The Secret She Couldn't Hide
THIRD PERSON'S POV
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang malaman niyang siya pala ay buntis.Siya si Shadie Del Valle ,24 years old.
Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang katotohanang iyon.
Dahil sa hirap ng buhay, high school lamang ang natapos niya. Simula nang makapagtapos siya, ginawa na niyang responsibilidad ang tumulong sa kaniyang pamilya. May mga kapatid siyang naiwan sa probinsiya na patuloy niyang sinusuportahan upang makapag-aral at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Isa sa mga iyon si Shawn Del Valle,18 years old, at kasalukuyang first-year college.Ito ang sumunod sa Kaniya at buo niyang kapatid sa Ama't Ina, ang iba ay kapatid niya na sa kanilang ina.
Nang malaman ni Shadie na nagdadalang-tao siya, ang unang pumasok sa isip niya ay ang kaniyang pamilya.
*Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magulang ko kapag nalaman nila?*
Gulong-gulo ang isip niya.
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.
Simula nang lumuwas siya sa Maynila noong 20 years old siya, bihira na lamang siyang umuwi sa kanilang probinsiya. Karaniwan ay kapag may importanteng okasyon o pista sa kanilang lugar.
Marami na siyang napasukan na trabaho simula nang makarating siya sa Maynila. Kadalasan, isang taon lamang ang kontrata na tinatanggap niya dahil ayaw niyang masyadong magtagal sa isang lugar.
Pero ngayon lang siya nakaramdam ng kasiyahan sa kaniyang trabaho.
Malaki ang sahod, mahaba ang oras ng pahinga, at higit sa lahat, libre ang pagkain at tirahan.
Nagtatrabaho siya bilang cleaner sa isang five-star hotel.
Doon niya nakilala at nakatrabaho ang matalik niyang kaibigan na si Candy, na siya ring tumulong sa kaniya para makapasok sa hotel.
Magkasama rin sila sa iisang kuwarto.
May sariling quarters ang mga staff ng hotel, at doon din sila kumakain. Halos lahat ng kailangan nila ay nasa loob na ng hotel kaya malaking tulong iyon para kay Shadie, lalo na't kailangan niyang mag-ipon at magpadala ng pera sa kaniyang pamilya.
Isang gabi, gabi na nang makauwi si Candy.
Mahilig kasi ito sa panggabing duty at madalas ay nakikipagpalit lamang ng schedule kay Shadie kapag mayroon itong ka-date at hindi makakapasok sa oras ng kaniyang duty.
Samantala, kilala naman si Shadie bilang isang babaeng walang interes sa pakikipagrelasyon.
Hindi iyon ang priority niya.
Pamilya niya ang una sa lahat.
At bukod doon, minsan na rin siyang niloko ng isang lalaki. Simula noon, mas pinili na niyang huwag nang magseryoso sa kahit na anong relasyon.
Ngunit ngayong gabi, napansin ni Candy na kakaiba ang kaniyang kaibigan.
Tahimik ito.
Masyadong tahimik.
Nakaupo lamang si Shadie sa gilid ng kama habang tila malalim ang iniisip. Halatang may mabigat na dinadala.
“Shadie?”
Napatingin siya kay Candy.
“Hmm?”
“Okay ka lang ba?”
Agad siyang umiwas ng tingin.
“Okay lang ako.”
Hindi kumbinsido si Candy.
“Sure ka? Kanina pa kita napapansin. Parang ang tahimik mo.”
Hindi sumagot si Shadie.
Ilang segundo siyang nanahimik bago niya tuluyang ibinaba ang kaniyang ulo.
“Candy…”
“Yes?”
“May sasabihin ako sa'yo.”
Napakunot-noo si Candy.
“Bakit? Anong nangyari?”
Nanginginig ang mga kamay ni Shadie.
Matagal siyang nag-alinlangan.
Hindi niya alam kung paano sisimulan.
Pero sa huli, wala na siyang ibang taong mapagsasabihan.
Huminga siya nang malalim.
“Buntis ako.”
Nanlaki ang mga mata ni Candy.
“What?”
Hindi agad nakasagot si Shadie. Unti-unting namuo ang luha sa kaniyang mga mata hanggang sa tuluyan na itong pumatak.
