Naging malalim ang tulog ko pagkatapos niyon. Sa sunod na gising, binungaran ako ng huni ng mga ibon sa labas at mukhang huminto na ang ulan. Dahan-dahan akong napamulat at unang naramdaman ang ay ang mainit na presensya sa likod ko at ang mabigat na braso sa aking tiyan. Medyo inaantok at nanghihina pa sa mataas na lagnat kagabi, nagawa kong gumalaw nang kaunti. Ngunit kasabay rin niyon ay ang pagkilos niya sa aking likuran at lalo akong dinikit sa kaniyang katawan. “Hmm…” Ang pipikit-pikit kong mga mata ay unti-unti nang napamulat nang tuluyan nang narinig ang mahina ngunit magaspang na boses na iyon. We were so close that I could feel his hard, warm, and broad chest against my back! Umagang-umaga ay kumalabog nang husto ang aking dibdib. Nakababa na ang kumot sa aming dalawa, t

