Ngayong unti-unti siyang kumalma at nakasandal habang humihinga nang malalalim, lalo kong nakita nang malinaw ang kaniyang itsura.
He doesn’t look average. He was… ruthlessly handsome. Like a fallen Greek god. His facial features were mixed of tenderness and roughness. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Malambot ang kaniyang ekspresyon pero dahil sa mga mata niya, mukhang hindi rin basta-basta ang kaniyang isip, making him intimidating in a different way.
Hindi naman ako ignorante sa mga lalaki. I’ve had crushes before but I don’t think… they stood a chance against this man.
Napalunok ako at para nang sirang robot na hindi malinisan nang maayos ang mga sugat sa aking taranta.
His eyes were expressive. Kahit ang pagkislap sa mga iyon ay masiyadong halata. Matangos ang kaniyang ilong at maganda ang mga labi. Hindi siya mukhang masungit at sa halip ay kabaliktaran pa niyon.
The way his eyes are shamelessly showing expressions… mukhang hindi siya basta-bastang matatakot. Wala ngang pagkabahala sa kaniyang mga mata, sa halip naguguluhan at nangingilala pa.
Gusto kong tanungin ang kaniyang pangalan ngunit hindi ko magawa.
“Wala akong maalala…” he breathed. Kinausap siya ni Tonyo at nagtatanong kung anong nangyari sa kaniya.
Wala siyang… maalala?
Pagtapos kong gamutin ang kaniyang sugat, nagpahinga siya. Gusto ko siyang dalhin sa ospital pero wala akong sapat na pera. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan maliban sa patuluyin siya rito at umasa na maalala niya kahit man lang ang kaniyang pangalan at ilang detalye na makakatulong.
Naghanap ako ng pera sa kwarto ko. Hinalungkat ko ang aking ipunan ngunit hindi sigurado kung sasapat nga ang meron ako para madala siya sa ospital!
Hihingi na lang ako ng tulong kay Aling Carmen. Baka sakaling matulungan niya kami.
Sinabi ko na pumunta kami ng hospital, pero hindi ko alam kung bakit siya tumanggi. Nakatingin siya sa akin at mukhang bumuti na rin kahit papaano ang kaniyang pakiramdam.
Nakasuot na siya nang malinis na grey sweatpants. Mabuti na lang dahil mayroon akong malaking grey sweatpants na may adjustable drawstrings kaya kahit matipuno ang kaniyang pangangatawan, kumasya pa rin sa kaniya.
Hindi niya naisuot ang puting t-shirt dahil may sugat sa kaniyang braso at tagiliran at binalutan ko iyon ng gasa.
I nursed my wounds myself after making that escape. Nagkasugat-sugat din ako sa kagubatan. Doon ko natutunan ang paggagamot at mabuti na lang din ay naitago ko pa ang mga natitira.
Mula sa kusina, hinarap ko siya at may dalang maligamgam na tubig. Hindi ko siya maiwan sa sala at hindi rin ako mapalagay.
Inabot ko iyon at dinala sa mesa. Aside from physical wounds, he speaks just fine. Ngunit nakakabahala pa rin lalo pa’t wala siyang maalala.
“Pumunta tayo sa ospital mamaya,” sabi ko dahil desidido na akong magsabi kay Aling Carmen.
Nakatingin siya sa akin. Ginagamot niya na rin ang sarili niya at mukhang ayaw nang ipagawa pa iyon sa iba. Kaya halos pinapanood ko siya sa kaniyang ginagawa.
“Salamat,” pasalamat niya sa aking binigay.
Hindi ako umalis at nanatiling nakatayo lamang. Siguro sa kaniyang paningin, mukha akong weirdo at ngayon lang nakakita ng tao.
Tiningnan niya rin ako habang napapangiwi pa nang kaunti sa ginagamot na sugat sa kaniyang balikat.
“Wala naman akong nararamdamang kakaiba kaya siguro hindi na kailangan.” Marahan ang kaniyang sagot. Napatingin siya sa palibot ng bahay kaya napalunok ako.
Alam kong hindi ganoon kalaki ang bahay na tinitirhan ko. May mga sira na nga rin maging sa bubong. At iyong iba, mula pa noong nakaraang taon na lumipat ako rito. Nilapit ko na iyon kay Ate Judith pero wala naman siyang aksyon.
Binalik niya ang tingin sa akin at magaan ang kaniyang mga mata kahit nangingilala.
Iniisip niya siguro na masiyado nga akong mahirap at walang kapera-pera, na kailangan ko pang maghalungkat ng mga ipunan ko.
“Pero baka tama ang mga mangingisda. Baka hindi maganda ang tama mo. Kailangan mong matingnan.”
Paano kung may pagdurugo sa utak niya? Paano kung malala ang aksidente?
Hindi na siya sumagot. Mahina pa rin ang kaniyang kalagayan kaya hinayaan ko na muna siyang magpahinga rito sa bahay dahil mukhang kailangan niya iyon. Kawawa naman ang sinapit ng lalaking ‘to.
