bc

Water Fountain (Filipino)

book_age16+
717
FOLLOW
1.8K
READ
dark
forbidden
fated
second chance
drama
sweet
bxg
heavy
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

Patay na patay si Evette Centino kay Reiser Zech simula pa lamang pagkabata kahit pa halos sampung taon din ang tanda nito sa kan'ya. Tahimik niya itong minahal hanggang sa isang araw ay nalaman na lamang niyang ikakasal na pala ito sa ibang babae. Sa kagustuhang matapos ang dinaramdam ay umamin siya ng pag-irog sa harap ng isang water fountain kung saan madalas niya itong makausap na siya ring huling pagkakataon na makita niya ang lalaki. Sa paglipas ng panahon ay muling nagtagpo ang kanilang landas at ang nag-iisa nitong anak ang naging tulay sa kanilang muling pagtatagpo. Posible kayang magkaroon ng ikalawang pagkakataon si Evette sa kan'yang pag-ibig dito kahit pa sabihing may lalaki ng nagmamay-ari sa kan'ya?

Date Started: May 5, 2021

Date Ended:

@ColoredHands

Languages used are English and Filipino.

chap-preview
Free preview
Ang Simula
Hila-hila ang laylayan ng suot na mahabang dress ay humihingal na tumakbo ang dose anyos na si Evette palayo sa mga kaklase niyang kanina pa siya kinukulit. Pauwi na kasi siya mula sa isang buong araw sa eskwelahan nang mapansin niyang kanina pa nakasunod sa kan'ya ang isang grupo ng mga kalalakihan na nang sulyapan niya ay nakilala niyang mga kaklase niya na pinangungunahan pa ni Prince—iyong masugid niyang "manliligaw" na hindi siya tinatantanan. Wala pa naman ang sundo niya dahil hindi naman niya kailangang magpahatid-sundo lalo na at hindi katulad sa dati nilang tinitirhan, walking distance lang naman ang bahay niya mula sa ekswelahan. Mahinhing bata si Evette, maganda rin kaya marami ang sumusubok na mapansin niya kahit na mura pa lamang sa edad. Maaga siyang nagdalaga, may katangkaran na rin para sa isang mag-aaral sa ikawalong baitang sa high school kaya maagang nahubog ang magandang pangangatawan. Maliban sa magaling sa eskwela, usap-usapang haciendera din ito. Alam naman ni Evette na ang huli ang dahilan kung bakit sinusundan siya ng mga ito. Desperada siyang lumiko sa isang likuan na napalilibutan ng nagtataasang mga puno. May naglalakihan ding mga bato sa daanan kaya ilang beses pa siyang natatapilok sa suot na doll shoes. Dire-diretso lang siya ng takbo, unti-unti nang naiiyak sa takot at inis sa mga nangyayari. Ang gusto lang naman niya ay hindi na siya pakialaman ng mga kaklase. Kaya nga siya lumipat ng paaralan dahil sa dati niyang pinapasukan ay halos siya na lamang ang bukam-bibig ng mga tao. Hindi siya sanay at mas lalong nahuhulog sa kan'ya ang sanlibong panggigipit dahilan para halos hindi na siya makatulog sa gabi. Tumigil lamang siya sa katatakbo nang wala na siyang marinig na kahit ano sa paligid. Naitaas niya ang tingin sa kabuuan ng kagubatan at napasinghap nang napagtantong hindi na pala niya alam kung saan na siya, o kung anuman ang lugar na kinatatayuan niya sa ngayon. Para siyang mahihilo habang ipinapalibot ang tingin sa nagtatayugang mga puno sa paligid, ginagapangan na ng takot sa sistema habang naglalaro sa kan'yang isipan ang posibleng mangyari. Napahawak siya nang mahigpit sa strap ng kan'yang bag at sinubukang hanapin ang daan pabalik. Dahil ala-singko na ng hapon at natatabunan pa halos ng mga puno ang buong kapaligiran ay makulimlim ang kagubatan. Katulad na katulad ng mga senaryong pinapanood ni Evette sa wrong turn movie. Bigla siyang kinalibutan. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa upang magpatuloy sa paglalakad. Mas lalo pang dumagdag sa kan'yang kilabot ang mahinang tunog ng isang plawta hindi kalayuan. Gayunpaman, sinubukan ni Evette na hanapin ang pinanggalingan ng tunog na iyon. Nagbabakasakali kasi siyang "tao" nga iyon na pwede niyang mapagtanungan ng daan palabas. Nahanap niya ang sarili sa harap ng isang malaking bahay sa gitna ng kagubatan na mukhang hindi na tinirhan sa mga nakalipas na taon. Kinakalawang na ang nakabukas nitong gate at balot na rin sa lumot ang mga sementadong bahagi ng pader. Hindi iyon ang kumuha ng atensiyon ni Evette kun'di ang isang malaking fountain na nakatayo sa gitna ng malawak na entradang gawa sa lumang laryo. Napanganga siya sa estatwa ng mga anghel na animo ay tumutugtog ng plawta. Makapal na ang mga d**o sa paligid, basag na rin ang mga paso ng bulaklak at tuyong-tuyo na ang mga dahon. "Wow..." hindi niya napigilang ianas habang patuloy sa pagtitingin-tingin ng mansion. Halos napatalon na siya nang may nakita siyang mahinang paggalaw mula sa likuran ng fountain na nakalimutan niyang pinanggagalingan din pala ng tunog kanina. Isang bulto ng lalaki ang nakita niya na ikinanlaki kaagad ng kan'yang mga mata. "Huh? Paano ka naligaw rito, bata?" tanong ng isang baritonong boses sa gulong-gulong si Evette. Hindi pa nakatulong na napakababa ng boses nito, halos pabulong na may hatid na lamig sa batok ng batang si Evette. Unti-unting lumitaw ang lalaki sa liwanag, may hawak na plawta at malalalim ang mga mata. Nakasuot ito ng isang denim jacket at pantalon, maayos ang pagkaliligpit sa buhok at kunot na kunot din ang noo. Taka itong nakatitig kay Evette, kahit sa kasalukuyang ekspresiyong suot ay hindi maikakailang maganda itong lalaki. "A-Ah... Ano po..." Mabilis niyang naiwas ang tingin. Bigla niyang naramdaman ang pag-iinit ng pisngi, halos hindi kayang tingnan ang gwapong mukha ng binata na kahit pangalan ay hindi niya alam. "H'wag kang matakot, hindi naman ako nangangagat." Bigla itong ngumiti nang maliit bago siya tuluyang nilapitan. Matangkad ito mas'yado. Matipuno ang pangangatawan at mabango rin. Inilapag nito ang plawta sa may gilid ng fountain at naupo roon habang pinagkukrus ang mga braso sa dibdib. "Now may I ask again? How did you find yourself here?" balik-tanong nito na ikinalunok ni Evette. Sa isipan niya, para siyang lalagnatin! Kay gandang nilalang! "T-Tumatakas lang po..." Naibaba niya ang tingin sa lupa at ipinirme ang dalawang mga kamay sa likuran. "Tagasaan ka? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo," may pag-aalala sa tonong ani nito na literal na ikinatalon ng puso ni Evette. Para niyang nararanasan ang isang klase ng atraksiyong mas higit pa sa nakasanayan niya. Ibang-iba ang lalaki sa mga nakasalamuha niya. May ere ito ng kapayapaan at matatag na tiwala sa sarili. Pino ang mga kilos nito at maganda rin ang ngiti. "A-Ayaw ko pa pong umuwi... Pero pasensiya po sa panggagambala sa inyo rito..." nakayuko niyang paumanhin. Hindi ito umimik nang ilang segundo bago niya narinig ang mahina nitong pagbuga ng hininga. "You don't have to apologize. Kahit ako nanggagambala lang din sa lugar na ito," may bahid ng tawang pahayag nito na ikinatikom ni Evette ng mga labi. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob upang itaas ang tingin dito. Nakita niya itong may maliit na ngiting nakatingin sa mga tuyong dahon ng kamagong na halos tumatabon na sa sementadong daanan. "I used to live here, anyway. It feels surreal to be here again after years." Nilingon siya nito, may kung anong kislap sa mga mata na sa batang pang-iisip ni Evette ay kalungkutan. Hindi niya mapigilang mapatitig dito. Tumitig din ito pabalik sa kan'ya, animo ay inaarok ng mga mata nito ang buo niyang pagkatao. Sino kaya ang lalaking ito? "Hm, what's your name?" mayamaya ay tanong nito matapos umiwas ng tingin. Biglang nakadama ng hiya si Evette sa nangyari. Hindi lang niya mapigilan ang sarili. Ni minsan ay hindi pa siya nakadadama nang labis na interes sa isang lalaki bago ito. "E-Evette po..." Nag-iwas din siya ng tingin. "Ikaw?" Parang sasabog na ang puso niya habang hinihintay ang magiging sagot nito. Ilang beses pa niyang pinag-isipan ang maaaring pangalan ng lalaki. Para kasi itong prinsipe kaya paniguradong binigyan ito ng isang mala-prinsipeng pangalan ng mga magulang. "Reiser." Mabilis niyang naibalik ang tingin dito. Halos mabingi ang mga tainga niya habang nagpabalik-balik sa kan'yang isipan ang pagkabibigkas nito sa pangalan. Reiser. Reiser. Reiser. Animo ay sirang plakang naghatid ng ngiti sa mga labi ni Evette kahit pa nasa sarili na siyang silid at tanaw ang madilim na kalangitan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
69.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
41.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
246.9K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.4K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
51.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook