Avianna's POV
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Pakiramdam ko, ngayon ko lamang nabuksan muli ang aking mga mata.
Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa.
Tingin sa taas.Tingin sa baba.
I'd done it for several times pero talagang hindi ko malaman kung nasaan ako. And I'm really wondering kung bakit ganito yung balat ko. All my veins are very visible. Is it really like this?
I don't know.
Gumising na lang ako dito sa kwarto na ito ng walang alam.
Literally.
I don't know where I'm. I don't know what time and day is it. And I don't f*****g know my name.
I'm furious right now.
Ang alam ko lang, this place is paradise. Kasi naman kahit saan ako lumingon kung hindi dagat ay kagubatan. Napagaan ng atmosphere sa lugar na ito.
I love this place.
Ang problema nga lang hindi ako makalabas sa kwartong ito. Nakalock lahat ng bintana at pinto.
Hihiga na sana ako ulit nang may biglang pumasok sa kwarto.
A man. His gaze towards me is too much. It's full of different emotions. Is it happiness, lost, and desire? Sudenly, all of those vanished and replaced by a cold stare.
"Gising ka na pala." Walang emosyong saad ng lalaking kaparehas ko ng balat.
"Sino ka?" Pagbalewala ko sa sinabi nya.
"Adam." Tipid nyang sagot.
"Sino ako? Nasaan ako? Kagaano na ako katagal na walang malay? At anong relasyon mo sakin?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
I can't control my feeling anymore. What I am feeling right now is new. I'm like a child who knows nothing about the world she belongs to. Even myself is a stranger to me.
I hate this feeling.
"Your Avianna Mishaelle Monte Carlos. Your here in our private island. And you'd been unconcious for almost 2 months." He answered my questions without even blinking.
Tao ba 'to?
Wait. So ako si Avianna and I'm in his private island. Pero teka nga. Almost 2 months? 2 months??
"2 months??!!" Grabe sobrang tagal naman. Ano ba talaga ang nangyari sakin? At ganun ako katagal walang malay. Aish.
"Yes, two months. You had a disease. Then you'd been comatose for almost two months after your operation." He answered as if he read my mind.
"Pero bakit parehas tayo ng balat? Ano parehas tayo na nagkasakit? At bakit wala akong maalala? Epekto ba 'to ng sakit ko? Tsaka bakit wala dito yung pamilya ko? Nasaan sila?" Sunod-sunod ko ulit na tanong sa kanya.
"Don't ask too many questions. It might cause something bad to you." What? Nakakasama na pala ngayon ang pagtatanong ng tungkol sa sarili. I don't think he can help me with my memories.
Sana sabihin nya na lang na ayaw nyang sagutin yung mga tanong ko. Hindi yung kung ano-ano pa dinadahilan nya.
"Okay." Mukha naman kasing wala syang balak sagutin yung mga tanong ko. Wala naman ata 'tong pakialam sakin. Bakit ba sya yung kasama ko dito?
Humiga na lang ako ulit para kunwari magpapahinga na ako. Marunong naman siguro syang makaramdam na ayaw ko na syang makausap. Ang dami ko pa naman sanang gustong itanong sa kanya. Kung alam ko lang talaga yung sagot sa mga tanong ko hindi ko na talaga sya tatanongin.
Bakit ba kasi wala akong maalala?
"I'll bring your food later." Tss. Kahit huwag na. Wala ka namang pakialam sakin. Huwag ka na magkunwari.
Buti na lang lumabas na sya.
Ewan.
Pero yung presensya nya parang kakaiba. Hindi ko ata kaya makatagal na kasama sya dito sa loob ng kwarto. Ang init-init pa dito sa loob kanina nung nandito sya.
Hindi yung iniisip nyo ahh.
Mainit talaga. May aircon naman dito pero parang namatay nung biglang pumasok sya. And I can feel that the aura that he has is very opposite to mine. Like, we never meant to interact or even meet.
To be honest, he's handsome. He's like a supermodel. Para akong masosofucate sa kagwapuhan nya. Ang tangos ng ilong nya. Ang haba at ang kapal pa ng mga pilik mata nya. Yung jawline nya pa. Grabe hubog na hubog. And his eyes. It looks so powerful. By his looks, I can tell that his not just any other people.
Something's weird about him.
No.
Something's wrong about him.
I know he's hidding something. I don't know it yet. But I will know it. Together with my personal questions about myself.
Specifically, who am I really?
-
Nagising ako sa mga katok na nagmumula sa pinto.
"Come in." Even though I still sleepy, I forced my self to sit.
"I brought your food." Si Adam pala.
An idea pop-up in my head. Huh. I think I already have a plan.
"It smells good. Did you cooked it?" I asked with my sweetest smile.
"Yes, I did." Alam ko naguguluhan sya kasi kanina lang bago sya lumabas di ko sya pinapansin tapos ngayon ngingiti-ngitian ko sya?
"Will you join me?" Tanong ko sa kanya. Still, a smile plastered in my face.
"I can't. I have something to do." He answered suspiciously.
"Ano ba yung gagawin mo? Tutulungan muna kita. Para sabay tayong makakain." Pagpupumilit ko sa kanya.
"Fine. I'll join you." Mapapapayag ko rin naman pala. Dami pang arte.
Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit siya sakin.
"Hey. Stop staring at me." Napansin nya pa yun? "Come on. Let's eat." Pag-anyaya nya sakin.
Hindi ko talaga maiwasan mapatitig sa kanya habang kumakain kami. Hindi ko maiwang isipin kung ano yung tinatago nya. And why do we have same skin? Nakakahawa ba yung sakit ko na sinasabi nya? At pati sya ay nagkaganyan?
"Hindi ba ko pwedeng lumabas dito sa kwarto?" Tanong ko na nagpatigil sa kanya sa pagkain.
Tinitigan nya muna ako ng matagal bago sagutin yung tanong ko.
"Pwede, basta kasama mo ako." Ano ako bata? Kailangan palaging may kasama?
"Bakit pa? Kaya ko naman ang sarili ko. Wala naman akong gagawing makakasama sakin." Sagot ko sa kanya.
"If you don't want to follow my rule, then stay here." Madiin nyang sabi. Nagalit ko ata.
"Sabi ko nga. Dapat kasama ka kapag lalabas ako." Ayoko naman mabulok dito. Baka imbes na gumaling ako mas lumala pa. Kung may sakit talaga ako.
"Listen to me. If you want to go outside this room then you should remember all of this. Just call me if you want to go outside. You should be inside the house by 5 in the afternoon. You can go outside this room without me but you can't go outside this house without me. Understand?" He said with authority.
"Yes, I understand." Ang dami namang kailangan sundin.
"And don't ask questions." He added.
Mayroon pa rin? Tsaka pwede ba yun? Hindi ako magtatanong?
"Your things are in that cabinet." Turo nya sa malaking cabinet sa gilid ng kama. "And everything here is yours." He said.
"Everything?" As in lahat? Grabe naman.
"Yes, everything. So feel at home." He confirmed. "Magpahinga ka na. Bukas pwede ka nang lumabas." Sabi nya sabay labas ng kwarto.
Bukas malalaman ko na kung anong mayroon dito sa lugar na ito.