Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Basta namalayan ko na lang na wala na ako roon sa hotel. Kahit ang mga gamit ko ay hindi na ako nangahas na balikan pa! With the only money I had left in my pocket, pumara ako ng tricycle at nagpahatid agad pauwi. Gumagapang ang takot sa buong sistema ko at kahit nanghihina ang mga binti ko sa takot, pinilit kong makatakas sa kaniya. My legs are numb and I don’t think I can stand anymore. Hindi ako makapaniwala… hindi ako makapaniwala na sa lawak ng mundo ay magtatagpo ang landas namin! Gulong-gulo ako. Tumulo ang luha ko at hindi maintindihan kung bakit nangyayari ito. I worked hard so I could live this peaceful life. Pinaghirapan ko ito at alam iyon ng langit. I gave everything so I could live safely! Para lang makalayo at m

