Nakatulog din naman agad ako pagbalik sa higaan. Mabigat pa rin ang ulo ko at nanghihina. That was around 10 PM. Nang muling magising, nakita kong malapit nang maghating-gabi. I breathed heavily through my nose. Nakapikit pa rin ang mga mata ko at pakiramdam ko ay nagyeyelo ang buong kwarto kahit nakabalot na ako. I don’t have any fan on. Kanina pa iyon nakapatay kaya alam kong hindi dahil doon kaya ako nilalamig nang husto kundi dahil sa temperatura ng katawan ko! Hindi ako makabangon. Hindi ako makadilat. Ang gusto ko lang ay mawala ang lamig na nararamdaman. I’m still half-asleep when I made sure my whole body is covered. Nakakumot na ang buong katawan ko at mga paa pero nilalamig pa rin ako nang todo. Nakaidlip ako ulit habang nilalabanan ang lamig na iyon, at sa sunod kong gis

