Chapter 8
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗
Third-Person POV
Nagmulat siya ng mata nang makaramdam ng matinding ginaw. Pagising niya, saka lang niya napansin na nakahandusay pala siya sa sa sahig. Dahan-dahan siyang bumangon at nagsindi ng apoy sa kanyang fireplace dahil sobrang lamig ng pakiramdam niya. Nawalan pala siya ng malay kanina dahil sa sobrang sakit ng kanyang sugat at ramdam pa rin niya ito hanggang ngayon.
Sinilip niya ang paligid. Madilim, at tanging huni ng mga kuliglig ang bumabalot sa katahimikan ng gabi. Kaya isinara niya ang bintana at naglakad papunta sa kusina. Doon, naglagay siya ng mainit na tibig sa isang cup noodles at saka umupo sa kanyang paboritong stool at tahimik na iniisip ang mga nakaraan habang inaantay ang iniinit niya.
Sonata remembered the last time he stayed in this safehouse. Medyo matagal-tagal na rin mula nang huli siyang magawi rito, simula pa noong huling sagupaan nila ni Jacob laban sa mga tauhan ni Conrad. The very last time he was here was during Tate’s wedding. Mahal na mahal niya ang babae, pero umatras siya dahil alam niyang hindi siya ang gusto nito.Dito niya ginugol sa safehouse ang araw na para siyanf nagluluksa sa sobrang sakit ng kanyang puso.
He didn’t want to be the reason for any trouble between Tate and her husband, Jacob. Kaya nagkulong siya dito sa safehouse, sinusubukang kalimutan ang lahat. Naalala rin niya si Loise , na noon ay kilala pa niya bilang Loida. Masyado itong self-centered at halatang gusto siya nito. Kaya sinabi niya nang harapan sa dalaga na ayaw niya ito at si Tate ang mahal niya.
He saw the hurt on her face, pero dahil inis siya noon, wala siyang pakialam sa nararamdaman nito. Matigas siyang tao. Mula nang kupkupin siya ng lolo ni Tate na si Datu Liway, natuto siyang lumaban at makipagdigma. Ang unang assignment niya ay bantayan si Tate dahil pinaghahanap ito noon ng mga kaaway ni Datu Liway at balak paslangin si Tate.
Unti-unti siyang nahulog sa babae hanggang sa umabot sa puntong ipinagtapat niya rito ang totoo niyang nararamdaman. But Tate rejected him for Jacob. Dahil sa sobrang galit niya noon, si Loise ang napagbuntunan niya ng inis at sama ng loob. At nang pumanaw si Datu Liway, tuluyan na siyang umalis sa Mossy Village at piniling mamuhay sa siyudad.
He is now an agent , tumatanggap ng mga delikadong trabaho kapalit ng malaking halaga. He infiltrates powerful organizations and dismantles them from the inside, exposing their corruption. So far, hindi pa naman siya nahuhuli. Pero ngayon, muntikan na siyang mamatay dahil pumalpak ang plano ng kasama niya sa huling mission.
Bahala na muna siya sa ngayon habang nagpapagaling. Lalabas na lamang siyang muli mula sa kanyang lungga kapag maayos na ang lahat. Hindi siya gahaman sa pera, ngunit alam niyang maraming umaasa sa kanya—lalo na ang mga batang nakasama niya noon sa ampunan. Lahat ng perang napupunta sa kanya ay inuubos niya sa foundation.
Nagtayo siya ng sarili niyang foundation gamit ang kanyang tunay na pangalan — Ren Foundation Inc. Kasama rito ang iba’t ibang ampunan na kumakalinga sa mga batang may sakit. Mayroon siyang mga taong itinalaga upang magbantay at mamahala sa operasyon ng foundation dahil ayaw niyang maging visible o kilala sa publiko, lalo na sa uri ng trabahong ginagalawan niya.
Nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente sa sasakyan, wala nang kamag-anak na tumanggap sa kanya kaya sa ampunan na siya lumaki. Pagsapit niya sa edad na katorse (14), nakilala niya si Datu Liway, na nagbibigay din ng tulong sa kanilang ampunan noon. Hindi niya alam pero nalaman na lamang niya na legal siyang kinupkop nito at dinala sa isang lugar na napakalayo sa kabihasnan,urban isolated na lugar na walang sinumang puwedeng pumasok.Dito niya nakilala ang tribo nito at nakita unang nakita ang kagandahan ng Mossy Village.
Doon siya sinanay na lumaban at makipagdigma. Tuwing Sabado at Linggo, bumababa siya sa siyudad upang pumasok sa klase, at natapos niya ang kursong Architecture, dahil iyon talaga ang kanyang pangarap. Sa paglipas ng panahon, unti-unti niyang naunawaan ang tunay na dahilan kung bakit siya kinupkop ni Datu Liway.
Gusto nitong hanapin niya ang apo nitong matagal nang nawawala. Alam niya kung nasaan ito ng nahanap na niya si Tate, ngunit hindi niya sinabi sa matanda sapagkat nakilala na niya noon si Esmeralda, at hinarangan nito ang lahat ng plano niyang sabihin ang totoo kay Datu Liway. Kaya wala siyang nagawa kundi magsinungaling sa matanda, at ang tanging nagawa na lamang niya ay bantayan si Tate hanggang sa kusa itong bumalik sa Mossy Village.
Ayon kay Esmeralda, manganganib ang buhay ni Tate kapag maaga itong aakyat sa kanilang tribo, kaya isinantabi niya ang pagnanais na sabihin sa Datu ang totoo. Mula noon, naging anino siya ni Tate. Saksi siya sa lahat, lalo na kung paano ito sinaktan ni Jacob noon at dahil doon, unti-unting nabuo sa puso niya ang pagnanais na ipahayag sa babae ang tunay niyang nararamdaman pero sa huli ay nabigo.
Habang siya ay nagtatago na noon, minsan nag krus ang landas nila ni Loise sa isang bar sa Makati nang minsan siyang lumabas mula sa safehouse niya. Pinagtawanan siya ng babae dahil sa labis niyang pagkalugmok at pagkasaktan, kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng matinding galit dito lalo na’t dati na nitong ipinamumukha sa kanya na wala siyang halaga sa buhay ni Tate. Ngunit ang gabing iyon mismo ang naging dahilan kung bakit tuluyang lumayo si Loise sa kanya.
Dahil sa galit na namuo sa dibdib niya, nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo sa isang madilim na bahagi ng bar. Hindi niya napigilan ang bugso ng damdamin at nasabi niya ang mga matagal nang kinikimkim na sama ng loob. Ngunit sa halip na mauwi ito sa pagkakaayos, lalo lamang silang nasaktan sa mga salitang binitawan ng isa’t isa. Umalis si Loise na luhaan at durog ang damdamin, habang siya naman ay nanatiling nakatulala at nagsisisi sa mga nasabi niyang hindi na niya mababawi.
Mula noon, naging mantsa sa kanyang konsensya ang gabing iyon. Sa bawat paggunita niya kay Loise, ang alaala ng sakit at galit ang laging bumabalik at iyon ang nagtulak sa kanya na pagbayaran ang lahat ng pagkakamaling nagawa niya sa nakaraan.
Alam niya sa sarili niya na matagal siyang mapapatawad ng babae pero wala na siyang pakialam doon dahil ang misyon niya ngayon protektahan ito kagaya ng utos sa kanya ni Tiger.
-Itutuloy...