Hinigit ko ang cellphone ni Inez. Clinick ko iyong profile ng di-nm nito. It led me to the same feed that I saw earlier this morning. Iyong feed nung lalaking nag-follow sa akin. "Si Jacob si JP?" umayos nang upo si Inez. Kinuha nito iyong cellphone niya sa kamay ko. Sakto roon ay may reply na sa dm niya roon sa account. "Oo. Private account niya. May mga private account kasi sila. JP ang pangalan ng kay Jacob.. bakit?" "Wala naman." Sabay kaming napatingin sa pinto nang tumunog iyong door bell sa may gate. Tumayo ako at sumilip sa bintana. "Si Ian. Wait nasa labas si Ian." Habang naglalakad papunta sa gate. Pinasasadahan ko ang tshirt na suot ko. I sure look like a mess with this big shirt and pajama but Ian does not care about that. Pagbukas ng gate ay sumalubong na sa akin ang braso ni Ian. "Gabing-gabi na a? Papasok ka ba sa loob? Kumain ka na?" "I had dinner with a client. Ang haba ng araw ko ngayon." Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko rito. Ian laugh heartily at that. "Alam na alam mo talaga ang gagawin no, Babe?" "Gaano ba kahigpit ang gusto mo?" tanong ko pa rito. It's a sure thing that I'm missing a particular scent... ngayong naamoy ko na si Ian. Hindi pa rin napapawi ang pakiramdam na may hinahanap na amoy ang ilong ko. Pinilig ko ang ulo at winala na lang iyon sa aking isip. "Gusto mo bang pumasok?" naramdaman ko ang isang beses niyang pag-iling. "Hindi na. Rito na lang tayo. I had a long day and I just need this hug then I'll be okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD