Chapter 5
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗
Third-Person POV
It was already late when Loise went home to her condo. She had a lot of papers to do, so the unfinished ones she brought home with her. She cleaned herself up first, then made some coffee and laid out her designs on the large table in her work area. She planned to stay up late because she had a lot of pending work.Bagsak ang balikat na umupo siya sa kanyang upuan at itinaas ang kanyang isang paa.
She had many ideas, but nothing clear came to mind about what she should start with. Her thoughts were occupied with her cousin Hendrick. She became an orphan at the age of eighteen, and it was his family who took her in. Hendrick and she were not very close as cousins, but whenever she had needs or problems, she would turn to him, and he never failed her.
Hendrick was an agent, and he once helped her recover when she experienced hardship through training, he even became her mentor. He was good in martial arts, but since he could not fully focus on training her, he decided to enroll her in a martial arts class in Beijing hanggang sa natuto siya.
Loise knew Hendrick did it with a purpose because he wanted to divert her mind and keep her from being affected by the tragedy of her family’s murder.Alam naman niya yun kaya sinikap niyang ma divert ang utak niya sa ibang bagay.
Loise gave a deep sigh. She didn’t even know if she could hold a gun again. She had promised herself never to touch one after she learned how to fight only to survive and live on her own.Masyado na siyang maraming nagawang kasalanan,kumbaga siya ang nagiging path para mahuli ang mga taong target niya.
Though she still dreamed of finding justice for her family’s death, it was never to the point of hurting another person just to achieve it. Kinuha niya ang lapis sa lagayan nito at nagsimulang gumuhit ng design. She had a lot of deadlines at kailangan niyang matapos ang lahat. May show din ang company nila Jacob at Tate next month, at isa siya sa mga appointed designer na mag-design ng mga isusuot ng lahat ng empleyado, kaya magiging busy ang kanyang mga linggo.
Nakafocus na siya sa kanyang ginagawa nang may marinig siyang doorbell. Kunot ang noo niyang tumayo; wala naman siyang inaasahang bisita lalo na sa oras na ito.It past 12 midnight. Isinuot niya ang kanyang tsinelas nang muling tumunog ito. Sandali siyang nakiramdam bago lumapit sa pinto pero nakahanda siya kung anoman ang naghihintay sa kanyang panganib.
“W-who is it?” medyo malakas niyang tanong.
“Sonata.”
Bigla siyang kinabahan nang marinig ang pangalan ng lalaki kaya agad niyang binuksan ang pinto, at tumambad sa kanya ang mukha nitong pawis na pawis at mukhang pagod.
“What are you doing here?” gulat niyang tanong sa lalaki.
Imbes na sumagot, pumasok ito sa loob nang walang paalam, bagay na ikinagulat lalo ni Loise.
“Isara mo ang pinto.” utos nito.
Naguluhan man, napilitan siyang sumunod sa sinabi nito.
“Nasan ang banyo mo?” pagkuway tanong nito.
Tumikwas ang kilay ni Loise at napahalukipkip sa attitude nito.
“Excuse me, Sonata, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung bakit ka nandito.”
“Loise, pwede ba mamaya na? Kailangan ko ng banyo.”
Kunot-noong napatingin si Loise sa lalaki. Maliban sa pawisan ito, napansin niyang maputik ang suot nitong boots at leather black jacket. Kinutuban siya na may ginawa na naman ito, kaya agad niyang itinuro ang banyo sa kabilang pasilyo.
“There,” she pointed.
Hindi na ito umimik at agad na naglakad papunta roon, mabilis at mabigat ang bawat hakbang. Sinundan niya ng tingin ang lalaki na paika-ika ang lakad. Napahalukipkip siya at napahawak sa kanyang dibdib. Ilang minuto ito nagtagal doon.Napaangat siya ng tingin nang bumukas ang banyo at lumabas ito.
“Sonata, anong nangyari?”
“Wala.”
“I don’t believe you.”
“Then don’t.”
Binigyan niya ng masamang tingin ang lalaki. Siya na nga itong bigla-bigla na lang sumusulpot sa harapan niya, pero siya pa itong nagkikilos na parang kung sino.
“Sorry,” mahina nitong hingi ng paumanhin.
Tinaasan lang niya ito ng kilay bago lumapit sa bintana at isinara ang kurtina. Pagharap niya kay Sonata, tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Umiwas naman ito ng tingin at umupo sa sofa na para bang walang pakialam.
“Now,” aniya, malamig ang boses, “baka gusto mong magkwento kung bakit ka nandito.”
“Wala akong mapuntahan.”
“Oh—” natawang sabi niya, may halong panunuya.“Wala kang mapuntahan? Hindi ako naniniwala, Sonata. Hindi ikaw ang tipong walang matutuluyan, your lying.”
Napayuko ito at napabuntong-hininga bago muling tumingin sa kanya.
“Loise… hindi mo maiintindihan—”
Napatagilid ang ulo niya, nagdududa.
“Talagang hindi ko maiintindihan. Ano naman ito ngayon, tungkol na naman kay Tate? Kung tungkol ito sa kaibigan ko, sinasabi ko sa’yo Sonata wala kang mapapala.”
Umiling siya, pero bakas sa mukha ang pag-aalangan. “Hindi ko alam bakit lagi mo na lang sinisingit ang pangalan ni Tate tuwing nakakausap kita.”
Natahimik si Loise. Gusto niyang magalit, gusto niyang paalisin ito, Wala itong karapatan na pagsabihan siya ng kung ano-ano.Pero hindi niya maiwasang mag-alala sa nakikitang sitwasyon ng lalaki.Palagi niya itong tintarayan para maiwasan nitong makita ang kanyang tunay na emosyon.
“You always adored Tate, so bakit hindi ko iisipin na sa tuwing lalapit ka sa akin siya lang ang dahilan? And you know what, Sonata hindi ka pwedeng basta-basta ka na lang sumulpot dito kapag may problema ka.”
Saglit na natahimik ang lalaki. Tumingin ito sa kanya, seryoso ang mga mata walang emosyon ang mukha nito.
“Alam ko,” aniya.
Tumayo ito at tumalikod. Hindi pa man ito nakahakbang nang marinig ni Loise ang malakas na pag-ungol nito; napalingon siya, at saka lang niya napansin ang dugo sa may tagiliran nito. Napatutop siya sa kanyang bibig sabay napaatras si Loise.
“What is this, Sonata!” nagulat siya; kinuha niya ang kanyang phone at dinial ang emergency number ng building.
“Huwag kang tumawag ng ambulansya!” mariing sabi nito, bago umupo uli sa sofa. Ngayon, hawak na nito ang tagiliran at tumutulo na ang dugo mula sa kamay nito.
"What!"
-Itutuloy...