After I got off the car, dumiretso agad ako sa kwarto. My heart still felt heavy because of what had happened.
I don’t know how to face them tomorrow. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba sila o magpapanggap na hindi ko sila kilala.
“Young miss, your father wants to see you in his office.” Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Bakit naman kaya?
“Okay, just give me a minute.”
Wala na akong narinig na reply pagkatapos noon. Nagpalit muna ako ng uniform namin. I wear a simple dress before I leave my room.
Diretso lang akong naglakad hanggang sa nakarating na ako sa office niya. Malapit ang office niya sa library, actually may daan sa office niya na library na ang labas mo.
Pagkapasok ko ay nakaupo lang siya habang nagbabasa ng mga case. Mukhang may bago siyang case na pinag-aaralan.
“Why did you call me, father?” I straightforwardly asked.
Napalingon naman siya sa pwesto ko. Binitawan niya ang hawak niyang mga papeles bago nagsalita. Tinanggal din niya ang suot na reading glass.
“I heard from your mother that teachers in your current school is too incompetent. Syllabus and introduction? That isn’t what you need,” he paused.
I think I know where this is going.
“Pick one school from Massachusetts Institute of Technology, Stanford University and Harvard University. They can enhance your skills more, not like the school you’re in right now,” he said.
Inabot niya sa akin ang mga printed flyers ng mga school na binanggit niya. Kinuha ko naman ‘yon at binasa.
I’m right. Gusto nga niya akong palipatin ng school.
“When am I going to transfer?” I asked.
“As soon as possible. I can pull some strings for you,” he said, smiling darkly.
“Can I stay here until the last semester for this school year?” I hopefully asked.
I really hoped he will agree, I want to stay there. Kahit konting oras lang, huwag lang ‘yung ganito kaaga.
I caught his attention because of that. It’s my first time to ask for something. Kaya natural na ganiyan lang magiging reaction niya. Umayos siya ng pwesto, he’s tapping his fingertips on the table.
“Hm. That can be,” he smirked.
“I’ll review for the whole year so, I can surely pass.”
“You should, my dear. I can’t afford if you will not pass. You’ll never disappoint me, right?” I nod.
“Of course, father. I’ll never will,” I firmly stated. Again, he smiled darkly.
“I’ll go now, father.” I said. Tumango naman siya hudyat na pwede na akong umalis.
Napahinga naman ako ng malalim. Hindi pa nga ako nakakatagal sa school na ‘yon, pinapaalis na agad ako. I guess, bilang na ang mga araw ko.
I searched for the schools that my father mentioned. Nagtingin ako ng guide para sa mga entrance exam nila para alam ko kung ano ang dapat kong i-review. They are all prominent universities in the whole world, typical choices of my father.
Maybe I really need to pretend that I didn’t know them, mahirap na baka ma-attach ako sa kanila. Sigurado na ang pag-alis ko sa susunod na taon, wala ng makakapigil noon.
“Hey,” I looked up because of that. Nakita ko si Ate sa may pintuan ko. Ngumiti naman siya at lumapit sa akin.
“Ate,” balik kong bati sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko sa may kama.
“I heard what happened,” malungkot niyang sabi. Napatingin naman ako sa kaniya.
“That’s nothing,” I said, smiling. Umiling lang siya sa ginawa ko.
“You’ve always been the one who always what they want. You sure you’ll go? Malayo ‘yon,” nag-aalalang wika niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ‘yon.
“Nababalitaan ko na may mga kasama ka daw lagi sa school niyo. Three boys, right? You’re pretty close with one of them. You sure you’ll go far away from them?” nagulat man ako sa sinabi niya ay hindi ko na ipinahalata.
If she knows, indeed, father knows it too. Maybe that’s one of the reason kung bakit niya ako gustong ilipat.
“It’s alright. They’re nothing. They’re just some acquaintance that I made from school. It’ll end soon,” I said. Umiling naman siya.
“You’re really too serious for your age. Loosen up and enjoy. Malawak ang La Puerte, you can go wherever you want,” sabi niya.
Maybe she’s right. But La Puerte isn’t for me.
“Do whatever you want for the remaining months. Don’t let it stop you from enjoying. Sis, you deserve to be free,” naiiyak niyang sabi. Niyakap niya naman ako.
“My poor little sister. I should’ve guided you. Masyado kang sumusunod sa kanila. You have your own life; you should live it freely.”
“Ate, I’m really alright. Sanay na ako,” I said, exhausted.
Nakakapagod sabihing sanay na ako. I’ll never will, pero dahil sa sitwasyon ko, kakailanganin ko pa. I’m too weak to fight them. Hindi ko kayang sumuway sa kanila.
“Oh dear. Sorry,” umiiyak niyang sabi. Hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya sa akin na sinuklian ko ng yakap din.
She’s always like this kapag may utos sila na alam niyang ayaw ko pero wala akong magagawa. She’ll always say sorry, kasi daw hindi niya ako matulungan.
I know why, alam ko namang hindi din nila kayang sumuway sa kanila. No one in this house, could. Hindi na namin kaya na may mawawala pa. They’re too cruel. We can’t do anything.
“You can count on me, okay? Sabihin mo lang kung ayaw mo, kami ng tatlo ang bahala. We’ll do eveything that we can. Mother’s easy to persuade, we can start with her.” Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
“Don’t worry, Ate. Sasabihin ko kapag pagod na ako.”
“You two. Nag-da-drama na naman kayo, hindi niyo man lang kami tinawag.” Napabitaw naman si Ate sa akin. Lumingon naman kami sa may pinto.
Nandoon sila kuya na nakatingin sa amin. Sinara naman nila ang pinto at lumapit sa amin.
“I thought busy kayo?” nagtatakang tanong ni Ate.
“Nah. We wouldn’t miss this. Alam ko namang gagawin mo ito,” sabi ni Kuya Krei, he’s the lawyer one.
Niyakap naman nila kami ni Ate.
“Kayong dalawa. Hindi niyo kami sinasama. We should always be complete,” wika ni Kuya Marcus, the businessman one.
“Kayong tatlo. Okay nga lang ako. I can still live with this,” I said to comfort them.
“You already know why we’re like this, right? Ayaw na naming maulit ‘yong dati,” nag-aalalang wika niya.
“Don’t worry. Hindi ako papayag na maulit pa ‘yon. I don’t want to lose someone again,” I mumbled.
Hindi na ako papayag na mangyari pa ulit ‘yung dati. Tama na ang isa. Masyadong magulo ang nangyari dati.
“Then, we’ll go now. Rest well, okay?” Ngumiti naman ako.
“I will. Kayo din, alam kong pagod din kayo sa mga trabaho niyo.” Tumango lang sila at isa-isang lumabas ng kwarto ko.
They’re the only family that I have. Sila lang ang nag-aalala para sa akin. I’ll do whatever it takes, para matulungan sila.
Hindi ako bumaba para sa dinner namin. Nag-review lang ako para sa upcoming entrance exam. Maaga pa pero mas okay ng prepared ako.
I can’t miss this chance. Hindi pwedeng ngayon pa ako magkakamali.