“Two months na…”
Parang natulala si Candy.
Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.
Kilala niya si Shadie.
Alam niyang wala itong boyfriend.
At sa tagal nilang magkaibigan, hindi niya kailanman nakitang seryoso itong nakikipagrelasyon sa isang lalaki.
Kaya isang tanong lamang ang agad na pumasok sa isip niya.
“Shadie… sino ang ama ng bata?”
Lalong bumilis ang t***k ng puso ni Shadie.
At sa tanong na iyon, mas lalo siyang napaiyak.
Dahil ang problema…
Hindi niya rin alam kung nasaan ang lalaking ama ng kaniyang dinadala.
Unti-unti, ikinuwento ni Shadie kay Candy ang lahat.
Maging ang nangyari noong gabing iyon.
Wala siyang itinago.
Bawat detalye na kaniyang naaalala ay sinabi niya sa kaniyang kaibigan, habang paulit-ulit na pinupunasan ang mga luhang hindi niya mapigilan.
Tahimik lamang na nakinig si Candy.
Hindi niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin sa kaibigan.
Sa totoo lang, hindi niya alam kung paano ito tutulungan.
Ang alam lang niya, kailangan ngayon ni Shadie ng isang taong mananatili sa tabi niya.
Maya-maya, napansin niyang pagod na pagod na si Shadie.
“Matulog ka na muna,” malumanay na sabi ni Candy.
“Pero, Candy…”
“Bukas na natin pag-usapan ang lahat. Huwag ka nang mag-alala nang mag-isa.”
Tinulungan niyang humiga si Shadie at inayos ang kumot nito.
“Maaga tayong gigising bukas, okay?”
Napatingin sa kaniya si Shadie.
“Bakit?”
Ngumiti si Candy.
“Pupunta tayo sa mall. Bibili tayo ng mga kailangan mo at ng baby.”
Napahawak si Shadie sa kaniyang tiyan.
Sa unang pagkakataon matapos niyang malaman na siya ay buntis, nakaramdam siya ng kaunting ginhawa.
May takot pa rin.
Marami pa ring tanong.
At hindi pa rin niya alam kung paano niya haharapin ang kaniyang pamilya.
Pero ngayong gabi, alam niyang hindi niya kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.
Dahil nandiyan si Candy.
At sa loob ng kaniyang tiyan, may isang munting buhay na umaasa sa kaniya.
Isang buhay na bunga ng isang gabing hindi niya kailanman inakalang magbabago sa buong mundo niya.
VICTOR’S POV
I am Victor Rohann Montefalco, thirty-four years old.
For most of my life, I've been a man who knows exactly what he wants.
I built my career from the ground up, and eventually became a man people respected,and, in some cases, feared. I was used to making decisions, taking control, and never looking back.
I was once married.
But that marriage ended a long time ago.
My ex-wife and I are already divorced. There are no feelings left between us, no reason to go back, and no unfinished business.
The only person who matters to me from that chapter of my life is my daughter, Violeta Rain Montefalco.
Violeta is my world.
She is the reason I learned that there are things more important than money, power, and business.
But when it comes to women, I've never been interested in starting another serious relationship.
Until that night.
That one night I still can't explain.
I remember her.
The woman I met at the hotel.
I don't even know her name.
Every time I return to that condo, the memories of that night come back without warning.
Her face.
Her voice.
The way she looked at me.
The things that happened between us.
I've tried to convince myself that it was nothing.
Just one night.
A mistake.
Something that should have been forgotten the moment she walked out that morning.
But I can't forget.
What bothers me most is that she left before I even had the chance to ask who she was.
No name.
No number.
Nothing.
I've met countless women in my life, but somehow, it's the one woman whose name I don't know who keeps appearing in my thoughts.
I hate that feeling.
I'm not a man who chases women.
Yet here I am, wondering where she is.
I want to see her again.
Not because of what happened that night.
I want to see her because I want to know who she really is.
I want to hear her name from her own lips.
I want to know why, out of everyone I've ever met, she was the one woman I couldn't forget.
I stared at the empty side of the room and clenched my jaw.
“Where the hell are you?” I muttered.
For the first time in years, I found myself wanting something I couldn't simply buy or command.
Her.
And I had a feeling that finding her would change more than just one night of my life.