When Hatred Yields to Concern

1366 Words
Chapter 6 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV- Pareho silang napalingon sa pinto nang biglang may malakas na kalabog, kasunod ang sunod-sunod na katok. Agad na tumayo si Loise at inayos ang kalat sa upuan.Hindi niya alam kung ano ang gagawin at masamang tinitigan si Sonata. “Explain this to me, Sonata,” pabulong ngunit may diin ang bawat salitang sabi sa lalaki. “I need to hide.” walang emosyong sabi nito. “You’re bullshit! nanahimik ang buhay ko” hindi niya napigilang mura sa sobrang inis. Muli nilang narinig ang malakas na katok at napatingin ulit siya sa pinto. Kinuha niya ang kanyang bathrobe at tuwalya sa loob ng kanyang silid saka sinuot ang bathroob at nilagay sa ulo ang tuwalya, binasa ang kanyang mukha para magmukhang kagagaling lang sa banyo. Sinenyasan niya si Sonata na magtago sa likod ng pinto ng banyo, at sumunod naman ito agad. Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang pinto. Napaangat ang kilay niya nang bumungad ang tatlong lalaki sa labas.Mukha pa lang halata ng hindi mapagkatiwalaan. “Yes?” mataray niyang tanong sa mga ito, sinadyang itaas ang isang kilay. “Ah, Miss, itatanong lang po namin kung may nakita kayong lalaki..matangkad, nakasuot ng itim na leather jacket, medyo mahaba ang buhok hanggang balikat.” “FYI, sir, nasa banyo ako kanina. Paano ko makikita ‘yang hinahanap niyo?” sagot niya sinadyang itaas ang boses na kunyari naiirita siya dahil na istorbo siya. Nagtinginan ang tatlong lalaki. “Pasensya na, ma’am. May nagsabi kasi na nakita raw siya dito sa floor na ito.” “Pwes, wala siya rito. Wala akong nakita at wala akong pakialam kung sino man siya.” “Sige po, ma’am. Pasensya ulit.” Pagkasara ng pinto, mariin niyang isinandal ang likod doon, pinipigilang manginig ang tuhod sa kaba at gigil kay Sonata. “Okey ka lang ba?” mahina ngunit dinig nh dalawang tainga niya ang tanong ni Sonata mula sa likod ng pinto ng banyo. Loise rolled her eyes, bago siya lumapit dito at humalukipkip. “Damn it, Sonata! Next time you get yourself into trouble, can you at least not come running here to hide?” Loise snapped, hands on her hips as she glared at him saka inis na inalis ang tuwalyang nakabalot sa kanyang ulo. Slowly, Sonata stepped out, his movements heavy, as if weighed down by guilt, and walked toward her. “I’m sorry. Wala lang akong mapuntahan,” “That’s always your excuse!” Loise shot back, her tone sharp and unforgiving. “Don’t you realize that if they find you here, I’ll be the first one to suffer? I could lose my life because of you, Ilang beses nang nanganib ang buhay ko and please huwag ngayon marami akong deadlines,” Sonata reached for her arm, trying to calm her down. “Loise, please. Just trust me this once.” She yanked her arm free, her eyes burning with anger. “Trust? After everything? You barge in here, with men chasing after you, and you expect me to trust you? It doesn’t work that way, Sonata!” The man fell silent, his gaze locked firmly on hers. " Kung aalis ako ngayon siguradong hindi mo na ako makikita," Loise’s eyes widened, unsure whether to laugh at the absurdity or take him seriously.Kung dati nadadala siya sa mga sinasabi nito pwes hindi na ngayon! “And what makes you think I’ll believe you, huh? You’ve always been a liar, Sonata. That’s the only version of you I know kaya huwag mo na subukan pa.” Sonata couldn’t answer. He simply stared at her, silently enduring the sting of her words. He knew he had hurt her once before and even after all these years, the depth of her anger toward him hadn’t lessened. “Fine,” he muttered at last, his voice low. “Aalis na lang ako.” “Then leave!” Loise pointed at the door without hesitation. Left with no choice, Sonata stood and began to walk toward the exit. But just as he reached the door, a sudden, heavy thud echoed from the hallway.Startled, she turned her head at kinabahan ng makita ang bulto ni Sonata na nakahandusay sa semento. Agad na tinakbo niya ito saka niyugyog para gumising ito ngunit wala na itong malay. Nakita niyang duguan pa rin ang gilid nito kaya wala siyang choice kundi hilahin ang lalaki sa sofa. Hingal siya nang magtagumpay siyang ihiga ito. Tinapat niya ang kamay sa ilong nito, napahinga siya ng malalim ng maramdamang humihinga pa naman ang lalaki.Napaigtad siya ng marinig ang ungol nito. Kinuha niya ang first aid kit sa cabinet saka nilagyan ng temporary bandage ang sugat nito para hindi magtuloy-tuloy ang dugo mula sa sugat nito. Hindi siya pwedeng tumawag ng ambulansya, sigurado siya na sa mga oras na ito nasa paligid lang ang mga naghahanap dito. " Sonata!" gigil niyang sambit sa pangalan nito iniisip kung ano ang gagawin niya.Wala siyang choice ngayon kaya pumasok siya sa kusina at kumuha ng maliit na palanggana at nilagyan ng maligamgam na tubig.Hinila niya ang isang upuan saka tumapat sa nakahigang si Sonata. Dahan-dahan niyang tinaas ang damit nito saka dahan-dahang nilinis ang sugat ni Sonata gamit ang alcohol at cotton. Napapapikit siya tuwing maririnig ang impit na ungol ng lalaki pero hindi siya tumigil. Pagkatapos niyang linisin ay tinahi niya ng kaunti ang malalim na parte bago muling binalutan ng malinis na gasa. Pinahiran din niya ng ointment ang iba pang gasgas at pasa sa braso nito.May knowledge naman siya sa ganitong bagay at dati din siyang kumuha ng kursong nursing pero hindi niya tinapos at naboboringan siya sa subject lalo pa at kasagsagan ng pangungulila niya sa kanyang mga magulang. Pawisan siyang tinapos ang ginagawa niya at saka binalot sa plastic ang mga basura niya saka nilagay sa trashcan. Pagkatapos, ng nagising ang lalaki agad pinainom niya ito ng tubig at pain reliever gamit ang maliit na kutsara. “Sonata, lunukin mo ’to,” bulong niya habang marahang sinusuportahan ang batok nito. Mabuti na lang at nakainom din ito kahit mahina. Mataas din ang lagnat nito kaya nilagyan niya ng basang tela ang noo ni Sonata bago pinahiga ulit. Nang matapos, kinuha niya ang spare blanket sa kwarto at tinaklob sa lalaki. Ramdam niya ang bigat ng gabi, pati na ang tensyon ng sitwasyon, kaya wala siyang choice kundi bantayan ito. Umupo siya sa tabi ng sofa, nakamasid lang sa payapang mukha ni Sonata kahit may bakas ng sakit.Habang nagbabantay, pinilit niya pa rin tapusin ang mga ginagawa niya para hindi masayang ang kanyang oras.Nagtimpla siya ng kape para panandaliang matanggal ang antok niya. Makalipas ang ilang oras, hindi na nakayanan ni Loise ang antok kaya nakatulog na rin siy sa pagkakaupo. Samantalang si Sonata, nanatiling nakahiga sa sofa ng buong magdamag, mahina pero ligtas sa loob ng condo niya. Mahina ang daing ni Sonata nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata. Sumakit agad ang tagiliran niya, ramdam niya ang bigat ng sugat na tinakpan ng benda. Saglit siyang nag-adjust sa ilaw mula sa lampshade bago napansin ang isang bagay na ikinatigil niya. Si Loise, nakaupo sa gilid ng sofa, nakasandal at mahimbing na natutulog. Nakalugay ang buhok nito, at halatang inantok sa magdamag na pagbabantay. May hawak pa itong maliit na towel sa kamay, tanda na kanina lang ay inaalagaan siya. Tahimik lang siyang napangiti, kahit na masakit ang katawan. Hindi niya akalain na sa kabila ng galit at inis ng babae sa kanya, may malasakit pa rin ito. Inabot niya ang kumot at marahang itinakip din kay Loise para hindi ginawin. “Thank you…” mahina niyang bulong, halos siya lang ang nakarinig saka hinaplos ang makinis nitong mukha. Habang pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng babae, biglang sumiksik sa isip niya ang lahat ng pagkakamaling nagawa niya noon. Gusto niyang humingi ng tawad, pero hindi ito ang tamang oras. Ang mahalaga, ligtas siya ngayon dahil kay Loise. Ipinikit niya ulit ang mga mata, pinilit ipahinga ang katawan. At sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, nakatulog siyang may bahid ng kapayapaan dahil alam niyang hindi siya nag-iisa. -Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD