Chapter 7

1110 Words
Tinginan ng mga tao ang kaisa-isa kong napapansin ngayon. Dahil siguro ‘yan sa practice match nila Lean kahapon. I entered our room silently. Napalingon ako sa pwesto nila Eos, pero mabilis din akong umiwas at umupo sa may una. Wala akong naging katabi sa buong period. Busy naman ang teacher sa pag-di-discuss ng lesson. Mabilis din akong lumabas para sa second class namin. Baka masabayan pa nila ako, mahirap na. Mabilis akong umupo sa unahan. Makailang minuto ay nakita kong dumaan sila sa unahan ko. They didn’t stop, pero nagkatitigan kami ni Eos. Kahit sina Rico at Lean, nag-aalala ring tumingin sa akin pero hindi nila ako tinabihan. At least, they know their limitations. Alam nilang ayaw ko silang maka-usap ngayon. “There’s an upcoming project that I want you to do. First, you need to group yourselves. Then, I want you to do anything that you wanted. I want to see how creative you are.” Napakunot naman ang noo ko sa gustong ipagawa ng teacher namin. “There’s only one rule for this project. You need to do what you wanted, freely. There’s no maximum per group. You can group yourselves as much as you want. You should be in group. I will not get your project if you’re alone,” the teacher said. “Ma’am, you mean we can do everything? As long as that’s what we wanted?” tanong ng isa kong kaklase. “Right! No limitations. You need to pass it before the semester ends. The group that gives the best, will receive a surprise. That’s the end of our discussion. You’re all dismissed. Enjoy the project, okay?” paalam niya sa amin. Nagsitayuan na silang lahat pero halatang iniisip pa din nila kung ano ang dapat gawin sa project. That one is really confusing. Lalo pa at groupings, dagdag problema pa. “Ano kayang magandang gawin sa project? Na-ku-curious na ako sa surprise ni Ma’am.” “Right. Tayo ang magkakasama okay? Mas okay sana kung buo ang barkada sa project. Kahit ano naman daw e. Pwede tayong gumala with the gang habang naggagawa.” “True! Excited na tuloy ako. What if we’ll try to asked Eos and the others? Malay mo sumama sila sa atin?” “Oo nga! Baka maging ka-close pa natin sila. Ikaw na magtanong.” “Ayoko nga. Nakakahiya!” “Ayaw mo noon. Kapag pumayag sila, sikat ka na.” “At kapag hindi sila pumayag sisikat din ako panigurado. Madaming nag-aabang kila Eos.” “Tsk. Huwag na nga! Hindi din naman sila papayag.” “Kaya nga. At saka may nangyari ata sa kanila ni Scylla. Kahapon lang ang sweet nila pero ngayon, hindi na sila nagpapansinan.” “Nako! Ganiyan talaga ang buhay. Kahit mayaman ka, na-re-reject ka pa din ano. Malay mo pinagbigyan lang ‘yan ni Eos. Syempre, anak ng mga Luzano ‘yan.” “Siguro. Hayaan na natin siya. Mukhang wala din siyang ka-group. Nakakaawa naman. Hirap din maging sobrang yaman.” “Tara na nga. Baka marinig ka pa niyan.” Lumayo na sila sa akin pagkatapos noon. Tama naman sila, walang magtatangkang magyaya sa akin. With my surname, marami na agad ang na-i-intimidate. “You’ll be with us.” I heard someone say. Napaangat naman ako ng tingin. Si Eos lang pala, nakatingin siya sa akin. “Me?” I asked dumbfounded. Tinuro ko pa ang sarili ko para makasigurado. “Tsk. Sino pa ba? Of course, princess. Hindi porke’t hindi kita kinukulit ngayon, papayag na akong makawala ka,” he smirked. Napairap naman ako. Akala ko naman papatahimikin na nila ako. “You sure?” I asked again. “Syempre, Scy. Sorry nga pala kahapon,” sabi ni Rico habang nagkakamot ng ulo. Yumuko pa siya habang sinasabi ‘yon. “Nah. Forget it,” I said. Tumayo na ako para umalis. It’s just for the project kaya ko sila kinausap. “You’re going now? Galit ka ba?” Rico asked sadly. Napatigil ako sa pagliligpit dahil doon. “I need to finish something,” I excused. Tumango lang siya, pero halatang malungkot pa din siya dahil sa ginawa ko. I’m sorry, but I can’t do anything about it. I can’t risk something right now. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay tumayo na ako. Dumaan ako sa harap ni Eos, wala siyang sinabi. Hindi din niya ako pinigilan, but the look in his eyes says the opposite. Iniiwas ko naman ang tingin dahil doon. I don’t really like looking eye to eye on a person. Ayokong makita ang mga emosyong tinatago nila. I prefer to look in their lips and listen to their lies than to torture myself because of their emotional eyes. “Scylla.” I heard Rico mumble. I stopped from my tracks because of that. Hindi naman ako humarap sa kanila. “What do you need?” I coldly asked. “I… We… Nothing,” Rico stuttered. Napailing naman ako doon. Nagsimula na muli akong maglakad. “Just stop, please. Just update me about the project,” I said. “No problem. Ako ang bahala,” Eos replied. Tumango lang ako at umalis na. I heaved a sigh after I got out of the room. “Are you really going to do this?” I shrieked because of the sudden noise. Napalingon naman ako doon. Si Lean lang pala. “What?” “You can ignore us, pero huwag sana si Rico. I can’t afford to see my brother, like that. Kahit naman ilang araw ka pa lang naming nakakasama, na-attach na sa iyo ‘yong tao,” Lean said. “I’m sorry, but I can’t.” “Does being an heiress of the Luzano, made you like that?” he asked arrogantly. “Huh! Wala kang alam. So, better shut up.” “Mas mabuti na siguro ‘yung wala kaming alam. Kung hindi mo din naman papansinin si Rico, huwag ka na ding sumama sa group namin. Mas okay na ‘yung di ka nakakasama noong tao.” “How thoughtful you are. But I can’t do that. Unless, bibigyan mo ako ng group.” I smirked. Hindi naman siya nakasagot sa sinabi ko. Alam ko namang alam niya na hindi siya makakahanap ng ibang group na pwede kong salihan. “You can’t, right? Hayaan mo, aalis na din naman ako. You’ll never see me again,” I said then, turn away. Sa library ako tumambay. Makakapag-isip kasi ako dito dahil tahimik. I really need to solve my mission. Para matapos na, konti na lang. Ma-so-solve ko na. I just need one solid evidence, at matatapos na. Makakalaya na kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD