Chapter 1

1126 Words
Kaswal na nagsisimula ang araw ko sa pagtunog ng alarm clock para gisingin ako. Minsan mas nauuna pa akong nagigising dito, mas madalas na sakto lang. Kabisado na yata talaga ng katawan ko ang itinakda kong oras ng gising. Ala-singko ng umaga. Pagbanggon ay binalikan ko kaagad ang comfer. Nilatag ko 'yon nang maayos sa ibabaw ng kama ang malaking teddy bear naman na nasa akin na nung college pa lang ako at niregalo ni Ian ay pinupuwesto ko sa gitna. Pagbaba sa sala. Kapansin-pansin na walang nagbago. Sumulyap ako sa hagdan na pinagbabaan. "Ang babaeng 'yon. Dumadalas na ang hindi niya pag-uwi. Masiyado na yata siyang nawi-willy sa place ni Yael." If I'm nosy enough, I would ask Inez if she and Yael are back but I am not. Mag-oobserba lang ako at maghihintay na siya mismo ang magbigay ng update tungkol sa personal niyang buhay. My thought of Inez and her complicated relationship status didn't last long in my head. Pagpasok sa kusina. Habang nakatulala sa coffee maker at iniisip kung anong klaseng kape ang iinumin ko ngayong umaga ay nakalimutan ko na rin ang tungkol kay Inez at Yael. I end up having espresso. Kahit gaano katagal pa akong mag-isip. Pipiliin ko pa rin yung timpla ng kape na ang lasa ay kabisado na ng dila ko. Nakakatikim lang naman ako ng bagong coffee order kapag si Inez o si Elio ang nagdadala o bumibili ng kape sa akin. Because that's the thing about me. I have neophobia. The fear of new things, it's rather a relatively complicated phobia. ... In its mildest forms, it may not even be recognizable as a fear for some. People are bigger risk-takers than others, and there should be no crime in preferring a comfortable routine. Madalas akong kantyawan ni Inez na kaya raw ayaw ko ng mga bagong bagay kasi masiyado akong perfectionist. Takot din daw ako na mag-fail sa unang pagsubok ko na gumawa ng kung anong bago. Siguro ay totoo rin 'yon. Habang inuubos ang mainit na kape. Oras ko na rin para i-check ang messages sa aking cellphone pati na rin ang social media account ko. There's a couple of message from Ian. Isang nagtatanong kung safe raw ba akong nakauwi at isang good night. Natulala lang muna ako roon bago ko inexit ang mga 'to at dumiretso sa **. A smile made its way to my lips upon seeing an ** post by Inez. Nakaupo si Yael sa swivel chair sa loob ng music studio nito. Nakapatong sa lap nito ang laptap tapos may beer naman siyang iniinom sa kaliwang kamay. I hit the heart button and scroll. Saka ko lang din napansin ang notification ng pag-follow sa akin ng isang account. The account name is JP. Iyon din ang username nito. Walang nakasulat sa bio niya. Pitong tao lang ang pina-follow nito kasama na ako habang anim lang ang naka-follow sa kaniya. I scrolled on his feed out of curiousity. Ilan lang ang post nito, isang puting aso—a white maltese dog to be exact. Nagsasalitan lang ang post niya ng mga picture ng aso, pagkain at night drive aesthetic. Kung hindi picture ng ganoon ay short clip. "I wonder what are you like in real life JP," I whispered to myself. Hindi ako nag-follow back dito. Nang maubos yung kape. Bumalik na ako sa sala. Kinuha ko yung yoga mat sa drawer na nasa ilalim ng hagdan. Sampung minuto rin ang nilaan ko sa pag-stretching bago tuluyang naupo sa yoga mat at nagsimulang mag-meditate. Kasabay nang pagpupunas sa  mangilan-ngilang butil ng pawis sa aking noo at leeg. Inabot ko na ang binabasang libro na nasa center table lang. Every morning, I read at least one chapter of self-help book. It's by far my most favorite hobby that I adopted from Ian. "I see life in the same terms. We all get dealt cards. Some of us gets better card than others. And while it's easy to get hang up on our cards, and feel we got screwed over. The real game lies in the choices we make with those cards, the risk we decide to take, and the consequences we choose to live with. People who consistently make the best choices in the situations they are given are the ones who eventually come out ahead in the poker, just as in life. And it's not necessarily the people with best cards." I higlighted that passage from the book. Nang matapos ko ang isang chapter sa librong 'yon. Sikat na ang araw sa labas at oras na para mag-asikaso para sa pagpasok sa Twenties. Bukas na yung shop pagdating ko.  Nandoon na rin si Inez at kasama nito si—Jacob. Bakit nandito na naman siya? Kakagaling niya lang dito kagabi. I sighed heavily. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kailangan ko ng lakas ng loob para itulak yung glass door at pumasok sa shop. The chime rang. Agad na tumingin sa direksyon ko si Inez. Si Jacob naman ay nasa mga product pa rin namin ang buong atensyon. "Good morning, Rizza. Binuksan ko nang maaga yung shop. Nagpapatulong kasi ako kay Jacob na pumili ng ireregalo kay Yael," she explained. So that's the reason why he is here. Lumapit sa akin si Inez at inangkla yung kamay niya sa braso ko. "Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niya." The irony. They are together for almost five years. Tatlong taon pa lang silang wala. Possible ba na hindi mo na kilala ang isang tao, na hindi mo na alam ang mga gusto nito pagkatapos lang ng ilang taon? Something on her pocket vibrated. I felt it too. Magkadikit kasi kami. Mabilis itong kumalas at umakyat sa secondfloor para sagutin iyong cellphone niya. For the second time. I was left alone with Jacob. Hindi naman dapat ako kinakabahan pero parang sasabog na ang dibdib ko. "What do you like in men?" biglang nagsalita si Jacob. Kung gaano kabilis lumabas ang mga salitang 'yon ay siyang bagal naman nang pagpihit nito para humarap sa akin. "E-Excuse me?" I swear I saw him smirk after he heard me stutter. I have all the rights to be offended. "Fashion." Sa pagngiti nito ay ang paglabas ng dimple niya. "What do you like in men's fashion, Rizza. You're the designer of these products right? Naisip ko lang baka may mga partikular kang gusto sa bihis ng mga lalaki." "Oh that," I murmured. His eyes locked mine. Jacob chuckled softly. "Bakit mayroon ka bang ibang naisip sa tanong ko?" his voice were so innocent while he is sporting a grin like a luscious devil. Sunod-sunod akong napalunok. "Wala. Wala akong ibang naisip." Ang totoo nga niyan hindi na ako makapag-isip nang ayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD