Chapter 7
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗
Third-Person POV
Nalimpungatan si Loise nang makaamoy siya ng mabangong aroma ng kape. Napainat siya saka tamad na muling pumikit habang ninanamnam ang halimuyak. Napabalikwas siya ng bangon sa sofa at napatingin sa paligid ng may naalala siya.
The last thing she remembered was binabantayan niya ang lalaki habang natutulog ito. Biglang naging malikot ang kanyang mga mata habang hinahanap ang nawawalang pigura ng lalaki. Bumangon siya at pumasok sa kusina, at nagulat pa siya nang makita itong nakaupo sa mesa, hawak ang kanyang tagiliran.Nagulat din ito pero biglang sumeryoso ang mukha nito.
“Nag-init ako ng kape,” mahinang sabi nito, iniwas ang tingin kay Loise.
“What makes you think you can touch my things?” mataray niyang tanong kay Sonata.
Hindi ito sumagot at tinitigan lang siya. Mabagal itong bumangon, saka lumakad palabas ng kusina at nilagpasan siya. Takang napasunod na lamang ang tingin ni Loise kay Sonata.
Umupo ito, napangiwi, at pinilit na isuot ang jacket. Rinig niya ang mahinang ungol ng lalaki, ngunit hindi siya lumapit. Hinayaan niyang gawin nito ang nais, maging ang pagsusuot ng sapatos.
Tumayo si Sonata at itinukod ang kamay sa sofa upang makabangon nang maayos.
“Salamat,” humihingal na sabi nito bago humakbang papunta sa pintuan at binuksan iyon.
“At saan ka pupunta?” tanong niya.
Hindi na ito sumagot. Bagkus, tinapunan lang siya ng malamig na tingin bago tuluyang lumabas ng kanyang silid.Naiwan siyang nagtataka at kunot ang noong napatingin na lang sa pintuan kung saan lumabas si Sonata.
Samantala, mula sa siyudad ng Maynila, malayo na ang narating ni Lucas mula nang umalis siya sa condo ni Loise. Sa mahabang biyahe sakay ng kanyang pick-up, magtatanghali na nang maisipan niyang huminto sa nadaanang gasolinahan. Dala ang kanyang maliit na backpack, pumasok siya sa CR at agad na hinubad ang kanyang jacket at t-shirt. Tinanggal din niya ang benda sa kanyang sugat at pinalitan ng bagong gasa.
Pinigilan niyang mapaungol ng malakas habang nilalagyan ng tape ang sugat at iniiwasan niyang marinig siya sa labas.
Malayo pa ang lalakbayin niya, at kahit masakit ang sugat, pinipilit niyang magmaneho para makarating ng Zambales kung saan siya tumutuloy. Kailangan niyang makarating bago magdilim, dahil baka hindi na niya kayanin kung patuloy pang umagos ang dugo mula sa sugat niya.
Umalis siya ng condo ni Loise dahil ayaw niyang madamay ang babae. Sigurado siyang sa mga oras na ito ay pinaghahanap na siya ng mga tauhan ni Gido. Hindi niya kasi inaasahan na mga sindikato pala ang mga ito, at natyempuhan niyang mahuli ang kanilang pagpapalitan ng kontrabando. Simula noon, hindi na siya tinigilan ng grupo. Mabuti na lang at agad siyang nakapagtago sa condo ni Loise at hindi siya ipinahamak ng babae.
Naitawag na niya ito sa kapulisan, ngunit hanggang ngayon wala pa siyang balita kung nahuli na ang grupo. Wala na rin siyang oras para buksan ang kanyang telepono kaya hinayaan niyang nakapatay ito. Mabagal lamang ang takbo ng kanyang sasakyan hanggang sa pumasok siya sa makakahoy na daanang katabi ng dagat. Binaybay niya ang kahabaan ng kalsada, palayo nang palayo sa siyudad. Paakyat na siya kaya tanaw na niya ang kabuuan ng Zambales.
Eksaktong alas dos ng hapon nang matanaw niya ang kanyang hindi kalakihang rest house sa unahan, gawa ito sa kahoy at purong bricks. Ipinasok niya ang kanyang pick-up sa loob ng gate na hanggang baywang lamang ang taas at ipinarada ito sa harapan ng kanyang log house.
Pagbaba niya ng sasakyan, sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa dagat at ng tanawin ng malalawak na burol na tila walang hangganan. Ang bughaw na kalangitan at ang hampas ng alon sa dalampasigan ay nagbigay sa kanya ng kakaibang katahimikan na matagal na niyang hinahanap. Mula sa kinaroroonan ng kanyang log house, tanaw ang malawak na dagat. Wala siyang kahit na sinong kapitbahay rito at tanging siya lamang ang nakatira sa liblib na lugar na iyon. Tanging malalaking punongkahoy lamang ang nakapaligid sa kanyang kapaligiran.