Pinauwi ko na rin muna si Tonyo at napag-usapan namin na huwag munang ipagsasabi ang tungkol sa estrangherong natagpuan sa dalampasigan. Hindi rin naman madaldal si Tonyo at sa katunayan, matatakuting bata iyon.
Simula rin nang mamatay ang kaniyang amang isang mangingisda, hindi na gaanong nakikipag-usap sa mga tao kahit kay Aling Carmen. Mabuti nga at nakuha ko pa ang loob nito at kinakausap ako. Kaya siguro ako ang tinawag nito nang naabutan ang lalaki sa tabing-dagat.
“Dito ka lang muna. May pupuntahan lang ako m-mamaya,” saad ko.
Tinulungan ko siyang mahiga pagtapos niyang gamutin ang sugat. Binigyan ko siya ng unan. Kumuha na rin ako ng kumot at nilapag sa malapit na mesa.
Napatingin siya sa ‘kin. Aalis na sana ako at papasok ulit sa kwarto nang nagsalita siya.
“Anong pangalan mo?” tannong niya. Hindi pa siya humiga agad. Napatingin ako sa kaniya habang nilagay ang unan doon.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ako sanay makipag-usap at alam ‘yon ng mga taga-rito. He seems kind pero hindi ako mabilis magtiwala. At kahit pa mukha siyang mabait, kailangan ko pa ring maging mapag-obserba!
Nagkatinginan kami nang pinagmasdan niya ako. Hindi ko masabi ang kaniyang iniisip lalo pa’t tinitigan niya ako.
“Pasensya na. Kung kilala man kita. Hindi ko talaga maalala ang pangalan mo sa ngayon,” mahina niyang sinabi nang naisip na baka masaktan ako na hindi niya ako naaalala. “Pero sabi ng bata kanina, Mara daw. Iyon ba?” tanong niya.
Napatingin ako sa kaniya.
“Oo,” tipid kong sagot.
Tumango siya at naghanap ulit ng tanong. Mukhang marami siyang gustong itanong. Seryoso rin ang kaniyang mga mata. He looks really confused.
Nililigpit ko ang mga ginamit niya na nasa mesa. Napangiwi siya at mukhang naramdaman ang hapdi ng sugat sa labi. Nag-iwas siya ng tingin at mayamaya lamang, naramdaman ko nang nahiga siya at tinupi ang unan sa dalawa kaya naging mataas.
“I don’t remember any names,” sunod niyang sinabi. Dala ko na ang tray kung nasaan ang ilang panggamot na ginamit.
Tumayo ako nang tuwid at naabutan siyang nakatingin sa kisame at nagsasalubong ang mga kilay sa pag-iisip.
“Kahit lugar?” nababahala ko ring tanong. Umiling siya at mukhang naguguluhan na rin sa sarili. I bit my lip. “H-Hayaan mo muna. Huwag mong pilitin. Baka makasama. Mabuti pa sa ospital na lang.” Mas alam ng mga doktor ang proseso.
Binaba ko na ang aking tingin para bumalik na sa kwarto ko at nang sa gayon ay mas makapagpahinga siya.
Magtatanghalian pa lang. Hindi na rin ako nakasunod sa mga kasamahan patungo sa ilog para maglaba. At iyong labada ko ay muntik ko pang maiwan sa tabing-dagat!
Hindi ko siya maiiwan. He doesn’t have any memory. He doesn’t even remember his own name.
Hindi niya na rin alam ang itatanong. Tumalikod na ako ngunit nagsalita siyang muli. Nang nilingon ko siya, nahagilap niya ang mga mata ko.
“Salamat sa pagligtas mo sa ‘kin kanina,” marahan niyang sinabi ngunit seryoso. “Mara.”
Natigilan ako at napakurap na lang. Hindi na ako sumagot. Sinundan niya pa ako ng tingin, ngunit tahimik na akong tumalikod at binalik ang gamit sa cabinet sa kusina.
Pumasok na rin ako sa loob ng kwarto at bago ko pa maisara ang pinto, pinagmasdan ko siya sandali. Nakita kong huminga siya nang malalim at napahawak sa kaniyang mga mata at pumikit.
His jaw ticked and he looked seriously lost. He wasn’t familiar to me. Gwapo siya, matangkad… May pagkamoreno nang kaunti.
His skin looked flawless. His face, despite cuts and wounds, is enough for people, especially women to pay him attention.
Kumurap ako at unti-unting sinara ang pinto, nakikita pa ang kaniyang imahe na nakahiga sa mahabang upuan sa aking sala, may benda sa braso, at hinahawi ang kaniyang buhok palikod habang nag-iisip pa rin.
Maliit lang ang bahay ko at dahil sa kaniyang tangkad, nagmistula itong bahay-bahayan.
Ano nga kayang… pangalan niya? At paano siya napadpad dito sa Isla Verde?