Binuksan niya ang lumang pintuan ng rest house na nakatayo sa gilid ng bangin, tanaw ang karagatan. Dahan-dahan niyang tinanggal ang takip ng mga kasangkapan, pinakiramdaman ang mga alikabok na ilang buwan nang naipon mula nang siya’y umalis at tumira muna sa Maynila. Tahimik ang buong bahay at ptanging huni ng hangin at hampas ng alon ang maririnig.
Lumapit siya sa bintana at minasdan ang malawak na dagat. Sa isip niya, muli na namang bumalik ang tanong na ilang beses niyang tinatakasang sagutin, ano nga ba ang hinahanap niya? Bakit hindi siya mapirmi kahit saan, at bakit parang lagi siyang may hinahabol na hindi maabot?
Naupo siya sa lumang upuan, humugot ng malalim na buntong-hininga, at pinanood ang unti-unting paglubog ng araw. Ramdam niyang darating din ang oras na haharapin niya ang lahat ng iniwasan niya. Pero sa ngayon, kailangan muna niyang magpahinga, mag-isip, at humanap ng kasagutan sa katahimikan ng Zambales.Kailangan niyang magpagaling dahil kailangan niya pang bumalik sa trabaho niya.
Pagkalabas ni Sonata sa log house, mahina ngunit matalim ang hampas ng hangin mula sa dagat. Pinilit niyang maging matatag ang bawat hakbang kahit pakiramdam niya’y humihigop ng lakas ang sugat sa kanyang tagiliran.
Huminto siya sa tabi ng lumang poso malapit sa gilid ng log house. Doon siya umupo, pilit na hinihigop ang hangin upang bawasan ang kirot. Dahan-dahan niyang tinanggal ang jacket at hinubad ang malagkit na damit na bahagyang namumula pa sa dugo. Inilapag niya iyon sa tabi, saka inilabas mula sa kanyang bag ang maliit na first aid kit na matagal na niyang dala.
Marahan niyang hinawi ang gasa at nakita ang sugat, hindi man malalim, ngunit sapat na para manghina siya kung hindi ito maalagaan. Ininom muna niya ang natitirang tubig sa bote bago dahan-dahang linisin ang sugat gamit ang alcohol at bulak. Napaigik siya sa sakit, ngunit pinilit niyang tapusin ang proseso. Ipinulupot niya ang bagong gasa, mas mahigpit kaysa kanina, at muling nagsuot ng malinis na t-shirt.Hindi na nga niya naramdaman ng tinahi ito ni Loise dahil sa sama ng pakiramdam niya kagabi.
Pagkatapos, saglit siyang tumingin sa kalangitan. Namumula na ang ulap, hudyat ng paparating na dapithapon. Sa kabila ng pagod at kirot, may kakaibang katahimikan ang kanyang naramdaman. Sa bawat hampas ng alon, para bang pinapaalala sa kanya na may pag-asa pa, na hindi siya tuluyang nag-iisa.
Ngunit sa kabila ng katahimikan, alam niyang hindi siya ligtas. Malayo man siya sa siyudad, ramdam niyang hindi magtatagal ay matutunton pa rin siya ng mga taong humahabol sa kanya at iyon ang kailangan niyang paghandaan.
Pumasok siya sa loob saka humiga sa kanyang sofa. Hindi siya papayag na hindi managot ang mga taong gumawa nito sa kanya, kaya inabot niya ang kanyang cellphone at binuhay ito.
Agad niyang tinawagan ang kakilala na si Tiger, gaya ng tawag niya rito. Ilang ring ang lumipas bago ito sumagot.Umupo siya ng magsalita ang kausap sa kabilang linya.
“Pare,” anito sa kabilang linya.
“Nasa safehouse ako,” agad niyang sabi sa kausap.
“What happened?” tanong nito, dinig niya ang mga yabag nito pagsara ng pinto.Marahil nasa opisina ang lalaki.
“I’m okay. Siguraduhin mo lang na hindi nila ako matunton dito.”
“Of course. Sige, ako nang bahala. Magpahinga ka na lang, tinutugis pa rin sila hanggang ngayon, nahuli na ang isa pero yung mastermind nakawala.”
" Sige,"
Pinutol na niya ang tawag bago siya sumandal sa upuan.Pinikit niya ang kanyang mga mata bago siya nilamon ng kadiliman.
-Itutuloy...